Chapter 1

1358 Words
Andromeda Halos masuka ako habang nakatitig sa mag-jowa sa tabing upuan ko sa isang fast food chain. Nagsu-subuan pa ito at humahagikhik na para bang kinikiliti ng isang libong daliri. Nagse-share rin sila sa isang baso ng softdrinks at dalawang straw. Dahil sa inis ay padabog akong tumayo at kumuha ng isang baso sa may lagayan. Naglakad ako pabalik sa mag-jowa at ako na mismo ang naghati ng softdrinks nila at nilagay ang straw. Gulat na gulat ang dalawa sa ginawa ko. "Maraming baso tapos magse-share kayo sa isa? Takot ba kayong maghugas ng pinggan?" saad ko at tumalikod saka umalis. Buti na lamang at tapos na akong kumain dahil hindi ko kayang tagalan ang mga iyon. Mga gen z nga naman oh! Habang nag-iikot sa mall ay halos boung araw rin akong nakasimangot dahil sa dami ng nagde-date ngayong araw. Mall nga 'di ba? Shopping dapat, hindi dating. Kairita! Dumiretso ako sa supermarket para mag-grocery dahil kaka-sweldo ko lang. Umikot ako bitbit ang shopping cart nang makita ko ang isang babae na pilit inaabot ang nasa itaas. Poise na poise pa ito at naka-usli ang pwet habang itinataas ang kamay. Napangiwi ako nang masipatan ang isang matangkad na lalaking malapit dito. Halatang nagpapansin. "Desperada yern?" sabi ko sa sarili at nilapitan ang isang merchandiser. "Kuya, tulungan mo nga 'yung babaeng nasa 4'11 ata 'yung height. May inaabot ata." "Ay, sige po ma'am." Umalis ang merchandiser at tinulungan ang sumimangot na babae. Napangisi naman ako at napailing dahil mukhang tama ang hinala ko. "Mission failed." Matapos ang pag-grocery ay nagpasya na akong umuwi. Pero talagang nanadya si mareng tadhana dahil puro lovers ang kasabayan kong pasahero sa jeep. Dahil na rin sa inis ay doon ako umupo sa pagitan ng mag-jowang halos maglaplapan na. "Ay ano ba 'yan," reklamo ng babae nang tamaan ko siya ng dala kong grocery sa mukha. "Ay, sorry. Kala ko sandalan ka," natatawang saad ko na ikinagalit ng babae. Masama ang tingin nila sa akin pero keri lang, mamatay sila kakatitig. "Miss p'wede bang magpalit tayo o lipat ka na lang—" "Te, nagbayad ako ng pamasahe kaya depende sa akin kung saan ako uupo. Gusto mo ikaw lumipat, lumipat ng jeep," sagot ko at hindi na nila ako pinansin hanggang sa makauwi ako ng bahay. Paghinto ng jeep ay muntik pa akong matisod dahil sa paa ng babae. Nang lingunin ko siya ay nakataas ang sulok ng kaniyang labi. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pagbaba. Pumasok na ako agad ng compound namin. Agad sumalubong sa akin ang maiingay na batang naglalaro, mga naglalasing ng alas dose ng tanghali at mga nag-to-tong its. "Wow! Daming grocery niyan Meda ah! Yayamanin!" Lumingon ako sa nagsalita. "Dami 'no? Sumahod kasi ako syempre may trabaho eh, try niyo rin kaya." "Sungit talaga!" "Paano? 'Di maka move on doon sa jowang pinagpalit siya sa mayaman." "Sino ba 'yon? Ayon! Oo yung si Gil!" Hindi ko na sila pinansin at malakas na isinara ang pinto. Siyempre walang sasalubong sa akin dahil nag-iisa ako dito sa maynila. Nasa probinsiya ang pamilya ko at ako nandito para maghanap buhay. Ulirang anak, ano pa ba? Okay naman sana ang buhay ko. Kung hindi lang dahil sa hinayupak na ex ko na 'yon. Nasilaw ng pera kaya sumama sa iba at nagpakasasa. Mapunta man sa panganib ang buhay ko ay siya ang huling taong naiisip kong hingan ng tulong. Isa siyang malaking sumpa sa buhay ko kaya naging ganito ako ka bwisit sa mga tao. "Meda! Meda!" Malalakas ang katok ng kaibigan ko na si Suzy. Alam ko na siya iyon dahil kilala ko na ang boses niyang barako pa sa kape. "Andromeda!!" malakas na sigaw nito sa bou kong pangalan. Padabog akong lumabas at malakas na binuksan ang pinto. Natagalan akong buksan dahil nag-aayos ako ng mga pinamili ko. "Ano ba suzy?! Dede ka ba?!" galit na bungad ko. "Ako hindi, pero ang kasama ko baka dumede sa 'yo—ay nakadede na pala 'yan sa 'yo dati," nangiinis na sabi nito. Nakasalubong ang kilay kong tiningnan ang kasama niya. Nanlaki ang mata ko sa gulat at agad umusbong ang galit sa puso ko na matagal kong ibinaon. Hindi ko lubos maisip na matapos ang dalawang taon ay makikita kong muli ang pagmumukha ng bwisit na 'to? "Anak ka ng sampong demonyo! Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?!" Nagkamot lang ito ng ulo. "Wala pa ako sa pamamahay mo, Andromeda. Nasa labas pa ako." Naiinis akong hinila siya papasok na siyang kinagulat ni Suzy. Nameywang ako sa harapan niya ay itinuro ang kaniyang paa na nasa loob ng bahay ko. "Anak ka ng labing-isang demonyo?! Anong ginagawa mo sa pamamahay ko?!" ulit ko na may kasamang pagduro. "Girl, awat ka nga. Lakas ng boses. Rinig hanggang palengke." "Wala akong pake, Suzy kahit umabot pa ng galaxy." Nanggagalaiti ako sa galit habang nakatitig sa gwapo—este sa bwisit niyang pagmumukha. Ang sarap niyang... Ang sarap niyang bugbugin at patayin bawat reincarnation niya. "Look, Andromeda. Let me explain—" "Let me explain? Ulol! Labas! Lumayas ka!" turo ko sa pinto. "Girl 'di ba hinila mo papasok dito," singit ng kaibigan kong dinaig pa espasol sa sobrang puti ng mukha. "Suzy, manahimik ka kung ayaw mong paghiwalayin ko kayo ng pinsan ko—" "Chill ka lang friend, 'kaw naman," natatawang sabi nito. Palibhasa, boypren nito ang pinsan ko. Bumalik ang tingin ko sa lalaking titig na titig sa akin partikular na sa dibdib ko. Nag-init ang ulo ko dahil doon at malakas siyang sinampal sa pisngi na kahit ay si satanas mahihilo. "What the f**k? What did I do?" anito habang hawak ang namumulang pisngi. "Tigil-tigilan mo ako kaka-english. At saka bakit ka tumitingin sa dede ko? Miss mo? P'wes never mo ng matitikman o mahahawakan!" Tumawa lang siya at napailing na siyang kinainis ko. Mukha ba akong joker para pagtawanan niya lang? "Hindi sa ganoon, Andromeda. Slight lang pero ang tinitingnan ko ay kung bakit hindi mo sout ang kwintas na bigay ko." Kumunot ang noo ko at napangiwi nang maalala ang kwintas na binigay niya sa akin nang maka-graduate ako ng college. Saglit akong tumungo sa kwarto at mula sa lagayan ng cookies na walang laman kundi mga pantahi ay nakita ko ang hinahanap niya. Bumalik ako at patapon itong ibinalik. "Ayan na ang kwintas mo! Saksak mo sa baga mo!" Pinulot niya ito at ibinulsa. Hindi ko mapigilan ang pag-init ng sulok ng mata ko sa isiping ibibigay niya iyon sa babae niyang matrona. "Girl.. " bulong ni Suzy nang makita ang reaksyon ko. Suminghot ako at nagtaas ng kilay. "Layas na." Napabuntong-hininga siya at naglakad papunta sa akin. Umatras naman ako para umiwas. "Ano pang kailangan mo?" "I'm here to win you back, Andromeda..." Parang may munting kudlit sa puso ko pero agad ko iyong iwinaglit. Not again. "Win me back? Baliw ka ba? Eh kahit wala kang kalaban sa akin, talo kana." "Just listen to me first—" "P'wede ba, okay na ako. Mukhang okay kana. Bakit ka magpapaliwanag ngayon?" "To tell the truth. Andromeda, don't close your door—" "Hindi naman sarado, pero kung ikaw ang papasok, ka-kandado ko pa ng limang daang beses, hindi ka lang makapasok ulit." "f**k it! Can you just listen to me?" lumungkot ang mukha nito. "I just want you back." Tinulak ko siya palabas ng pinto at nakasama roon si Suzy na nanlalaki ang mata sa komprontasyon namin. "Hoy, girl bakit pati ako pinapalayas mo?" nagtatakang tanong ni Suzy. Tinitigan ko siya nang matalim. "Sino ba ang nagdala sa kaniya dito, aber?" Napanguso lang at tumawa nang pagak. Samantalang si Gil ay nakatitig pa rin sa akin. "Love, please—" "Hindi ako mainit na kanin na kapag sinubo ay iluluwa mo at kapag kaya mo na, isusubo mo ulit..." "Andromeda.." anito sa nagmamakawang tono. "'Di ba sa kasal yung ganoong kasabihan—" Tinitigan ko si suzy dahil sumagot siya sa mga hugot lines ko. Panira talaga 'tong babae na 'to eh. Bakit kasi hindi pa umalis, maki-kitsimis lang naman. "Andromeda, please.." "Wala ka ng babalikan sa akin... ...Gilleon Ramirez. So, leave."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD