Xandra Pagkagising ko ay madilim na. Sa sobrang pag-aalala at takot ko kanina ay napatulog ako nito. Ingat akong bumangon at tumayo. Lumabas ako ng kwarto para hagilapin si Leo pero hindi ko siya nakita paglabas ko ng kwarto. Pagkababa ko ay napatingin ako sa pintuan ng study room. Baka naroon siguro siya. Sa kusina muna ako tumungo ng maamoy ko ang niluluto ni Manang Hilda. Naroon din si Manong Kanor na nagkakape. Napatayo ito. "Maayos na po ba ang pakiramdam niyo Maam?" tanong niya pero ako ang mas nalungkot sa nakita ko. May band aid sa gilid na mata at pasa rin sa pisngi. Para akong nilakuban ng konsensiya sa nakikita ko. "I should be the one to ask you that Manong. Ayos na po ba kayo?" I asked concern. Hinawakan niya ang pasa niya at ngumiti. Maayos na po maam. Huwag po kayong

