Pagdating nila sa gate 2, paakyat na sila nang humarang bigla si Vincent. Nagulat pa si Shaira sa pagsulpot nito habang tiningnan niya lang ito ng diretso. Nakangiti na naman ito sa kanya. “What the h*ck is your problem?” iritableng tanong niya rito. May kung ano itong dinukot sa bulsa nito at inilahad sa kanya. isang band aid. “Take this and I’ll leave. Hindi ako aalis kung hindi mo ito tatanggapin,” sambit nito na nananatili ang ngiti sa labi. Sa sobrang irita niya ay hinablot niya ang hawak nitong band aid. “Happy?” tanong niya pa bago ito lampasan. Sumunod naman agad si Shaira sa kanya. “Thanks, Baddass Angel!” sambit nito pero hindi na niya ito pinansin at tuloy-tuloy na silang naglakad hanggang sa kanilang silid. Pagpasok doon ay agad siyang umupo sa sahig at sumandal sa papag ha

