"OH my god! Congrats, Hestia! I'm so proud of you!" Ang malakas na tili ni Raileigh ang sumalubong sa akin nang makalapit ako sa kinaroroonan nila. Nasa tabi niya si Chaos at ang iba pang pinsan nito. "Congrats, Hestia," bati rin sa akin ni Curse. I gave them a smile. "Thank you." Bahagya akong naging seryoso nang si Silent na ang lumapit sa akin. I saw him earlier when I was on stage to accept my diploma, he was looking at me proudly. "Congrats," matipid niyang sambit. Ni ngumiti ay hindi niya pinagkaabalahan na gawin, pero nakikita ko sa mga mata niya ang saya para sa akin. Marahan akong ngumiti. "Thanks." Nagkatitigan kami ni Silent. Nawala lang ang atensiyon namin sa isa't isa nang mag-aya si Raileigh na mag-picture taking para maging remembrance. "Uhm, Kuya Silent, can you s

