Leo "Mood swing." sinabayan naman ng tawa ni Manang Hilda. Nasapo ko ang mukha ko. Ang hirap hagilapin kung saan siya good mood at bad mood. Ang hirap din niya magbuntis base sa nakikita ko. Talagang mahabang pasensiya ang gagawin ko para maintindihan ko siya. "Sinagot mo nalang sana sir para hindi napahaba ang diakusyon niya sayo kanina." saad naman ni Mang Kanor. "Sinagot ko naman pero sa ibang paraan. Kaso mali at hindi effective eh. Nagalit lalo." sagot ko. Ngayon ay hindi na ako pinapansin kahit na anong lambing, hawak, at haplos ko dito ay hindi narin effective. Lalo akong nafrustrate. Kailangan kong suyuin? "Nagpapaligoy ligoy ka pa kasi. Ano ba ang tinanong kasi sayo?" tanong ni Manang Hilda. Nilaro ko ang baso ng kape na hawak ko habang nasa counter island kaming tatlo at k

