CHAPTER 28 "WHAT'S wrong?" seryosong tanong sa akin ni Silent at hindi man lang ako nilulubayan ng tingin. Simula kanina nang sunduin niya ako sa school ay ngayon lang may isang nagsalita sa amin. Buong byahe kasi ay wala akong imik habang nakaupo sa tabi niya. Umiling ako. "Nothing." Mukhang hindi nakumbinsi si Silent sa sinabi kong 'yon. Napabuntong hininga siya. "Why did you call last night? Nang biglang mamatay ang tawag ay tinawagan kita, pero hindi mo sinagot." Napatigil ako sa pagkain nang maalala ang nangyari kagabi. Tulad nga ng sinabi niya, nang magtungo na ako sa kwarto ko kagabi matapos patayin ang tawag ay nakatanggap ako ng tawag sa kanya. "Napindot lang. Noong tumawag ka naman, tulog na ako," dahilan ko na lang. Hindi ko alam kung kapani-paniwala ba ang dahilan kong 'y

