Chapter 3

1323 Words
Andromeda Nag-unat ako ng braso nang marating ang tapat ng bahay namin. Nakakamiss at talagang napakasarap ang simoy ng hangin sa probinsya. Kung may pagkakataon lang ay mas gugustuhin kong dito nalang tumira. "'Nay! 'Tay!" tawag ko sa kanila. Lahat ay naglingunan sa akin at nanlalaki ang mata. Ang triplets kong kapatid na tawag ko ay constellation ay tumatakbo papunta sa akin—sa kaniya? Kay Gilleon? Teka, bakit sa kaniya ? Salubong ang kilay ko habang tuwang-tuwa ang mga kapatid ko kay Gilleon samantalang tawa rin nang tawa ang kumag. Feeling welcome— "Welcome back, Gil!" sigaw ni papa at inakbayan siya na para bang walang nagbago. Kumurap-kurap ako at nagtataka sa nangyayari. Pabalik-balik ang tingin ko sa tatay ko at kay Gilleon. Talagang hindi pa sila naka-move on? "Constellations! Bitawan niyo nga siya! Pa! Ikaw rin." Nakasimangot na bumitaw sila kay Gilleon at si Papa naman ay kinuha ang maleta ko. Sabay-sabay kaming pumasok sa bahay at panay-panay naman ang irap ko sa lalaking feeling jowa pa rin sa akin. Akmang aalalayan pa ako nito nang bigla kong titigan siya nang matalim. "Don't touch me," banta ko at nagtaas ng kilay. Napabuntong-hininga lang siya at ngumiti nang matipid. Nang makapasok kaming lahat ay bigla na lamang yumuko si Gilleon na ikinagulat naming lahat. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa ginawa niya. "Gusto ko po humingi ng kapatawaran sa ginawa ko sa anak ninyo! Tita, Tito!" Napakagat labi ako sa sinabi niya. Hindi nga alam ni Mama at Papa ang panloloko niya. Ang sinabi ko ay nag-abroad siya para abutin ang sariling pangarap. "Walang problema iyon, Gilleon. Para naman sa kinabukasan ninyo ni Andromeda iyon." Umangat ang ulo ni Gilleon at nagtatakang tumingin sa akin. Dahil sa inis ay hinila ko siya palabas at hinarap nang maayos. Bahagya pa akong lumingon para siguraduhing walang nakasunod sa amin. "Hindi alam ng parents ko ang ginawa mong panloloko sa akin." "Why? I mean, bakit hindi mo sinabi—" "Minahal ka ng parents ko, Gilleon. Naging mabuti ka rin sa kanila kaya ayokong mag mukha kang masama sa paningin ng pamilya ko." "I'm sorry, Andromeda—" "Tama na yung nasaktan silang nakita akong masaktan. Ayoko ng dagdagan yun kung malalaman nila ang dahilan ng hiwalayan natin. Kaya please lang, Gil. Umalis ka na lang dito at—" Natigil ang pagsasalita ko nang bigla niya akong halikan. Ramdam na ramdam ko ang labi naming magkadikit. Halos maestatwa ako sa sobrang lakas ng kabog ng aking puso. Ang pamilyar na emosyon na akala ko ay wala na ay muling umuusbong. Nakalibing lang pala iyon sa pinakamadilim ba bahagi ng puso ko. At ngayon ay unti-unting tumutubo muli na para bang isang bagong bulaklak. Nanlaki ang mata ko dahil sa realisasyong iyon. Malakas ko siyang tinulak at sinampal. Tinitigan ko siya nang masama at pinunasan ang aking labi gamit ang likod ng palad ko. "Ulitin mo pa ang ginawa mo, hindi lang sampal ang gagawin ko sa 'yo." Akmang tatalikod ako nang bigla niya akong pigilan at hilahin pabalik. Nagkatitigan kami sa mata at para akong nahihipnotismo. "Andromeda, please. Stop resisting—" "Gilleon, hindi ako plantita na matapos magtanim ng sama ng loob ay uusbong ang bagong pagmamahal ko sa 'yo." He sighed deeply. "Andromeda naman." Bumitiw ako sa kaniya at pumasok sa loob hawak ang dibdib kong kumakabog pa rin dahil sa halik na iyon. "Ate, kakain na po tayo." Nilingon ko si Star, isa sa mga kapatid ko at tumango. Nang marating ang kusina ay puro seafood ang pagkain namin. Nakagat ko ang labi ko nang biglang maalala ang allergy ni Gilleon sa seafoods. Ipinilig ko ang ulo ko at hinayaan na lamang. Magana kaming kumain lahat. Si mama ay pinaghihimay at pinagbabalat ng hipon si Gilleon. Hindi alam ng parents ko ang allergy ni Gilleon dahil sinekreto namin iyon. Baka raw kasi ma-offend ang parents ko. Nanliliit ang mata kong nakatitig kay Gilleon habang sarap na sarap sa pagkain ng hipon, alimasag at oyster. Napalunok pa ako nang higupin nito ang talaba at may tumulong sabaw mula sa labi nito. Palihim kong kinurot ang hita ko dahil sa iniisip. Muli akong napatingin sa kaniya at nanlalaki ang mata nang dilaan nito ang shell naman ng tahong habang nakatitig sa akin. Isang imaginary laway na naman ang nalunok ko. Nag-iwas ako ng tingin at pinilit ang sariling 'wag pansinin ang kabaliwan niya. Nagsimula akong kumain at napangisi nang makita ang jumbo hotdog na pagkain ng constellations. Hindi p'wedeng siya lang. "Constellation pahingi akong jumbo hotdog ah!" "Okay po!" sabay-sabay na sagot ng triplets. Nakakamay akong dinampot iyon at tinitigan siya. Sinimulang kong dila-dilaan iyon at isusubo para asarin siya. Tagumpay naman ako dahil napanganga itong nakatitig sa akin. Dahil na rin sa tuwa ay sinubukan kong lamunin ng bou ang hotdog. Napaubo ang loko at naghagilap ng tubig. Todo alalay naman ang nanay at tatay ko. Niluwa ko naman ang hotdog at totoong ng kinain iyon. Oh? Tigas yern? "Ate meda? Bakit mo bini-bj yung hotdog?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Star. Twenty na siya kaya malamang ay alam niya ang ginagawa ko. Mabilis akong dumampot ng hipon na hindi pa nababalatan at ipinasok sa bunganga ni Star para manahimik. "Star! Manahimik ka nga!" Niluwa nito ang hipon. "Ate kadiri ka naman. Gusto mo orderan na lang kita sa online shopping—" "Hoy starla, manahimik ka. Saan mo natutunan 'yan?" Nagkibit-balikat ito at kumuha ng saging at ngumisi. "Ate, gusto mo?" Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagkain. Natapos ang tanghalian namin at nagpasya akong tumungo sa kaibigan ko dito sa lugar namin. Palabas na ako ng gate nang masulyapan ko si Gilleon na kamot nang kamot. Nilapitan ko siya at nang humarap ay puro siya pantal. Namamaga na ang labi at mata nito dahil sa allergy. "Ayan! Sipsip pa ng talaba! Bwisit ka!" "S-sorry na, may gamot ka ba—" Hindi ko siya pinatapos at tumakbo pabalik sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto at binuksan ang mga drawer. Buti na lamang at may natira pa. Hindi pa naman expire kaya agad akong lumabas at kumuha ng tubig. Nagmamadali akong bumalik kay Gilleon na kamot pa rin nang kamot. "Inumin mo 'to," utos ko at ibinigay ang gamot. May imbak ako ng gamot sa allergy niya sa kwarto dahil nga laging seafood ang pagkain. Kahit nang maghiwalay kami ay naglalagay pa rin si Star ng gamot roon, alam kasi ni Star ang allergy niya. "Thank you," saad nito at ngumiti. Napangiwi ako. "Pumasok kana sa loob, o kaya sa treehouse kana matulog. Tiyak na aantukin ka sa gamot." Tumango ito at dumiretso ng tree house na siya rin ang gumawa dati. Tambayan namin iyon kapag gagawa kami ng milagro. Nag-init ang pisngi ko dahil sa alaala sa treehouse. Lahat na ata ng sulok ng treehouse ay na-explore na namin. Pumasok naman ako sa loob at kumuha ng unan at kumot. Pagdating ko ng treehouse ay tulog na siya. Napaka-payapa ng mukha niya kahit puro pantal. Akala mo eh hindi nagloloko. Nilagyan ko ng unan ang ulo niya at kinumutan siya. Akmang aalis na ako nang hawakan nito bigla ang kamay ko at niyakap iyon. Ito na naman ang puso ko. Ang umuusbong na damdamin ay para bang dinidiligan dahil lalong lumalago. Paano na lang kung ako mismo diligan ng kumag na 'to? Edi balikan na ang peg? Jusko naman, self. "Gilleon pupunta ako sa kababata ko, may usapan kami—" "Can you just stay for a minute Andromeda?" He sighed. "Lagi ka na lang umaalis agad kaya hindi mo ako naiintindihan." Kumunot ang noo ko at hinayaan na lamang siya. Gilleon Ramirez is making my heart beat fast again. Ayokong maging pokmaru, kasi paano kung maulit? Doble na ang sakit na baka hindi ko kayanin. Second chances is full of doubt, trust issue and pain. So, bakit magbibigay pa kung hindi naman sigurado na?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD