3RD PERSON POV
"Hindi ka ba masayang makita ako?" saad nito, habang nakatingin sa kanya ng deretso. Hindi pa ito lumalapit, pero ramdam na niya ang kaba at bilis ng t***k ng kanyang puso.
At dahil mataas ang sikat ng araw at maliwanag ngayon, mas kita na niya ang kabuohan ng itsura nito.
Ang tangkad nito ay di maipagkakaila na kahanga-hanga, lalo na din ang magandang pangangatawan nitong parang nililok at hinubog dahil sa pagiging perpekto nito.
Kung perpekto ang katawan nito, halos wala na siyang masabi pagdating sa mukha nito. Ang maitim nitong buhok na bagay lamang sa medyo kayumanggi nitong balat, at ang bagay na pinaka nakakuha ng kanyang atensyon.
Ang matalas at matapang na asul nitong mga mata.
Maya-maya pa, hindi niya alam na kanina pa pala siya nakatulala at pinagmamasdan ito.
"Ayos ka lang ba?" nakangising anito sa kanya na bakas sa mukha ang tuwa dahil sa kanyang pagkatulala.
Nang marinig ang pahayag nito kasama ang mahinang pagtawa gamit ang malalim at maganda nitong boses ay mabilis pa sa kidlat na napayuko siya.
'Ano bang nangyayari sayo, Red!? Umayos ka nga,' sigaw pa niya sa kanyang isipan kaya naman nagising siya sa katotohanan at nakasagot dito para naman ibangon muli ang sarili mula sa kahihiyang kanyang ginagawa kanina.
"Ha? M-Masaya, sa katunayan ay hinahanap kita. Gusto ko sana magpasalamat sa pagliligtas at pagtulong mo sa akin noong nakaraan." Tumayo siya nang maayos habang pinapatibay ang pagsasalita, pero sa huli dahil sa kaba ay nautal pa rin siya.
"Hm, ganun ba," tipid na saad nito, at saka dahan-dahang naglakad palapit sa kanya.
Bigla siyang naalerto dahil sa pag-galaw nito, napa-igting ang pagkakahawak sa kanyang sandatang dala habang pinagmamasdan ang paglapit nito.
"Hindi mo kailangang maging alerto---"
anito habang patuloy na naglalakad.
"--hindi mo ako kalaban," anito, gamit ang malalim at maganda nitong boses.
Dahil sa kilabot at kuryenteng umakyat sa kanyang katawan dulot ng kakaibang sensasyon sa boses nito. Wala sa sariling napalayo siya habang nakataas ang hawak na sandata.
Nagulat siya sa bilis ng mga pangyayari. Ni hindi niya namalayan na nasa harap na niya ito at nagawa pa nitong bumulong sa kanyang tenga.
Hindi siya makapaniwala, sa laking tao nito ay nagawa nitong makagalaw ng ganun kabilis at makalapit sa kanya. Alerto na siya at nakataas na ang kanyang gwardya, pero mabilis na nalusutan nito ang mga iyon.
"Sino ka ba? Anong ginagawa mo sa gubat na ito?" kinakabahan at seryoso niyang tanong dito.
"Reign Fenrir, malapit dito ang tinitirhan ko."
Dahil sa sinsero at seryoso nitong pagsagot sa kanya, mabilis na nanumbalik ang kakaibang pakiramdam sa kanyang dibdib.
Nawala ang paghihinala sa kanyang kalooban at para bang kahit anong sabihin nito ay paniniwalaan niya.
Nang ngumiti ito nang tipid sa kanyang dereksyon, halos mabitawan niya ang hawak na patalim dahil sa pagkagulat.
'Siguro nga ay napigilan kong mahulog ang aking hawak na kusarigama(chain scythe) pero mukhang puso ko naman ang tuluyang nahulog dahil sa ngiting iyon.'
'Hays, ewan ko sayo Red, dami mong alam,' napapailing na aniya pa sa kanyang isipan.
.
.
.
Habang nakikipagtalo naman si Red sa isipan nito, bakas ang saya sa mukha ni Reign habang pinagmamasdan ito.
Matagal siyang naghintay at ngayon, sa wakas ay malapit nang matutupad ang kanyang binabalak. 'Hindi na magtatagal at magkakasama din tayo munti kong, Red.'
Matapos ang kanilang pag uusap, balak na sana muling umalis ng lalaking si Reign kung hindi lamang ni Red ito napigilan.
"T-Teka, delikado ang gubat na ito, totoo ba na dito ka nakatira?"
"Hm." Isang himig lamang ang isinagot nito sa kanya at mabagal na naglakad palayo na para bang pinasusunod siya nito.
Dahil sa matinding kuryusidad, dahan-dahan na rin siyang naglakad kasunod nito, habang binabagtas nila ang masukal na kagubatan. Walang namamagitan na usapan sa kanilang dalawa.
Dahil mga huni ng ibon at kaluskos lamang ang maririnig sa paligid, hindi na siya nakatiis na magtanong lalo na at pakiramdam niya ay medyo malayo na rin ang kanilang naabot.
"Ui Reign, malayo pa ba?"
Nang marinig naman nito ang pagtawag niya sa pangalan nito, mabilis itong napalimgon na para bang isang masunuring aso.
Hindi rin niya sigurado, pero nang humarap ito, parang nasilayan niya ang pagkakaroon nito ng ginto at nagliliwanag na mga mata, malayo sa tunay na kulay nito na, madilim at malalim na pagka asul.
Nang silayan muli niya iyon, nanumbalik na ito sa dati nitong kulay at itsura.
"Malapit na tayo, wag kang mainip munti kong, Red," anito, habang suot ang isang malumanay at bahagyang ngiti sa gwapo nitong mukha.
"Huh?" ang tangi niyang naisagot, sapagkat hindi niya malinaw na narinig ang sinabi nito.
Hindi na muli ito nagsalita at nagpatuloy sila sa paglalakad. Nang makalampas sila sa matataas na d**o dito sa loob ng kagubatan. Ang sunod niyang nasaksihan ay ang maganda at kabigha-bighaning tanawin ng isang patag na lugar sa loob ng gubat na puno ng bulaklak at mababang mga d**o.
Sa paglakas ng hampas ng hangin ay nadadala at lumilipad ang mumunting mga taluyot ng bulaklak.
Ang mabango na halimuyak din sa paligid ay talagang nakakapagpakalma ng katawan at isipan.
Napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ang paligid.
"Dito na ako sa lunen ipinanganak at lumaki, nangangaso din kami lagi ng aking ama, pero bakit ngayon ko lamang napuntahan ang lugar na ito?"
Akala niya ay sa isipan lamang niya iyon inihahayag, kaya laking gulat niya nang marinig ang saad ng lalaking kanyang katabi.
"Ang kagubatan ay talagang mapaglaro at mahiwaga."
Napatango na lamang siya dahil sa pahayag nito kahit na puno pa rin ng pagtataka ang kanyang isipan. Hindi naman ganun kalayo ang nilakad nila pero narating na agad nila ang parte ng gubat na ito.
Dahil sa alan naman niyang wala na ring patutunguhan kung iisipin pa niya ang mga bagay na ito kaya naman nagpasya siyang ipag sawalang bahala na lamang ito.
Naglakad pa siya hanggang sa makarating sa gitna ng patag na lugar kung saan ay puno ng iba't ibang uri ng bulaklak. Napakaganda mag masdan at langhapin ang mga ito.
Habang hawak ang isang dilaw at kulay gintong bulaklak, bigla niyang naalala ang guni-guni na nasaksihan kanina.
Hindi man niya sigurado kung tunay nga ang nakita, basta alam niya sa kanyang sarili na napakaganda noon.
Sinamahan siya ni Reign sa pagpapahangin sa lugar na iyon ng mahigit na ilang oras. May mga bagay silang napag usapan, pero hindi lahat ng kanyang mga tanong ay hindi nito sinasagot.
Katulad na lamang ng... Kung saang nayon ito galing, bakit ito nagdesisyon na manirahan sa gubat, at iba pa.
May ilan din naman siyang nalaman tungkol dito, pero masyado iyong karaniwan.
Kahit ramdam niya ang pagtakbo ng oras, parang ayaw pa niyang umalis at iwan ito.
"Halika, ihahatid na muli kita balik," anito, habang tumatayo mula sa pagkakaupo sa kanyang tabi.
Nagdadalawang isip man, pero kailangan na talaga niyang umalis. Magagalit na ang kanyang tiya at baka pagbuntunan pa ng inis nito ang walang kalaban-laban niyang kapatid.
May lungkot man siyang nararamdaman, pero naisip rin niya na baka pwede naman ulit silang magkita.
Makalipas ang ilang minutong paglalakad, narating na nila ang b****a ng gubat.
"Ah Reign, p-pwede pa ba ulit tayong magkita ulit, a-alam mo na---may mga lugar din akong gustong ipakita sayo," natatarantang pagpapaliwanag pa niya dito.
Ngumiti na lamang ito at bahagyang tumango, matapos guluhin ang kanyang buhok.
Habang tulala pa rin dahil sa pagsinta nitong ipinakita sa kanya, nasaksihan na lamang niya ang unti-unti nitong paglalaho sa loob ng madilim na kagubatan.
▼△▼△▼△▼△
Sa isang madilim na lugar na napalilibutan ng mga puno at bato. Isang lalaki ang makikita na nakatayo sa gilid ng bangin habang nakatanaw sa bilog na buwan.
Ang buwan na tila nababahiran ng dugo dahil sa kulay pula nitong sinag. Unti-unti nagbabagong anyo ang lalaki sa ilalim ng buwan, ang hugis at katawan nito ay parang nagkakalasoglasog para humulma ng bagong anyo.
Anyo ng maitim, mabalahibo at nakakatakot na halimaw na may mahahabang pangil at kuko. Tumingala muli ito sa kalangitan at saka umalulong nang pagkalakas-lakas gamit ang nakakapangilabot nitong boses.
Kung iyon ay nakakatakot na, halos lumabas ang kanyang puso sa kaba nang biglang lumingon ito at humarap sa kanya habang nagnining-ning ang pula nitong mga mata.
"Hwah! Huff! Huff!" naalinpungang daing niya habang hinahabol ang hininga. Mabilis na napalingon siya sa bintana at pinagmasdan ang bilog na buwan, halos nakikita-kita pa niya ang mga kaganapan sa panaginip.
Kung paano niya nakita ang kahindikhindik na pagbabagong anyo ng isang tao sa pagiging halimaw nito at ang buwan na kasing pula ng dugo.
Hindi niya mapigilan ang sarili na mapabuntong hininga dahil sa mga nangyayari sa kanya. Habang nakaupo sa kanyang higaan ay napatingin siya sa gawi ng natutulog na kapatid.
Napangiti siya ng mapait at saka nagpasya na uminom muna. Bago lumabas ng kwarto ay nasilayan muli niya ang libro ng kanyang ama.
Mula sa librong iniwan ng kanyang ama, buong kwento lamang ang nakapaluob, ni hindi na banggit doon kung anong itsura ng mga halimaw na kumukuha ng alay kaya naman hindi niya alam kung saan nang galing ang panaginip na iyon.
Bukod pa roon, ang ipinagtataka niya na sa katunayan na napakarami pang mga blankong pahina sa librong iyon. Para bang may ipinahihiwatig ang yamao niyang ama.
Kung ano man iyon ay hindi niya alam. Naalala din niya ang sinabi ng matandang babae. Dahil doon ay bumalik ang pangamba sa kanyang dibdib, kasama ang inis na nararamdaman.
Hindi rin niya mawari, pero habang nangingilabot pa rin sa takot. Ang kanyang isipan ay muling nanumbalik sa oras na pinagsamahan nila ni Reign kahapon.
Kahit may kaba pa rin sa dibdib, maisip lamang ang lalaking iyon ay naramdam siya ng kaunting kapanatagan.
'Dapat talaga di na ako nakinig sa matandang yun,' paninisi pa niya sa sarili, habang naglalakad pababa para magtungo sa kusina at uminom ng tubig.
KINA-UMAGAHAN, nagpasya siyang magtungo sa bayan para puntahan ang taong pwedeng makatulong sa kanya.
Balak kasi niyang alamin kung kailan ba ang nalalapit na paglitaw ng pulang buwan.
'Kung sabihin man ng astrologong si Aries na sa ika-25 years pa mula ngayon, edi mas ayos, at least alam kong nagsisinungaling ang matatandang babae na nakausap ko.'
Wala ang kanyang tiya at ang mga kinakapatid sa bahay ngayon sapagkat nagtungo ang mga ito sa Nayon ng Isvet para pumili ng mga mamahaling damit at pampaganda.
Iniwan muna niya si Lila sa bahay at pinangakuan na babalik siya agad. Pumayag naman ito at yumakap pa bago siya umalis.
Dala ang mga prutas na pwedeng isuhol sa kaibigang taga-bantay ng pampublikong librarya ay nagtungo siya duon para malinawan sa mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan.
Pagpasok pa lamang niya ay tumunog na ang maliit na bell na nakakabit sa pinto.
Mula sa likod ng ma-aalikabok na libro ay lumabas ang kaibigan niyang si Aries na may dalang mga libro.
"Uii, napagawi ka ata dito ngayon, binibining Red?" pagbati pa nito, habang inaayos ang makapal nitong salamin sa mata.
"A-Ah oo, may itatanong sana ako." naiilang na sagot naman niya. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya dahil sa paraan ng pagtawag nito sa kanya.
"Ganun ba, kala ko hihiram ka ulit ng libro." Pinalapit siya nito at inalok na maupo sa isang silya sa likod ng mesa.
"Syempre naman, hihiram pa rin ako, hindi nga lamang ngayon." Umupo naman siya sa tapat nito saka inabot ang mga dalang prutas.
Tumango naman ito na para bang nagsasabi na ipagpatuloy niya ang pagsasalita.
"Di ba maalam kang bumabasa ng galaw nang mga bituin at iba pang may kinalaman sa kalawakan?"
"Oo naman, hindi lang ako isang hamak na librarian, isa din akong astrologer," nagmamagaling na anito, sabay kagat sa dala niyang mangga.
Napangiti naman siya ng palihim sapagkat mas napanatag ang kanyang kalooban na maaring masagot nito ang kanyang katanungan. Si Aries ay kaedad lamang nila ni Theo. Sila ang magkakasama mula sa pagkabata.
Minana ni Theo ang panaderya, habang si Aries naman ay ang library ng lolo nito. Siya, walang nangyari sa buhay niya mula nang dumating sa kanila ang tiyahin at mga kinakapatid.
Bago magmukmuk ay mas pinili na lamang niyang itanong ang bagay na ipinunta niya dito. "Gusto ko sanang malaman kung kailan ang susunod na pamumula ng buwan."
Napatigil naman sa pagkain si Aries at saka tiningnan siya ng may kaba at pagtataka.
"Red---"
Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi nito. Hindi man makapaniwala pero nalalapit na nga ang pamumula ng buwan na tinutukoy ng matanda.
Lumabas siya sa librarya na halos wala sa sarili. Hanggang ngayon ay gusto pa rin niyang isipin na nagkataon lamang ang lahat pero ramdam niya takot sa pwedeng mangyari.