3RD PERSON POV
MINSAN pansin niya na kahit gabi, walang problemang naglalakad ito na para bang nakikita nito nang malinaw ang paligid at hindi lamang iyon, ang sunod niyang nakita dito ang lalong nagbigay ng matinding takot at di mapalagay na pakiramdam.
Isang gabi, naabutan niyang kumakain ito ng hilaw na karne sa kanilang kusina, alam niyang lasenggero ito, pero sa tingin niya, kahit lango sa alak ang isang tao, hindi iyon gagawa ng ganung bagay.
Minsang bigla na lamang din ito nawawala na para bang may palihim na ginagawa ito.
Napabuntong hininga na lamang siya habang inaalala ang mga bagay na iyon habang narito sila ng kapatid sa kanilang kwarto sa attic ng bahay.
Dahil alam niyang hindi naman siya paniniwalaan ng kanyang Tiyahin sabihin man niya ang mga bagay na iyon kaya isang bagay na lamang ang kaya niyang gawin.
Iyon ay bantayan ang kapatid at protekhan ito.
"Ate, uii ate!"
"Ha? Ano yun Lila?"
"Wala naman po, bigla na lang kasi ikaw na natutulala," saad pa nito, kaya napangiti siya ng tipid at naiilang.
Dahil sa lalim ng kanyang pag iisip di na pala niya napansin ang pagtawag ng kapatid.
"Ah, baka pagod lang to, halika matulog na tayo." Inakbayan niya ito at nilambing bago gabayan patungo sa higaan nito.
Nang masiguro na tulog na ang kapatid, tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama nito para saraduhan ang bintana.
Dahil sa kalumaan na ng kahoy na parte ng bintana, kapag nagagalaw ay gumagawa ito ng kaunting ingay. Para hindi magising muli ang kapatid, naging marahan ang paraan ng kanyang pagsasarado dito.
Pero bago pa niya tuluyang maitakip ang bintana, may napansin siyang isang taong nakatayo mula sa labas ng bahay. Madilim ang paligid kaya naman hindi niya maaninag ang itsura nito.
Pero nang umalis ang mga ulap na nakatakip sa buwan, doon niya nakilala ang lalaking nasa labas ng kanilang tahanan. Medyo nakatingala pa ito at nakatingin sa kanyang dereksyon.
Gulat na may halong pananabik ang kanyang naramdaman nang mapagtanto na ang taong iyon ay ang lalaking kanyang hinahanap.
Hindi man niya alam kung ano ang ginagawa nito doon at kung paano nito nalaman ang kanyang tahanan, hindi na siya nagdalawang isip at nagmadali nang lumabas sa bahay para makausap ito.
"Shh wag kayong maingay," bulong pa niya sa mga alagang aso para di tumahol ang mga ito. Hinaplos pa niya isa-isa ang mga ulo ng mga ito para bumalik sa pagtulog.
Matapos iyon, ay lumiko siya at nagtungo sa gilid ng bahay kung saan niya nakita ang lalaki.
"T-Teka, narito lang siya kanina ah, saan yun nagpunta?" napapakamot sa ulo na aniya sa sarili, habang inililibot sa paligid ang paningin.
Sa paniniwalang baka nahihiya lamang ito at nagtago kaya naglakad-lakad siya para hanapin ito, makalipas ang ilang segundo ay hindi nga siya nagkamali.
Nakita niya ang pigura ng katawan nito sa may bunganga ng gubat, nang maglakad siya patungo doon, pansin niya na gumalaw ang pigura at tuluyan nang pumasok sa madilim na gubat.
Lakas loob pa rin niyang sinundan ito patungo doon."Uii nasaan ka na, wag ka nang magtago pa, kakausapin lang naman kita," saad pa niya, habang nangangapa sa dilim.
Wala namang nagsalita o tumugon sa kanyang sinabi pero mula sa di kalayuan sa kanya ay may narinig siyang kaluskos.
Napalingon siya sa dereksyong iyon at nagpasya na doon magtungo. Nang akala niyang nahabol na niya ito at nahanap, nagkamali siya sapagkat isang kuneho lang pala ang may gawa ng kaluskos na iyon.
Mas dumidilim na dahil sa paglalim ng gabi kaya naman naisipan niyang bumalik na sa kanilang bahay. 'Hays, baka wala naman talaga siya dito, sa tingin ko ay pinaglaruan lamang ako ng aking paningin.'
Napapatango siya dahil sa iniisip at saka nagsimula nang maglakad pabalik.
Hindi lang niya alam na ang lalaking hinahanap niya ay naroon lamang at tahimik na nakamasid sa kanya.
.
.
.
"Alpha Reign, kailangan na nating bumalik sa pack."
"Hm," tanging naging sagot ng lalaking tinawag na Alpha, at saka tumango para ipahayag sa kasama nito na handa na silang umalis.
KINABUKASAN, kahit medyo antok pa ay inutusan na siya muli ng kanyang Tiyahin na magbenta ng tupa at mga balahibo nito sa bayan.
Napansin din niya na hindi na rin naglalagi sa kanilang bahay ang Tiyuhin daw nilang si Rugal dahil nalaman niya mula sa mga kapitbahay na may pamilya pala ito sa Thure kung saan ito tunay na nakatira.
'Iba din talaga ni Tiya, sigurado akong nakilala lang nya ang lalaking iyon dahil dumayo lamang iyon dito sa Lunen para bumili o magbenta ng mga hayop.' napapailing na saad niya sa isipan, pero sa totoo lamang, napakagandang balita nun para sa kanya sapagkat nawiwirduhan na talaga siya sa ikinikilos ng Rugal na iyon.
Ngayong, minsan na lamang iyon magpakita sa kanila, hindi na muli siya matatakot para sa kaligtasan ng kapatid na si Lila.
Nagpatuloy na siya patungo sa bayan, katulad nang laging nangyayari. Pagdating pa pa lamang niya sa harap ng panaderya nina Theo. Nakasimangot na naman ang mukha na agad nito ang sumalubong sa kanya dahil ilang araw din siyang di nakapagtinda.
"Problema mo, Theo?" pang aasar pa niya dito.
"May isa kasi diyan, nangako na magtitinda daw nung isang araw pero di naman tinupad," nakangusong pahayag pa nito, kaya napatawa siya ng malakas.
Tiningnan siya nito ng masama na parang nagsasabi na "Bakit ganyan ka tumawa? kababaeng tao mo pa naman."
"Nagtatampo ka na ng lagay na yan? sayang may regalo pa naman sana ako sayo," nakangising turan niya, habang itinataas-baba ang kilay.
Mabilis namang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito, mula sa inis at malungkot papunta sa masaya at sabik na sabik.
"Talaga!? Ano yun? Ano yun?"
Kaya natutuwa siya dito kay Theo, para kasi itong bata kung gumalaw. Pakiramdan niya kapag kausap niya ito, parang kaedad lang ito ni Lila.
"Oo ito na," aniya sabay abot ng lighter na kanyang pinag ipunang bilhin. Matalik niyang kaibigan si Theo, mabait pa ito at lagi siyang binibigyan ng pagkain kaya naman dapat lamang na regaluhan niya ito.
"Wow! ang ganda nito ah! Salamat Red!!!" masayang anito, sabay yakap sa kanya.
Napatawa naman siya at saka tinapik ang likod nito. Lumayo naman ito habang nakatungo. Napahiya ata dahil sa biglaang pagyakap sa kanya.
Matapos iyon ay bumalik na siya sa pagtitinda, ganun din naman si Theo.
Habang nagtitinda, kahit napakaraming tao sa paligid hindi pa rin niya maalis ang kakaibang pakiramdam na para bang may nakamasid sa kanya.
Napalinga siya sa paligid, wala namang kakaiba at kahina-hinala, ang mga tao, magtitinda man o mamimili ay tuloy sa kanya-kanyang ginagawa ng mga ito.
'Baka napapraning lang ako dahil sa antok, hindi kasi ako nakatulong nang maayos kagabi' bulong pa niya sa sarili at saka tinapik ng mahina ang kanyang pisngi.
'Gising Red, gising.' patuloy na saad niya sa isipan, habang nakaupo sa gilid at tahimik na naghihintay ng buyer.
Habang napapabuntong hininga at nakayuko, biglang naramdaman na naman niya ang sensasyon na para bang may nakapanuod sa kanya mula sa di kalayuan.
Wala na sana siyang balak lumingon sa kanyang gilid, pero sa di inaasahang pagkakataon ay may naka agaw ng kanyang pansin.
May lalaking nagmamadali na lumiko sa isang eskinita, naka-suot ito ng normal at may mahaba pang balabal na nakatabon sa katawan nito.
Pero kahit ganun, nakatagilid man ito, hindi siya maaaring magkamali. Gulat at kinakabahan na napatayo siya sa kanyang kinauupan dahil sa natanaw.
Biglang napahawak na naman siya sa kanyang dibdib dahil sa pamilyar na pakiramdam. 'Bwisit, ito na naman. Di ko maipaliwanag pero kapag naaalala ko ang lalaking iyon, para bang may pwersang humihila sa akin palapit sa taong iyon.'
Gustong-gusto niya itong sundan at habulin, pero hindi siya maaaring umalis sapagkat baka manakaw ang kanyang mga paninda.
Malungkot na napatanaw na lamang siya mula sa lugar na pinuntahan nito. Uupo na sana ulit siya nang biglang lumabas mula sa bakery si Theo.
"Ui Red, kumusta ka na, eto may dala akong tubi--"
"Theo, bantayan mo muna ang paninda ko!" mabilis na saad niya, sabay takbo ng mabilis palayo.
"RED! SAAN KA PUPUNTA!?"
Rinig pa niya ang pagtawag nito, pero hindi na niya ito nagawang nilingon pa.
Mabilis siyang tumakbo kung saan nagtungo ang lalaking nakita niya kanina.
Pagpasok niya sa eskinita, hinanap niya ito doon pero sa kasamaang palad, hindi na naman niya ito naabutan.
Nang makalabas siya sa eskinitang iyon, Marami pa rin ang mga tao, maingay din at magulo kaya naman kahit anong lingon niya, hindi na niya masilayan ang kanyang hinahanap.
Minsan na iisip din niya na baka guni-guni lamang niya ang lahat.' Baka naman wala talaga siya dito, ano bang nangyayari sa akin?' hindi niya mapigilang itanong sa kanyang sarili, habang nagpupunas ng pawis dulot ng mabilis na pagtakbo kanina.
Dahil sa kawalan ng pag asa, matamlay na naglakad na siya pabalik sana sa eskinitang kanyang pinanggalingan kanina.
Hindi lamang iyon natuloy nang makarinig siya ng isang pamilyar na boses malapit sa kanyang kinalalagyan. Mahina man ito pero malakas ang kutob niya na ang taong iyon ang may ari ng boses na kanyang narinig ngayon lang.
Humalo siya sa mga taong naglalakad hanggang sa makarating sa isang gilid ng tindahan. Mula doon, nagtago siya at saka sumilip para makita kung tama siya nang hinala.
"Anong sunod naming gagawin, Eruk?"
Napataas ang kanyang kilay sa pagtataka nang makitang si Rugal nga ang lalaking narinig niya kanina, pero ang ipinagtataka pa niya lalo.
Bakit ayon sa kausap ito, Eruk ang itinawag dito sa halip na Rugal. Habang pinagmamasdan ang mga ito habang nag-uusap, napabalik ang kanyang diwa dahil sa sunod na sinambit ni Rugal.
"Magmasid-masid muna kayo, wag kayong gagawa ng kahit ano hangga't wala akong utos."
'Sino ka ba talaga Rugal at anong binabalak mo?'
Maya-maya, halos atakihin siya sa puso nang biglang lumingon si Rugal sa kanyang kinalalagyan. Mabilis siyang napa-upo para magtago, at di na nag aksaya ng oras at mabilis na umalis sa lugar na iyon.