3RD PERSON POV
'Kung nasa sentro na si lola, paano ko pa siya makakausap?'
Nanlulumo na naglakad siya palayo habang napapabuntong hininga. Marami siyang katanungan na gustong mabigyang linaw kaya hinahanap niya ang lola na iyon, tapos malalaman niyang kausap na pala ito ng mayor.
"Ano na kayang gagawin ko ngayon?" bulong niya sa sarili, habang nakatungo.
Wala na siyang pag asa kaya naisipan na sana niyang umuwi kung hindi lang narinig ang pamilyar na boses na tumatawag sa kanya mula sa di kalayuan.
"Uii Red!!!" masiglang sigaw pa ni Theo, habang kumakaway, napapailing lang naman ang katabi nitong si Aries.
Nagtataka man sapagkat madalang niyang makitang magkasama ang dalawa ay wala na siyang nagawa kundi ang tumakbo palapit sa mga ito.
"Oh bakit Theo, Aries?" tanong pa niya habang hinahabol ang hininga.
Hindi naman agad nagsalita si Theo, nakangisi lamang ito sa kanya habang mababakas naman sa mukha ni Aries ang matinding pagkainip.
"Theo di ka ba magsasalita?" may inis na turan niya dito.
"Haha wag kang masyadong excited dyan Red, ang magiting at ang gwapo mong kababata ay may ibabalita say---"
"--alam namin na hinahanap mo yung matanda." Pagputol pa ni Aries sa kayabangan ni Theo kaya masama itong tiningnan ng katabi.
"Aries naman, ako ang magsasabi, epal ka talaga!" pagrereklamo pa ng isip batang si Theo kay Aries.
"Ang bagal mo ih, may pa-suspense ka pang nalalaman, kala mo naman astig ka," sagot naman ni Aries dito, habang nakapamaywang.
"Nerd! ibaon kita sa mga libro mo ih...Blah blah!!!"
"Gagu ka talaga, baka gusto mong gawin kitang tinapay katulad ng mga ibinebenta mo!"
Napailing na lamang siya habang nakapanuod sa dalawang kababata na nag aaway sa kanyang harap. Mula pagkabata pa lang ay ganito na talaga ang dalawang iyan kaya nga minsan na lamang ang mga ito magkita ngayon.
Ang salitang pagkikita ay may isang ibigsabihin lamang, at iyon ay gera sa pagitan ng mga ito.
Walang mangyayari at masasayang lang ang oras kung di niya aawatin ang dalawang ito. Bukod pa roon bigla niyang naisip kung paano nalaman ng mga ito ang ginagawa niya.
"Tama na yan, sabihin nyo lang kasi sa akin kung anong alam nyo!"
"Hmp, oo na nga. Ikaw Aries wag kang sumabat ah," nakasimangot na turan pa nito. Wala namang pakialam dito si Aries kaya nagkibit balikat lamang ito.
"Hays Red, alam ko na kahit sinabihan kita na wag kausapin ang matandang iyon, ay ginawa mo pa rin. Naniniwala ka na sa pahayag niya di ba kaya hinahanap mo sya?"
"Oo, paanong di ako maniniwala eh nakita ko na ng personal, muntikan pa mga kaming patayin ni mang tonyo." makatotohanang aniya dito. Napatango naman ng may pag unawa sa kanya si Theo.
"Marami kang katanungan na gusto mong masagot tama ba? Isa na ba dyan ang tungkol sa mga panaginip mo?" tanong naman ni Aries. Mukhang nagkaroon na rin ito ng interes sa mga nangyayari.
Bata pa lang siya nang magsimula ang mga kakaiba niyang panaginip, dahil wala siyang mapagsabihan noon sapagkat nasa trabaho ang ama. Ang dalawang kaibigan na lang ang pinagkukwentuhan niya ng mga iyon.
Nung una isang maliwanag at magandang buwan lamang ang nakikita niya sa kanyang panaginip, hanggang sa nasundan na ito ng mga kakilakilabot na mga pangyayari. Ang huli niyang napanaginipan ang ay ang tungkol sa taong nagpalit anyo bilang isang halimaw.
Kung tama ang kanyang paniniwala, ang matandang babae na iyon lamang ang maaring magbigay linaw sa lahat ng mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan.
"Ngayon alam nyo na ang nangyayari. Anong gagawin natin para makausap ang lola na iyon?"
"Kaya nga kami narito para tulungan ka, sasabihin ko na para di na ako unahan ni Aries," anito na nakapagpatawa sa kanya.
Lumapit ito at ibinulong sa kanya ang balak, si Aries naman ay mukha mang walang pakialam ay nakisiksik na rin sa kanya para marinig ang sinasabi ni Theo.
--------------+++
"T-Theo, sigurado ka ba talaga dito?" kinakabahang ani Red, habang nakatago sila sa likod ng hagdan sa loob ng munisipyo ng mayor sa sentro ng Nayon.
Nang mapag alaman nila kung nasan ang matanda ay napag pasyahan nila na sundan ito para makausap nila.
Illegal man ang pagpasok nila dito, wala pa rin silang takot para malaman kung ano nga ba ang kailangan ng mayor sa matandang iyon.
'Baka parusahan si lola dahil sa mga propesiya nito.' pabulong na turan pa ni Theo sa kanila.
Hinampas naman ni Aries ito sa ulo bago magsalita. "Baliw ka ba, bakit naman ito paparusahan kung tama ang propesiya nito? di mo ba naisip yun?"
'Hayss magsisimula na naman ang dalawang to,' isip-isip niya habang lumilinga sa paligid.
Nabalitaan din nila na ang mga taong di pamilyar na nasa bayan ngayon ay mga taga ibang nayon na narito para bisitahin ang mga kamag anak ng mga ito sa Lunen.
Hindi lamang iyon, nalaman din nila na narito ngayon ang mga pinuno ng Nayon ng Thure at Isvet para makipag usap kung ano ang dapat na maging hakbang sa mga nangyayari.
Habang pabulong na nagkakagulo ang dalawang kaibigan ay napansin niya ang paglabas ng isang lalaki sa silid kung saan nag uusap ang mga pinuno ng bawat Nayon.
Ang una nilang balak ay hintayin lamang ang matanda para maka usap ito pero nang bago ang lahat nang...
Napangisi siya nang makita na naiwang bukas na pinto ng lalaki. Bago mawala ang pagkakataon nila ay hinigit na niya ang dalawang kaibigan para lumapit ng dahan-dahan papunta sa pinto.
Dahil hindi naman sila maaring pumasok, kaya nanatili na lamang sila sa labas ng pinto para marinig ang pinag uusapan ng mga ito.
"T-Teka Red kala ko ba---"
"Shhh." pag-papatahimik pa nila ni Aries sa madaldal na si Theo.
"Kung maniniwala kami sa inyong propesiya, maaari ba naming malaman ang susunod na mangyayari matapos magpakita ng mga halimaw na iyon?" rinig nilang ani ng pinuno ng kanilang Nayon na si Ginoong Ruiz.
"Tama, nabanggit nyo din ang tungkol sa pangyayari noon, gayun din ay gusto naming malaman ang dahilan ng pagbalik ng mga nilalang na iyon," ani ginoong Hugo na pinuno ng Thure.
Tahimik naman ang pinuno ng Isvet, mukhang nakikinig lamang ito sa pag pupulong na ito.
"Base sa aking kaalaman at sa nakasaad sa librong ito, sa ika-100 taon mula ng maputol ang ritual, muling magbabalik ang mga nilalang ng dilim at maghahasik ulit ng karahasan sa mga Nayon na nilulukoban ng Nuctious Forest----"
"A-Anong maaari nating gawin para di iyon mangyari?" kinakabahang tanong ni Ginoong Bertan. Mukhang natatakot ito sa mga magaganap kaya tahimik lamang ito kanina.
"--- isang bagay lang naman ang dapat gawin, at iyon ay sundin ang kasunduan na itinatag noon, at iyon ay ---" pagpapatuloy pa ng matandang babae.
Habang nakasilip sila sa siwang ng pintuan ay napagmamasdan nila ang takot at kinakabahang ekspresyon ng mga pinuno habang nakikinig sa matanda.
'Teka, ang kasunduan ba na ibigsabihin ng matanda ay...'
"----ang paghahandog ng alay kada taon. Kinakailangan na iwan ang alay sa lagusan papasok sa mahiwagang kagubatan ng Nuctious."
Namayani ang katahimikan sa loob ng silid ganun din ang kanyang mga kasama. Dahil hindi ng mga ito alam ang tungkol sa kwento kaya gulat na gulat ang mga ito sa rebelasyong iyon.
"A-Alay? anong klaseng alay ho?"
"Iyon ay ang ---"
Halos pumasok na ang dalawa dahil kagustuhan na marinig ang magiging kasagutan ng matanda. Malalaman na sana ng mga ito kung hindi lamang may mga taong dumating kaya kinailangan nilang umalis sa lugar na iyon bago pa sila mahuli.
Humahangos pa sila sa pagod dahil sa mabilis na pagtakbo. Nang makalayo sila ay napagpasyahan muna nilang magpahinga sa isang eskinita.
Kahit hinihingal pa rin ay nagawa pa ni Theo na magbiro. "Alay lang pala, walang problema yan. Ang Nayon natin ng Lunen ang pinakakilala sa pag hahayupan. Baka, kambing, tupa o usa pa yan, kaya nating mag alay."
Napailing naman siya dahil sa pahayag ng kaibigan, malinaw na wala itong ideya sa tunay na alay na napagkasunduan noon.
Kung malaman man ng mga ito ang tunay, siguradong magugulat ang mga ito.
▼△▼△▼△▼△
Mula sa loob ng silid ay nagpatuloy ang usapan ng mga pinuno kasama ang mahiwagang matanda.
"Tao!?"
"Isang b-babae?"
Gulat at di makapaniwalang turan ng mga pinuno nang marinig ang tinutukoy na alay ng matanda.
"Isang birhen na babae ang kailangang maging alay," pagkumperma pa ng matanda.
Ibigsabihin lamang ay isang batang babae na wala pa sa tamang edad para masiguro ang pagiging berhen nito.
Hindi nakasagot at nakaimik ang lahat ng nasa loob ng silid dahil sa rebelasyon ng matanda sa mga ito.
Nagkatinginan na lamang ang pinuno ng Lunen at Thure. Habang halos mahimatay naman sa gulat ang pinuno ng Isvet.
"K-Kung hindi makakapag alay sa eksaktong gabi kung kailan magdurugo ang buwan. Mangyayari ang inyong prediksyon?"
"Oo, babaha ng dugo sa buong lugar dulot ng mga halimaw na naghahari sa kagubatan ng Nuctious."
Hindi sang ayon sa hindi makataong solusyon si Ginoong Ruiz at Hugo, alam ng mga ito na malaki ang kapalit kung sakaling totoo ang prediksyon.
Pero, hindi rin naman nila kayang mag handog na lamang bigla ng walang kalaban-labang babae para maging alay.
"Wala man tayong mag sundalong pwede lumaban, pero nariyan naman ang mga taga-nayon na maaring makatulong sa atin."
"Tama, wag kang mag alala Ruiz, magpapadala ako ng mga katauhan para makatulong kung may mangyari man sa mga susunod na gabi."
Naisip din ng dalawang pinuno na, walang tao o babaeng nasa tamang isip para magbuluntaryo para maging alay, siguradong magkakaroon ng gulo kung sakaling ilabas na nila sa mga taga-nayon ang lahat ng impormasyon na nalalaman nila ngayon.
Kung gaano kasalungat ang dalawang pinuno ng mga nayon at Lunen at Thure. Mukhang nanaig na sa puso at utak ng duwag na lider ng Isvet ang lahat ng pahayag ng matandang orakulo.
Ang mga kamay nito ay nanginginig sa takot, ang kalooban ay puno ng
pangamba.
Napakarami nang mga bagay ang tumatakbo sa isipan nito, mga bagay na umabot na sa punto na wala na itong pakialam kung sino ang maaring ialay.
Ang mahalaga ay may ialay at hindi ito papayag na hindi iyon mangyari, kahit salungat man ang mga kapwa niya pinuno.
'Hindi ako kasing tanga ng dalawang ito na mas papahalagan pa ang buhay ng isa, kaysa sa nakararami. Wala akong pakialam sa sunod na mangyayari, ang mahalaga ay may maialay ako sa mga halimaw na iyon, ano mang mangyari.'
Nang matapos ang pag uusap ng mga pinuno. Nagsitayuan na ang mga ito para magpaalam sa isa't isa.
"Kailangan nating pag isipan ito ng maayos, at wag magpabigla-bigla, pero bago ang lahat. Nagpapasalamat ako sa inyong pagdating," ani pinunong Ruiz, sa dalawang lider mula sa Isvet at Thure.
"Wala iyon Ruiz, wag ka mag alala, nasa likod mo lamang kami lagi," sagot ni pinuno Hugo, habang nakikipag kamay sa lider ng Lunen.
"T-Tama iyon, sana makapag handa muli tayo ng pagpupulong sa madaling panahon," saad ni pinuno Bertan, at nauutal pa habang nagsasalita.
"Sinabi mo pa, maraming salamat muli," nakangiti si pinuno Ruiz habang nakikipag usap sa mga lider ng katabing nayon, pero sa totoo lamang.
Hindi lang takot at pangamba ang nararamdaman nito, ang matinding pagod ay bumabakas na sa mukha nito habang tumatagal.
Nang makaalis ang dalawang panuno, napaupo na lamang sa likod ng kanyang mesa ang pagod na lider. Naguguluhan ito at tunay na hindi pa makapaniwala sa mga kaganapan.
Habang nakatingala at nakatitig sa kisame ng kanyang opisina, hindi nito napigilan na di magpakawala ng isang buntong hininga.
NANG makalabas naman sa gusali ang dalawang lider, kanya-kanya na ang mga ito na sumakay sa mga nakahandang karawahe pabalik sa kanilang nayon.
"Mauna na ako Bertan," pagpapaalam pa ni pinuno Hugo, sabay kaway habang nakasakay sa karawahe nito.
Kumaway naman pabalik ang lider ng Isvet at bago pa ito makasakay sa sasakyan na nakahanda para dito, may isang babaeng humahangos at nagmamadali na pumigil sa pag alis nito.
"T-Teka lang po, pinuno ng Isvet!"