Xandra Hindi pinapasok ni Mang Kanor si Haux na gaya ng inutos ni Leo sakanya. May mga kasamahan rin siyang dalawang lalake pero hindi natakot si Mang Kanor doon at hinarap niya ito. Nang makita ko sa bintana ang expression ni Haux ay mukhang naaasar na ito, at doon naman ako naalarma. I know him when it comes to his attitude. Wala iyang sinasanto kahit na matanda pa ang nasa harap niya. Iyan ang pinaka-ayaw ko sakanya sa totoo lang. Ang pumapatol sa mas matanda sakanya. Agad akong pumunta ng pintuan at sakto namang itataas na niya ang kamay niyang sasampalin si Mang Kanor na tawagin ko siya. Malawak itong ngumiti sa akin. I composed myself. "Ma'am. Pumasok po kayo sa loob!" utos ni Mang Kanor pero agad siyang tinabig ni Haux na kinaatras niya at malakas na sandal ng likod sa pintuan

