"FINALLY, we're done!" masaya at malakas na sabi ni Clarence. Nasa gitna pa siya ng classroom kaya rinig naming lahat ang ingay niyang 'yon. Isa-isa nang nag-aayos ng mga gamit ang mga kaklase ko, at isa na ako roon. Ngayong araw ay natapos na namin ang huling araw para sa exam, kaya parang mga nakahinga kami nang maluwag. "Guys, I have an announcement!" Agaw-pansin ni Clarence sa mga kaklase namin dahilan para mapunta sa kanya ang atensiyon namin. Nang makita ni Clarence na nagtagumpay siyang makuha ang atensiyon namin ay ngumiti siya ng malapad. "Who's free tonight? Manlilibre ako para naman makapagsaya tao matapos nitong hell week natin." Nakaani ng hiyawan ang sinabing 'yon ni Clarence. Halos karamihan sa mga kaklase ko ay tuwang-tuwa, hindi lang dahil libre ito ni Clarence kundi

