Chapter 2

1413 Words
Andromeda Sumasakit ang ulo ko pagkaupo ko sa aking area at dahil iyon sa bwisit na Gilleon. Hindi ako nakatulog nang maayos kakaisip sa kaniya. Kung bakit ba naman kasi pumogi at lumaki ang muscles niya nang very light. Nagagawa nga naman ng pera sa tao. "Girl? Ano? Nagkabalikan na ba kayo?" sulpot ni Suzy na bukod sa tsismosa kong kaibigan eh, katrabaho ko rin pala. "Manahimik ka muna girl at pumipintig—" "Yung tingil mo?" "Tanga! Yung ulo ko! Kabastosan mo, Suzy!" Ngumuso ito at tumawa. "Sus naman, Meda. Alam naman nating na jackhammer kana ni Gilleon—" "Gusto mong i-jackhammer kita sa ulo!" "Sureness! I like it! f**k my brains!" kinikilig na sabi nito at tumingin sa sariling computer. Inikot ko ang mata ko sa at umupo nang maayos. Puro kalokohan talaga itong si Suzy. Nag-unat ako ng kamay dahil mukhang mapapagod ako ngayong araw. Marami-rami ang aplikante ngayon dahil malapit na ang peak season. Iniisip ko pa lang na mag-iinterview ng sandamakmak na aplikante ay sumasakit na ang ulo ko. Bilang hr ay isang challenge talaga sa akin ang humarap sa mga aplikante lalo na sa mga matatagal ng employees na akala mo sila nagpapakain sa amin kung mag-siga sa admin. Nakaka-stress ng ganda. "Girl kailan pala leave mo?" tanong ni Suzy bigla. Ngumisi ako nang maalala ang leave ko bukas. Five days leave iyon at uuwi ako ng mindoro para makita ang nanay, tatay at mga kapatid ko para dumalo ng kasal ng aking tiya. "Temmerew," maarteng sabi ko at humagikhik para inggitin ang bruha. "Ah okay," sagot nito at humarap sa cellphone saka animo'y tumitipa. Nagtaas lang ako ng kilay dahil hindi ko inaasahan ang sagot niya. Akala ko pa naman ay magsisimangot dahil hindi ko siya isasama. MATAPOS ang walong oras na trabaho ay nagmamadali na akong nagligpit ng gamit. Buti na lamang at nakapag-loan ako kaya may pera ako sa pag-uwi ko. Mahirap ang walang datong pag-uuwi ng probinsya dahil daig ko pa galing saudi kapag sinasalubong ng pamilya ko. Ilang oras nang marating ang bahay ay excited akong magbukas ng pinto nang mapansing kong bahagyang naka-awang iyon. Kumabog ang puso ko bigla sa isiping baka may pumasok at ninakaw ang mga panty at bra ko dahil lagi kong napapanood sa isang dokumentaryo sa TV ang ganoon. Sana naman yung mumurahing bra ko ang kunin, 'wag yung triumph. "Nanakawan ba ako?" tanong ko sa sarili at lakas loob na humakbang papasok. Tuluyan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Limang malalaking maleta. Nilibot ko ang paningin ko dahil wala akong maalala na roommate. At saka nagbabayad ako ng renta para sa boung apartment. "Hi, Love!" "Ay keke!" napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. "Anong keke?" Umupo ang walanghiyang intruder at may hawak pang baso ng kape. Napaka-kapal ng mukha. Chill na chill, akala mo e hindi nagloko. "Keke! Do'n ka mahilig 'di ba? Tapos 'di mo alam?" Ngumisi siya sa akin. "Ahh. Keke. Pero keke mo lang ang hilig ko—aray!" daing nito ng batuhin ko siya ng sapatos ko. Napakawalang modo talaga ng lalaking 'to at hindi ko alam kung bakit ko siya pinatulan. "Bastos! P'wede ba! Anong ginagawa mo dito? At wow ha! May dala ka pang maleta?" "Akin 'tong bahay na 'to," anito na puno ng kayabangan. Hindi ko mapigilang tumawa sa kahibangan niya. "Sa 'yo? Talaga? May pangalan ka ba dito? May titulo ka ng lupa—ano ba!" Inalis at binasa ko ang papel na pinang-pigil niya sa pagsasalita ko. Namilog ang aking mata sa gulat nang makita ang pangalan niya sa titulo. Hindi p'wedeng mangyari ito? "A-ano 'to?" "Obviously, the paper scream itself." Nag-uuntugan ang ngipin ko sa inis. "Alam mo? Bwisit ka!" Pumasok ako ng kwarto at hinila ang maleta na naligpit ko na at lumabas. Napatayo si Gilleon na nanlalaki ang mata sa gulat nang makita ang mga bitbit ko. "Hey, where are you going?" Tinitigan ko siya nang masama. "Hindi ako si Dora, 'wag mo ako tatanungin niyan at saka wala kang pake!" Lumabas ako ng bahay bitbit ang maleta nang makita kong sumusunod siya sa akin. Hinarap ko siya at nameywang. Lakas tama rin 'tong kumag na 'to matapos akong iwan, hahabol-habol. Aso yern? "Andromeda, where are you going?" tanong nito ulit na para bang ako si Dora. Tinitigan ko ulit siya nang masama. "Si Dora ba ako? O eh kung ako si Dora, ikaw si swiper. Kaya swiper no swiping! Shoo! Shoo!" Muli akong tumalikod at naglakad palabas ng compound. Nakasunod pa rin siya sa likod ko kaya naiinis akong hinarap siyang muli. Napahinto naman siya at namulsa na para bang walang pakialam sa inis at pagkamuhi na nararamdaman ko para sa kaniya. "Mukha ba akong waze, Gilleon? Bakit kaba sunod nang sunod?!" Ngumiti siya. "Mukha kang direksiyon ko sa buhay." Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at ipinilig ang ulo. Hindi p'wedeng magpadala sa mabulaklak niyang salita at baka madali na naman ang bulaklak ko. Hindi baleng malanta, huwag lang madiligan ng kumag na ito. "Ew, Gilleon ha." "Saan kaba kasi pupunta?" "Wala kang pake, ano ba kita?" Kita ko ang saglit na pagdaan ng lungkot sa mukha niya pero agad napalitang ng ngiti. "Ako ang future mo, Andromeda." Kumibot-kibot ang marupok na parte ng puso ko. Inaamin ko, mas lalo siyang pumogi at lumaki rin ang kaniyang pangangatawan. Nahiyang sa babaeng ipinalit sa akin dahil kahit ang pananalita nito ay maayos na para bang sa US lumaki. "Kung ikaw lang rin naman future ko, 'di bale na lang." Nang makakita ng jeep ay agad akong sumakay. Nanlalaki naman ang mata ko nang sumunod ito at nakangisi pang tumabi sa akin. Umigting ang panga ko at inirapan na lang siya saka nagbayad ng singkwenta. "Bayad po! Sa may labasan lang—" "Dalawa po 'yon boss," singit ni Gilleon na kumindat pa sa akin. "Wala kang pera? Magbayad ka ng sarili mo!" "I have a lot of money, Andromeda. Gusto mo buhayin pa kita—" "Hindi ako patay, 'wag kang tanga." Napangiwi ito at napailing na lamang dahil sa tabas ng dila ko. Akala ata niya madadale niya ako sa pa-pick up line niya. P'wes! No freaking way! Nang makababa ay sumakay ako ng bus papuntang batangas. Agad naman siyang tumabi sa akin pero inurong ko ang pwet ko para sabihing lumipat siya. Hindi natinag ang loko dahil inurong niya rin ang pwet niya. Nag-uumpugan tuloy ang pwet naming dalawa. "Gilleon, wala ka bang balak sa buhay mo?" naiinis na sabi ko. "Meron, kung makikipagbalikan ka sa akin," sagot nito. "In your dreams." Libo-libong paru-paro ata ang nagwala sa loob ng tiyan ko sa sinabi niya. Huminga ako nang malalim at itinoun ang tingin sa labas. Nagsimula ang byahe namin na walamg imikan. "You want water—" "I want you to shut up," putol ko sa sinasabi niya. Ilang minuto muling nanahimik kaya bahagya ko siyang nilingon. Naka-halukipkip ang braso nito at pikit ang mata. Para siyang sundalo sa tindig ng at paraan niya ng pag-upo. Aminin ko man o hindi, namiss ko siya. Hindi niya alam kung gaano ko kagustong makita ang mga mata niyang kung tumitig eh para kang magye-yelo sa lamig. Ang tangos ng ilong niya na para bang pang hollywood actor. Plus the jawline, na talaga namang kinaiinggitan ng mga babae kong klasmate kapag nakikita nila si Gilleon. Nagmulat ang isang mata nito at diretsong nakatingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin ay muli ay naroon na naman ang kabog ng puso ko. Ang kabog ng puso na una kong naramdam nang makilala ko siya nang highschool. "Pogi ko ba?" Sumimangot ako at inirapan ang kumag. Muli akong tumingin sa labas Eight years. Eight years ko siyang naging kasintahan. Simula second year college hanggang makapagtrabaho ako. Nagsama rin kami sa iisang bahay at naging masaya. Pareho kaming nangangarap ng future namin. Bahay, sasakyan, maraming anak. Pero natunaw lahat iyon nang makita ko siyang may ka-s*x sa isang motel. "How's your parents, Andromeda?" tanong nito. Tinatamad ko siyang sinulyapan. "Ayon, nauna pa akong mag-move on sa pang-iiwan mo kesa sa kanila." "Galit ba sila sa akin?" Galit? Paano sila magagalit kung hindi naman nila alam ang dahilan ng hiwalayan? I keep it to myself as much as possible. Mahal nila si Gilleon at hindi ko kayang makitang masaktan sila dahil sa ginawa ng kumag na ito. "Tutal, ginusto mong sumama. It's for you to find out."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD