3RD PERSON POV
Nang makabalik siya, nakatanggap lang naman siya ng sermon mula kay Theo.
Alam naman niya ang pagkakamali kaya tinanggap na lamang niya ang sinabi nito. Bukod pa doon, alam naman niyang nag aalala lamang ito sa kanyang kalagayan.
At nang sumapit ang tanggali ay nilibre muli siya nito ng tinapay at sabay silang kumain sa isang tabi.
"Ito oh mansanas."
"Ha? Wag na, mahal yan di ba? Ikaw na lang ang kumain nyan." pagtanggi pa niya sa inaalok nito.
"Di ah, eto oh hati na lang tayo, masarap kaya to."
"Ah sige, salamat." Tinanggap niya ang kalahati at kinain iyon.
"Nga pala di ko na-itanong, saan ka nga pala nagpunta ka-blah blah."
Habang kumakain, nawala ang atensyon niya sa sinasabi ni Theo nang mapansin niya ang isang matanda na nakasiksik sa isang gilid. Mukhang gutom na rin ito at pagod na.
"Hmm, Theo dito ka lang --"
"Teka, saan ka na naman pupunta?" nagmamadaling saad pa nito, sabay hawak sa kanyang braso.
Itinuro niya ang matanda, pero nagtaka siya nang umiling si Theo, na para bang nagsasabing wag.
"Bakit? kilala mo ba ang matandang babaeng yun?"
"Hindi personal, pero siya yung matandang nang-gugulo noong isang araw, tanda mo pa ba?"
Napatango naman siya, pero gusto talaga niya lapitan at kausapin ang matanda. Pansin din niya ang librong hawak nito. Parang pamilyar iyon kaya lalong lumakas ang kagustuhan niya na lapitan ito.
Pero dahil mukhang tutol si Theo ay baka mamaya na lamang niya ito kausapin. Nang makaalis si Theo sapagkat tapos na ang tangghalian.
Dala ang tira niyang tinapay at gatas, lumapit siya sa matanda. "Magandang tanghali po."
Tumingala naman ito sa kanya at nagulat pa siya nang biglang nanlaki ang mga mata nito at parang di makapaniwala sa nakikita habang nakatingin sa kanya.
"M-May problema po ba?" naiilang na tanong niya dito.
Mukhang nagising naman ito sa katotohanan at saka ngumiti sa kanya. "Wala naman hija, may naalala lamang ako."
"Ito tinapay at gatas, kumain muna kayo." abot niya ng supot dito.
"Naku maraming salamat hija. Anong pangalan mo?"
"Red po," aniya, sabay upo sa tabi nito.
"Maganda ang pangalan mo, kakaiba." papuri pa nito, habang sinisimulan ang pagkain.
Nagpasalamat din naman siya dito at dahil na interesado siya sa ipinapahayag nito ay nagawa nya itong tanungin tungkol sa bagay na iyon.
"Mahirap man ito paniwalaan hija, galing na rin ako sa ibang bayan pero kahit isa wala saking naniwala," pagsisimula pa nito. Siya naman ay tahimik na nakikinig lamang dito.
"Noong unang panahon, nabalot ng kadiliman at karahasan ang buong lugar na ito dulot ng mga halimaw na naninirahan sa kagubatan na matatagpuan sa silangan."
Hindi siya umiimik pero alam niya ang kwentong ito, ngayon niya lamang napagtanto ng maalala niya na ang librong hawak ng ale ay katulad ng libro na iniwan ng kanyang ama.
"Sa ika-isang daang taon mula ng ma-ganap ang kaguluhang iyon, mamumula ang bilog na buwan. Kasing pula ito ng dugo at muling babalik ang mga halimaw na iyon para kumuha muli ng alay."
Nangingilabot siya sa bawat katagang lumalabas sa bibig ng matanda. Katulad noon, nadama na naman niya ang kakaibang pakiramdan na para bang totoo ang lahat at hindi na magtatagal at mangyayari na ito.
"S-Salamat po, mauuna na po ako," nauutal na pagpapaalam pa niya dito.
Hapon na at nagpapadyak na siya mauwi pero hindi pa rin nawawala ang pahayag ng matanda sa kanyang isipan.
'Hayss! Kailangan ko bang paniwalaan ang sinabi niyang iyon? Hindi ko naman siya kilala at baka totoo ang sinabi ni Theo at ng ibang mga tao na nababaliw na nga ang matandang iyon.' isip-isip pa niya, pero hindi niya mailis sa kanyang isipan ang katunayan na ito at sila lamang ni Lila ang may alam ng kwentong iyon.
Kahit sinong tanungin niya ay walang ideya o alam tungkol doon. 'Dapat nakinig na lang ako kay Theo, sana di ko na kinausap ang matandang babaeng yun.'
▼△▼△▼△▼△
Sa mga dumaan na araw, hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang narinig mula sa matanda ganun din ang nalaman tungkol kay Rugal.
Tapos yung lalaking hinahanap niya, hanggang ngayon ay di pa rin niya matatagpuan.
Sa kasamaang palad, wala naman siyang mapagsabihan nito kaya halos sumabog na ang kanyang ulo sa pag iisip. Hindi tuloy niya mapigilan na na di mapabuntong hininga.
Narito siya sa gubat ngayon at tapos nang mangaso, naka-upo siya sa isang malaking ugat ng puno habang nagpapahinga. Sa kanyang paanan naman ay matatagpuan ang kanyang nahuling usa at kuneho.
Medyo tanggali na at tirik na tirik ang araw, pero dahil nasa loob siya ng gubat, halos hindi nakakapasok ang sinag ng araw dito dahil sa kapal at yabong ng mga puno na matatagpuan dito.
Malakad din ang hangin kaya hindi niya maiwasan na di ipikit ang mga mata para damahin ang lamig at preskong dulot nito.
Siguro dahil sa pagiging isang mangangaso niya kaya malakas ang kanyang pakiramdam.
Mabilis siyang napamulat nang makarinig ng kaluskos mula sa damuhan sa kanyang tagiliran. Inihanda niya ang kanyang sandata kung sakali man na lobo o oso ito na may balak agawin ang kanyang huli.
Inayos niya ang patalim na nakakabit sa kadena, at saka sinimula itong itaas at iikot para makakuha ng tyempo at pwersa.
Nang muling gumalaw ang mga d**o sa gilid ng isang puno, doon siya nagdesisyon na pakawalan ang kadenang hawak para tumilapon ang patalim sa dulo nito.
Lumikha ito ng ingay nang patamain niya ito sa punong katabi nito, wala naman kasi siyang balak saktan kung ano man ang nasa likod noon, ang balak lamang niya ay takutin at magbigay ng warning.
Dahil sa lakas at pwersa ng kanyang sandata, ang gilid ng puno ay nasira at nag-iwan ng pinsala.
Pero kahit ganun ang nangyari, ang ipinagtataka niya ay hindi man lang natakot o tumakbo ang nilalang sa likod ng mga dahon na iyon.
'Aba't matibay ang isang 'to ah, kailangan ata ay magseryoso na ako, mukhang di basta-basta ang aking kalaban.'
Nang magdesisyon na lumapit na siya dito hawak ang patalim sa dulo ng kadena, di niya inaasahan ang kanyang nakita.
Ang nilalang na nagtatago sa likod ng puno at mga dahon ay ang lalaking matagal na niyang hinahanap.
"A-Ah paanong--- Anong ginagawa mo dito?"