Isang buwan na ang nakalipas mulan nang makauwi sya sa kanilang farm. Naglilinis siya ng dating opisina ng kanyang ama. Napapahinto sya minsa para tingnan ang mga picture frames sa ibabaw ng lamesa ng kanyang ama.
Maraming mga papeles na nakapatong sa ibabaw ng mesa ng ama niya. Isa-isa niya itong tiringnan para malaman kung ano ang mga iyon. Kinuha niya ang isang papel na medyo natupi sa ilalim ng isang libro. Kaswal niyang binuklat kagaya ng ginawa niya sa ibang mga papeles.
Nanginig ang kanyang kamay habang binabasa ang nakasulat sa papel at nabitawan niya ito. Halos hindi sya makagalaw habang nakatingin sa papel na binitawan niya. Sa nanginginig na kamay ay pinulot niya ito at binasa ulit ang nakasulat.
"No…."
"Bakit sa kanya pa?".. sabi niya sa basag na boses.
Halo-halo ang nararamdaman niya. Naiiyak sya sa kaba. Halos hindi siya makapag isip ng mabuti.
"May utang ang papa sa kanya? Bakit hindi na lang siya nag loan sa banko?"
Nilagay niya ang papel sa ibabaw ng lamesa at napaupo sa leather chair ng kanyang ama.
"Pito at kalahating milyon? May utang akong 7.5 million pesos kay Jake Salvador? At di pa kasali ang interes."
Napapikit siya nga mata. Gusto ng masuka sa takot. Halos nakaluhod na sya para maibangon lang ang sakahan na napabayaan ng kanyang ama tapos ito pa. Parang nawawalang na sya ng pag asa sa nabasa niya. Saan niya kukunin ang halagang iyon?
Oo, ipinamana nga sa kanya ang sakahan nila pero lugmok na ito. Hindi niya alam kung paano ibabalik sa dati ang sakahan nila. Wala na silang mga tauhan. Si Aling Tinay at ang asawa lang nito ang nanatili sa sakahan. Mahirap man sa kalooban niya, wala ng trabaho ang ibang tauhan nila. Di niya kayang pag sweldohin ang mga ito.
Ang konting halagang iniwan sa kanya ng kanyang ama ay pinang sweldo niya at binigay para panimula ng mga tauhang nawalan ng trabaho. Ang iba naman ay ibinayad niya sa mga pinagkakautangan.
Ubos na din ang kaunting naipon niya dahil binayaran niya ang mga bills nila. May arrears pa nga. Pinoproblema pa nga niya kung saan niya hahanapin ang bayad sa susunod na buwan tapos ito pa?
Kung sa bangko lang sana nag kautang ang ama. Hindi niya kaya ang kahihiyan.
Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Ang isipin pa lang na makakaharap niya si Jake ay gusto na niyang manliit. Natatakot siyang malaman nito ang kahinaan niya.
Nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay ng kinuha ulit ang papeles. Binasa niya ang kasunduan at detalye nito. Nangutang ang kanyang ama kay Jake ng 7.5 million na may interest na mas mababa sa market rate. At due na ang loan 6 months ago. Mas lalo bumigat ang nararamdaman niya. Alam niya na halos mabaon na ang sakahan sa utang. At lahat ng perang iniwan ama ay ibinagad niya sa pinagkakautangan nito. Akala niya okay lahat. Na kahit walang maiwan sa kanya basta wala ng utang ang sakahan.
Mahal niya ang lugar na ito. Ito ang naging kanlungan niya. Dito siya naging masaya. Dito niya natagpuan ang tunay pagmamahal ng mga magulang. Kaya kahit hirap na hirap na siya ayaw niyang bitawan ang sakahan.
Sa simula palang alam na niyang mahihirapan siyang ibalik sa dati ang sakahan. But she can't give up. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung pipiliin niyang ibenta ito ng tuluyan. Ito nalang ang meron siya at gagawin niya ang lahat para hindi ito mawala sa kanya.
Dahil sa nalaman niya, wala siyang ibang pag pipilian kundi ibenta ng tuluyan ang sakahan nila. Wala siyang ibang maisip na paraan. Walang bangko magpapahiram ng pera sa sitwasyon ng sakahan nila ngayon. Walay palay na nakatanim. Ang mga punong kahoy na noon ang mayayabong ang halos naibenta na lahat. Kalbo na ang kakahoyan nila. Ang inaasahan na lang niya ay ang mga baka na naiwan.
May 75 na baka pang naiwan. Pero pag binenta niya ito ngayon konti lang ang kikitain niya. Yung na nga lang ang inaasahan niya. At kung wala siyang kikitain sa bakahan ay kakailanganin niyang ibanta ang sakahan.
Hindi siya pwede mabigo din dito. Bigo na nga siyang maging mabuting anak, bigo sa kanyang lovelife, pati rin ba dito sa sakahan bigo rin siya?
Wala siyang magagawa kundi ang kausapin si Jake, kahit ito ang pinakahuling gusto niyang gawin. Yun ang gagawin niya bukas na bukas din. Hihingi siya dito ng konting palugit.
---------------------------------------------------------
"Magandang umaga, iha."..bati ni Nana Tinay, ang mayordoma nila ng makita siyang papasok sa kusina nila. Matagal na itong nanilbihan sa mag asawa noon. Ito ang naging yaya ng Mama Helen niya.
"Good morning, Nana!"... Nana ang nakasanayan kong itawag sa kanya.. "The best talaga kayo. Salamat at di nyo ako iniwan dito"
"Alam kong mahihirapan ka iha kaya ipinag paliban ko muna ang pag alis. Gusto ko pag alis naming mag asawa eh nakabawi kana".. sabi ni Nana Tinay habang tinitingnan ang pinipritong itlog at daing.
"Salamat po. Alam ko pong miss na kayo ng mga anak ninyo. Wag po kayong mag alala, baka sa susunod na buwan eh pwede na kayong sumunod sa kanila dun sa Canada".. nakaramdam ako ng lungkot ng maisip na iiwan di ako ni aling tinay.
"Wag mo munang isipin yun Natalya. Ang isipin mo ay kong ano ang mga gagawin mo dito sakahan. Mahirap ang magpatakbo nito".. turan ni nana.
"Saka nga po pala, si Jake pa rin ba ang namamahala sa Salvador Ranch?".. tanong ko sa kanya.
"Ay, oo iha.. Bakit mo naitanong? Sus, kasipag ng batang iyon. Wala atang balak mag asawa eh 38 yrs old na. Hanggang ngayon eh parang walang girlfriend. Ewan ko eh ang gandang lalaki pa naman. Sayang ang magandang lahi".. sabi ni aling tinay habang nakatawa.
"Parang may crush ka dun sa tao Nana ah.." susog ko habang inaalala ang mukha no Jake. Magandang lalaki nga ito. Matanda ito sa kanya nga labing isang taon. Huling kita niya dito ay 7 years ago.
"Ay naku kung ako ay dalaga at bata pa, aakitin ko ang batang yun"..
"Hahaha.. ano ba yang Nana, aakitin talaga ha".. natatawa kong sabi.
"Bakit hindi ikaw ang mang akit sa kanya iha? Alam mo bagay kayo. Pareho kayong walang sabit"
Bigla kong naibuga ang kapeng iniinom.. "Ay, ayoko ng ganyang usapan.. hahaha..
Alam nyo po ba ang contact number niya? May importante kasi akong ipakiusap sa kanya"
"May cellphone number niya diyan sa ibabaw ng directory iha, dyan malapit sa telepono"
"Salamat po" sabi ko ng makita ito.. "Tatawagan ko lang po siya".. at lumabas ako papuntang likod ng bahay. Napapalibutan pa rin ito ng mga gulay.
Napaupo siya sa iyang bench sa ilalim ng punog kahoy. Kinakabahan siya habang nakatingin sa numero na nakasulat sa cellphone niya.
Alam kong hindi niya ako gusto. Sana man lang kausapin niya ako.
Brandon Jake Salvador
Kilala sa pagiging ladies man. Sikat ito nuon dahil sa kanyang s****l appetite and escapades. Ayon sa usap-usapan noon ay malakas daw ang s****l drive nito. Isang tingin lang sa mga mata nitong mapang akit ay bibigay kana. Halos mabaliw ang mga kababaihan sa kanya noon. Kulang nalang ay mag hubad ito sa harapan niya. Marami itong mga babae, as in iba't ibang babae ang nakikita niyang kasama nito noon. Parang siya lang ata ang nag iisang babaeng hindi nito pinag ukulan ng tingin.
Poot sa isa't isa ang namagitan sa kanila unang kita palang nila 10 yrs before when she was still 17. Pampered at useless, yun ang tingin ni Jake sa kanya. Isang spoiled brat na walang ginawa kundi hingin sa mga magulang ang luho niya. Ang kanyang ama ang palaging namamagitan sa kanila noon sa tuwing mag aaway sila. Ngayong wala na ang kanyang ama, inaasahang na niya ang pinakamasamang pagtrato sa kanya.
Maisip niya palang si Jake ang parang may mga kabayong nagtatakbuhan sa dibdib niya. Kinakabahan siya at parang mauubusan ng hininga. Lagi nalang ganon ang reaksyon niya kahit noon pa. At mas lalong lumalala kapag nakakaharap silang dalawa. Halos lamumin siya ng kataasan nito. Parang siyang duwende sa 5'2 kumpara sa 6'3 na height nito. At hindi lang sya matangkad, malalapad pa ang kanyang dibdib at lalaking-lalaki. Kapag nakakaharap niya ito ay kinakabahan si Natalya. Walang ibang lalaki ang nag bigay ng ganoon reaksyon sa kanya. Walang ibang lalaki ang nakapag pagalit or nakakapag excite sa kanya ng katulad nito.
He accused her of so many things, na malandi daw sya kahit napakabata pa niya. Dahil marami siyang maliligaw. Kung iisipin si Jake naman talaga ang malandi, sa daming babaeng nababaliw dito. Dahil sa mga sinabi nito sa kanya, gusto niyang patunayan na hindi sya katulad ng mga babaeng nababaliw at naglalaway na parang mga ulol na aso.
Nakakatawang isipin, parang naman mag kakainteres ito sa kanya. Ano ba siya kumpara sa mga babae nito? She's nothing but a spoiled, silly, and frightened child.
Oo, takot.. dahil natatakot siya kay Jake kahit hindi naman siya nito binibigyang pansin. O baka naman siguro takot siya sa epekto ni Jake sa kanya. Twenty seven ito ng makilala niya, an ambitious man that knows what he wanted. A man, kumpara sa mga "boys" na kaya niyang paikotin sa mga kamay niya. Unti-unti na itong nagkakapangalan sa larangan na pinasukan nito. He's good at training horses. Siya ang nakabili sa kabilang farm na kanugnog ng farm nila. At ginawa niya itong ranchohan. He invested in horses.
He was very dominating sa height pa lang nito. At kung makatingin ito ay para kang hihigopin. Kinaiingitan ito ng mga lalaki dahil nakukuha nito ang lahat ng gustuhin. May reputasyon ito noon na kapag ikalawang beses ng naka date ng babae si Jake, sure na na nakipagtalik na ito sa kanya. Malakas daw ang stamina nito sa p********k at wala daw babaeng nabitin nito..lahat ay gustong makatalik sya ulit.
With his powerful build and height at isama pa ang dominating, force and ruthless personality nito….para siyang apoy na tutupok sayo kapag siya ay nasa paligid.
At ganun din ang epekto nito sa kanya. She's not immune to his charms. Yun ang rason kung bakit takot siya dito. Katulad ng mga kababaihang nababaliw dito ay pinagnanasaan din niya si Jake. Na sana ay mapansin din siya nito. Takot sya na ipinagkanulo ng sariling damdamin kaya galit ang pang tapat niya dito. Hindi niya kaya ang isang Jake kaya ang pagiging mapang mata ang ang trato niya dito. Na parang ayang man lang niyang masagiran ng maduming kamay nito.
Minsan ay nakita niya ito minsan na nagsasanay ng mga kabayo. Nag laway siyang nakatingin sa hubad nitong katawan. Nakasuot lang ito ng pantalon, pawisan at madumi ang mga kamay. Pinantasyahan niya kung ano ang lasa nito nito kapag dinilaan niya ang leeg nito. Ang sarap tingnan ng kanyang mga abs. Ano kaya ang pakiramdam kung siya ang sinasanay nito? Sa kanyang batang edad ay pinagnanasaan niya si Jake.
Now that she's old enough, naisip niyang exaggerated lang siguro ang reaction niya noon dala ng kabataan.
Kinikilabutan siya dahil sa naalala. Safe siya noon kay Jake, ngayon kaya? Paano kung malaman nito na mahina din siya katulad ng mga kababaihang sunod ng sunod sa kanya? He would take delight in taking advantage of her…. yun ang sigurado siya. At pag babayarin siya nito sa mga masasakit at masasamang salitang binitawan niya noon at sa mga iba bagay nga kinaiinisan nito sa kanya.
Kung ganun man ang gawin nito, lulunokin niya lahat iyon para lang mailigtas niya ang sakahan nila. She needed him to survive.