3RD PERSON POV
"Ate!!! ano pong nangyari? bakit di ko po umuwi kagabi?" saad pa ni Lila, habang umiiyak at nakayakap ng mahigpit sa kanya.
Hinaplos naman niya ang buhok nito at marahang pinatahan sa pag iyak, bago lumapit sa tiyahin at ipakita ang kanyang dala.
"Pasensya na po tiya, ito po ang nahuli ko," aniya sabay lapag ng baboy ramo sa harap nito.
"Oo na, linisan mo na yan at lutuin!" walang pakialam na saad nito, at saka tumabi pa sa lalaki nito na prenteng nakaupo sa kanilang upuan sa sala.
Bago siya makalayo ay rinig pa niya ang ibinulong ng kanyang tiyahin kay Rugal.
"Tss, kailain mo nga naman at babalik pa ang bwisit, akala ko'y patay na."
Napailing na lamang siya dahil sa narinig, akala pa naman niya ay mag aalala man lang ito pero ngayon ay napatunayan niyang wala talaga kahit kaunting pagmamahal ito sa kanila.
Nang makarating sa kusina ay inihanda na nila ang dala. Habang hinihiwa ang karne ay nanumbalik sa kanyang isipan ang naganap.
Nang magising siya ay umaga na, wala na ang lagnat ganun din ang lalaking kasama niya kahapon na nag bigay ng kakaibang lungkot sa kanyang kalooban. Nang mapagtanto ang nangyayari ay nagising siya sa katotohanan.
'Ayy ano bang nangyayari sayo Red, imbis na kung sino-sinong lalaki ang iniisip mo. Kailangan mo nang umuwi dahil nag aalala na si Lila sayo!' sermon pa niya sa kanyang sarili.
Pero bago pa makatayo nang maayos, napatingin siya sa kanyang braso. Himala na may bago, maayos at malinis na benta na ito. Tinanggal niya iyon ng dahan-dahan para makita ang kalagayan ng malala niyang sugat kahapon.
Nang maalis niya ang benda, katulad ng kanyang inaasahan, halos malapit nang maghilom ang malalim niyang sugat.
Sa halip na magnilay-nilay pa dito, nagmamadali niyang inayos pabalik ang benda at saka tumayo at kinuha ang mga gamit. Nang palabas na siya sa kweba ay nagulat siya ng may makitang isang baboy ramo na mas maliit kesa sa na umatake sa kanya kahapon.
Mukhang nangaso ulit ang lalaki para may madala siya mauwi.
Napangiti siya nang wala sa sarili, nagtataka naman na napasilay sa kanya si Lila.
"Ate, sigurado ka bang maayos lang ang lagay mo?"
Napatighim pa siya bago sumagot.
"O-Oo naman, wala na akong lagnat kaya maayos na talaga ang pakiramdam ko." sagot pa niya, napahiya naman siya dahil may pagngingiti pa.
'Hays kalimutan mo na yun Red, ni hindi mo nga alam ang pangalan ng taong yun.' saad pa niya sa sarili.
Nang gabing iyon, bago matulog ay sinuklayan muna niya ang mahaba at magandang buhok ng kapatid.
"Ate," pagtawag pa nito sa kanya.
"Ano yun, lila?"
"Ako naman po ang pagsusuklay sayo," magiliw na anito pa.
"Wag na, okay lang ako," pagtanggi niya, pero dahil makulit ito. Inagaw nito ang suklay na hawak niya at pumunta sa kanyang likuran para maabot ang kanyang buhok.
"Di ba po, dahil sa medyo pula niyong buhok kaya Red ang ipinangalan sa inyo ni Ama?"
Dahil sa sinambit nit Lila ay napahawak siya sa hibla ng kanyang buhok. Totoo na dito nga nagmula ang kanyang pangalan. Hindi naman ganun itinuturing nakakaiba o masama ang magkaroon ng ganitong kulay ng buhok sapagkat karaniwan naman ito.
Pero dahil rin sa buhok na ito lagi siyang ipinagkakaisahan ng mga kinakapatid. Siguro inggit ang mga ito sapagkat patay at kulay abo ang buhok ng mga ito, may kaitiman din ang kulay ng balat ng mga ito di tulad sa mala-porselana niyang kutis.
'Sa tingin ko wala yun sa panlabas na anyo, inggetera lang talaga ang dalawang yun.' di niya maiwasan na di mapailing dahil sa mga iniisip.
Nang gabing iyon, matapos magkwentuhan ay nakatulog siya na baon pa rin ang alaala kasama ang misteryosong lalaki.
Ang hindi niya alam, ang lalaking lagi niyang naiisip at hinahanap ay nakasubaybay lamang sa kanya mula sa malayo.
Matagal na siya nitong pinagmamasdan at hinihintay.
▼△▼△▼△▼△
MAKALIPAS ang isang linggo. Ilang beses siyang nagtungo muli sa gubat para mangaso at nagbabaka sakaling makikita muli niya ang lalaking iyon.
Napabuga na lamang siya ng hangin dahil sa pagkainis. Akala niya sa paglipas ng mga araw ay unti-unti rin niyang makakalimutan ang taong nakikilala sa gubat pero doon siya nagkamali.
Wala naman siyang ibang gusto gawin kung hindi ang magpasalamat dito ng personal dahil sa tulong na ibinagkaloob sa kanya.
Gayun din ay may kung ano sa kanyang sarili na hindi niya maipaliwanag, para bang lagi siyang naghahanap at nangungulila rito. Napaka-cliche man isipin pero pakiramdan niya ay nahanap na niya ang nakatadhana para sa kanya ng mga oras na magtama ang kanilang mga mata at makasama ito sa maikling sandali.
Ramdam din niya na para bang may isang bagay na humihila sa kanya palapit lagi dito.
Pilit man niyang kinakalimutan pero lagi niyang nakikita ang sarili na bumabalik sa gubat para hanapin ito.
'Ano ba yan Red, wala kang delikadesa, babae ka pa naman.' inis at nahihiya na sermon niya sa sarili. Hindi niya matanggap sa kanyang sarili na may kakaiba na siyang nararamdaman para sa lalaking iyon.
At mukhang isa ang mga araw na iyon ngayon kung saan ay bigo na naman siya na mahanap ito.
Nakaupo siya sa mabatong parte ng ilog. Nakasawsaw sa tubig ang kanyang mga paa habang nakatanaw sa
hindi gaano kalakasang agos ng tubig, malumanay lamang ito kaya kay sarap magmasdan. Malakas man ang hangin dito, pero init ng araw ay maalinsangan din ang bugso ng hangin na tumatama sa kanya.
Dahil sa init na nararamdaman ay ipinuyod din niya ang mahaba at medyo kulot na buhok gamit ang lasong pula.
Tapos na siyang manghuli ng isda kaya nagpapahinga na siya ngayon. Nagsisimula na ring kumulimlim na naman ang kalangitan kaya tumayo na siya at nagpasyang umuwi.
Hindi man naging ganun kasaya ang kanyang buong maghapon, dahil sa mga walang kwentang drama na ginagawa ng kanyang mga kinakapatid.
Isama pa ang Rugal na iyon na para bang habang tumatagal ay pasama nang pasama ang pakiramdam at kutob niya sa lalaking iyon.
Siguro na din dahil sa mga kakaiba nitong kilos na hindi niya mapigilang di mapansin.
At kung ano man ang mga bagay na iyon ay talaga namang nakapagbibigay sa kanya ng kilabot.