Chapter 12

2144 Words
3RD PERSON POV "Hmm ano ba kasing alay ang kailangan nila?" ani Theo, habang sinisipa ang maliit na bato sa paanan habang puno rin ng pagtataka at kuryosidad ang mukha ekspresyon nito. "Sigurado akong hindi madali ang hinihingi nilang kapalit." Rinig naman niyang saad naman ni Aries, sabay tumingin sa kanya ng deretso. Alam niyang matalino ang kanyang kaibigan na si Aries kaya naman ramdam niya na may hinala na ito kung ano nga ba talaga ang mga nangyayari. Sa halip na sumagot ay nanatili na lamang na nakatingala si Red sa malawak na kalangitan, habang nakatambay pa rin sila sa loob ng eskinita. Wala silang ideya kung anong dapat gawin, lalo na at hindi basta-basta ang mga nilalang na sumusugod sa kanilang lugar. Habang siya ay nagmumuni-muni, napansin niya na biglang napatayo sa gulat si Theo kaya tinanong niya ito."Bakit Theo? Anong meron?" "R-Red, di ba tiyahin mo yun?" bulong pa nito, habang nakasilip sa gilid ng eskinitang pinagtataguan nila. "Si tiya?" naguguluhan naman niyang tanong. 'Impossible na maging si tiya iyon sapagkat nagtungo na sila kahapon sa Thure para magtago doon, halatang natakot ang mga ito dahil sa naganap na pagsalakay ng mga halimaw, noong mga nakalipas na gabi,' isip-isip pa niya. Mabilis ang kanyang naging pagtayo at sinamahan ang dalawa sa pagsilip sa gilid ng pader para masilayan ang taong tinutukoy ni Theo. Dahil tanaw mula sa kanilang kinalalagyan ang b****a o harap ng munisipyo ay hindi niya napigilan ang sarili na panlakihan ng mata dahil sa gulat at halos bumagsak ang panga sa sahig nang masilayan ang kanyang tiyahin na kausap ang pinuno ng Nayon ng Isvet. Nung una ay halos hindi niya ito nakilala sapagkat nakabalot ito ng isang balabal mulo ulo hanggang sa paa. "A-Anong ginagawa ni tiya diyan at bakit kaya niya kausap ang lider ng Isvet?" Napailing na lamang ang dalawa niyang kababata sapagkat hindi rin alam ng mga ito ang sagot sa kanyang katanungan. Pero mula pa lang sa itsura ng kanyang tiyahin ay parang naraamdaman na niya na may binabalak itong kakaiba. Kung ano man iyon ay lubos siyang kinakabahan. ▼△▼△▼△▼△ "T-Teka lang po, pinuno ng Isvet!" Napatigil si Ginoong Bertan dahil sa narinig na sigaw mula sa likuran niya. "Anong maitutulong ko po sa inyo Ginang?" magalang na turan pa niya at saka hinarap ang taong tumatawag at humahabol sa kanya. "Ah, m-maaari ko po ba kayong makausap," nagmamaka-awang ani pa ng Ginang habang hinihingal dahil sa pagtakbo. Ramdam ng lider ang kaseryosohan ng ale kaya naman pinasakay rin niya ito sa loob ng karawahe para makapag usap sila doon ng personal. Nang maisara ang pinto ng karawahe, doon ay nagsimula na sila sa pag uusap. "Ginoong Bertan ng Isvet, naparito po ako sapagkat may gusto akong isuhestyon tungkol sa mga nangyayari sa aming nayon, maaari nyo po ba akong pakinggan?" "Walang problema ginang, pero bago ang lahat maaari ko ring bang malaman kung bakit ka sa akin lumpit, sa halip na sa inyong lider?" interesado man si Ginoong bertan, pero hindi nawala ang pagtataka sa kanyang kalooban, sapagkat mukhang kahina-hina ang kilos ng ale na ito. "A-Ahm, alam ko po na abala at hindi na magka intindihan si pinunong Ruiz, kaya sa inyo ko na lamang muna ipa-aabot ang aking ideya." Mang marinig ang pahayag ng ginang, napatango na lamang siya at saka nagsalita. "At ano naman ang ideyang iyon, ginang?" tipid na tanong ng Ginoo dito, kahit na bakas sa mukha nito ang matinding interes. "Na---Narinig ko po sa matandang orakulo ang kanyang pangitain," panimula pa nito, habang deretsong nakatingin kay ginoong Bertan. "May katotohanan po kaya ang mga kwento nito? Lalong-lalo na ang tungkol sa alay?" Nailagay naman ni Ginoong bertan ang kamay nito sa ilalim ng baba sa posisyon na para bang nag iisip malalim bago sumagot. "Pinag uusapan pa ng mga pinuno ang mga hakbang na dapat gawain, sa ngayon ay hindi pa rin kami sigurado kung dapat ba naming sundin ang pahayag ng orakulo, pero--" "Pero, ano po?" hindi makapaghintay na tanong ng ginang. "Sa tingin ko ay wala nang oras at nalalapit na rin ang paglitaw ng susunod na pulang buwan, kahit na sabihing tunay o peke ang pahayag ng matandang babae ay hindi na mahalaga, dapat ay kumilos na para matigil ang kaguluhang ito." "Ibigsabihin nyo po ba ay balak nyo talagang mag alay ng isang batang babae sa harap ng kagubatan ng nuctious?" "Oo, kahit na hindi ito alam ng ibang mga pinuno, kung hihintayin pa natin ang kanilang desisyon ay baka mahuli na ang lahat," napatango pa ito ng ilang beses na para bang wala nang ibang pag asa kung hindi ang naisip na paraan nito. "Kung gayon ginoo, maari ko po ba kayong tulungan sa inyong binabalak?" napapangisi pa ng patago ang ginang habang sumasang-ayon at nagpapakita nang pakikipagtulungan rito. Tumango rin naman ang ginoo at nagkatinginan ang dalawa nang puno ng kahulugan. 'Sa wakas, maiidispatsya ko na ang dalwang iyon ng walang kahirap-hirap,' isip-isip pa ng tiyahin ni Red matapos makababa ito sa karawahe na pagmamay ari ng pinuno ng karatig na Nayon ng Isvet at saka maglaho sa dami ng mga tao na nasa paligid. ---------------- Dahil sa dami ng mga tao sa paligid ay nawala sa paningin nina Red ang karawahe na sinasakyan ng kanyang tiya at pinuno ng karatig Nayon. Hindi maiwasan na magkatinginan silang tatlo na may halong pagkagulat nang makita ang biglaang pagkawala ng sasakyan na kanilang binabantayan ngayon lamang. "Anong balak nyo sa ngayon?" tanong pa ni Aries sa kanila, matapos nilang lapitan ang lugar na kinalalagyan ng karawahe kanina at makita na wala na ni bakas ang naiwan mula dito. Hindi maalis sa kanyang isipan ang naging pangyayari kaya nga dala pa rin niya ang malalim na pag iisip habang sila ay narito sa gitna ng kalsada. Nakatitig lamang siya sa lupa habang patuloy na iniisip kung ano nga ba ang pwedeng maging kinalaman ng kanyang tiyahin sa problema ng kanilang Nayon. 'Si tiya nga ba talaga ang tao na iyon? Pero ano ang ginagawa niya dito? T--eka? Hindi kaya---' Base sa pagkaka-kilala niya sa kanyang tiya, mauuna pa itong tumakas kaysa ang maisip na tumulong kaya naman impossible na mabuti ang rason nito sa pakikipag usap sa pinuno. 'Alam kong hindi niya kami gusto, pero hindi naman siguro niya kayang gawin iyon?' napapailing na pagkumbinsi pa niya sa kanyang sarili. Pero kahit anong gawin niya ay isang bagay lamang ang pumapasok sa kanyang isipan. Ang bagay na matagal nang pinaplano ng kanyang tiyahin at iyon ay ang mapalayas sila sa bahay at maidispatsya na sila. "Tsk, saan kaya iyon nagpunta? Natakasan tayo ah," inis na turan pa ni Theo habang tinatanaw ang paligid. Habang nakatayo sila sa gitna ng daan kung saan maraming mga tao ang nagmamadali sa paglalakad dala-dala ang mga gamit at kapamilya upang maka lipat sa kalapit na Nayon. Alam ng mga ito na hindi na ligtas ang kanilang Nayon dahil sa pag atake ng mga halimaw na iyon. May mga nakikita rin silang mga karawahe at iba pang sasakyan na puno ng mga bagahe palabas ng kanilang lugar. Talagang napuno na ng takot at pangamba ang puso at isipan ng lahat kaya naman nagpasya na ang mga ito na lumikas palayo delikado nilang Nayon. Nakuha ng isang malakas na tunog ang atensyon ng lahat, kahit ang mga taong nagmamadali ay napatigil sa paglalakad dahil sa ingay na iyon. Ni siya ay napalingon sa paligid para hanapin ang pinanggagalingan ng tunog. "Ano yun?" "Hm, hindi maganda ang pakiramdam ko dito ah," seryosong ani Aries sa kanila. Lumakas ang kabog ng kanyang puso dahil sa nangyayari. Para iyong tunog na galing sa sungay ng hayop, malalim at malagong ang tunog. Karaniwang ginagamit bilang warning o signal. "Ayun oh, sa taas ng gusali!" mabilis na sigaw ni Theo sa kanya, habang nakataas ang kamay at itinuturo ang taas ng isang gusali. Ang lahat ay napasunod ang tingin sa dereksyon na itinuturo ng kanyang kaibigan. Napatakip sa bibig ang lahat nang masilayan ang pigura ng isang misteryosong lalaki doon. "TOTOO ANG PROPESIYA!!! DARATING NA SILA PARA KUNIN ANG BAGAY NA NAPAGKASUNDUAN, ISANG DAANG TAON NA ANG NAKAKAKIPAS!!!" "H-Ha? Anong sinasabi niya?" "Aling propesiya? Iyon bang galing sa baliw na matanda?" Hindi magkaintindihang tanong at bulong ng mga tao sa paligid. Hindi nila alam ang binabalak ng lalaki para ipahayag ang bagay na ito. Oo, tama na ipaalam sa lahat ang tungkol sa tunay na nangyayari, pero dahil hindi pa konkreto ang lahat. Ang impormasyong gaya nito ay magbibigay lamang ng takot at pangamba sa lahat. Bago pa sila makagawa ng paraan para pigilan ang lalaki nang umalingawngaq muli ang sigaw nito sa buong lugar. "KAILANGAN NG ALAY UPANG MATIGIL ANG KAGULUHANG ITO!!!" "Shete, wag ang bagay na yan," Inis bulong niya, habang nakatitig sa misteryosong lalaki. Ang naguguluhang mukha naman ng mga taga-nayon ay napaltan ng hindi nakapaniwalang ekspresyon dulot ng anunsyo ng lalaking iyon. Mas lumakas ang bulong-bulungan sa paligid, takot at namumutla ang lahat nang marinig ang tungkol sa alay. 'Ano ba talagang binabalak mo?' tanong niya sa kanyang sarili at saka nagsimula nang tumakbo papunta sa kinalalagyan nito. Kaso mukhang huli na ang lahat nang biglang magtakbuhan sa takot ang lahat dahil sa sunod na pahayag nito. "ISANG BERHENG BABAE! ANG IAALAY!!!!" Wala pang isang segundo at nagmamadaling nagsi takbuhan ang lahat, habang nagsisigawan dahil sa takot. "AHHHH!!!!" "UMALIS NA TAYO DITO!" "BILISAN NYO!" Hindi sila makagalaw sa kinalalagyan dahil sa dami ng mga taong nagsisitakbuhan sa kanilang paligid. Naiharang na lamang niya ang braso sa kanyang sarili upang di masaktan dahil sa pagdagil ng mga taong nakakabangga niya. "RED!" hiyaw ni Theo at saka inabot ang kanyang kamay upang tulungan siya na makapunta sa gilid ng daan at di maipit sa mga nagmamadaling tao. Nang makarating sila sa tabi ng kalsada ay hinihingal pa silang tatlo dulot ng pagod. Nang silayan muli nila ang kinalalagyan ng lalaki ay nakumperma nilang wala na nga ito doon. Para itong isang usok na naglaho, matapos ipahayag ang mga bagay na iyon. "Sa tingin nyo, sino ang lalaking yun? At saka tunay ba ang sinabi nya?" Umiling si Aries, pero siya ay nanatiling nakatitig sa kawalan. Pakiramdam kasi niya ay pamilyar ang mukha at tindig ng lalaking iyon. Dahil sa stress na nararamdaman dahil sa kaguluhang nagaganap ay hindi niya magawang maalala ang taong iyon. Nilapitan naman niya ang dalawang kaibigan para magpaalam. Kanina pa siyang narito sa bayan at walang kasama sa bahay ang kanyang kapatid. "Kailangan ko ng umuwi sa ngayon, mag isa lamang sa bahay si Li--" halos tumigil ang ikot ng kanyang mundo nang mapagtanto niya ang lahat. Nanlaki sa gulat ang kanyang mga mata at natuyo ang kanyang lalamunan nang mapagkonekta niya ang mga nangyayari. 'Hindi ito pwede!' Walang sinayang na oras si Red at kumaripas ng takbo papunta sa dereksyon ng kanilang bahay. Ngunit dahil sa dami ng mga taong gustong umalis sa nayon ay hindi niya magawang makasingit at makaalis. "Ha? Ui teka Red! Saan ka pupunta?" hiyaw ni Theo at Aries habang hinahabol ang mabilis niyang pagtakbo. Kahit ang mga ito ay naipit rin sa bugso ng mga tao. "Hindi pwede, sana hindi pa huli ang lahat!" hindi niya mapigilang isigaw, habang nakikipagbuno sa mga tao upang makadaan. "Red! Ano bang ibigsabihin mo?" "Anong huli na ang lahat!?" Hindi magkaintindihang sigaw ng dalawa habang sinusubukang sundan siya. Nang makatawid nga sila sa dagat ng mga tao ay patuloy pa rin siyang tumatakbo. Isang bagay lamang ang sa kanyang isipan at iyon ay ang makauwi ka agad. Ang kalangitan ay tunay na mapaglaro, kung kailangan naman sila nagmamadali ay doon pa nito naisipang magdilim at magbadya ng pagbuhos ng ulan. "Red, dito!" sigaw ni Aries, kaya naman napalingon sila ni Theo. May nakita silang kabayo sa gilid ng daan. Mukhang napag iwanan na ito ng may ari dahil sa takot na nararamdaman. Nagmamadali siyang sumakay at umangkas naman sa likod niya si Theo, habang kumuha rin ng isa pang kabayo si Aries para sa sarili nito. "Hyaahhh!" malakas na saad niya, sabay hampas sa taling nakakabit sa saddle nito. "Oo ba ang sinabi ng lalaki!? Iyon ba talaga ang alay!"pangungulit pa sa kanya ni Theo, habang patuloy ang mabilis nilang pagtakbo sakay ng kabayo. Ayaw na sana niyang patulan ang kakulitan nito, pero alam rin niyang hindi ito titigil. Kaya naman kahit nanginginig na ang kamay at pigil ang paghinga dahil sa kabang nararamdaman ay nagawa pa rin niya itong sagutin. "Oo! At may ideya na ako kung anong binabalak ni Tiya!" pasigaw na tugon niya upang marinig nito. Malakas ang paspas ng hangin sa kanilang mukha at katawan. Isama pa ang panaka-nakang ambon galing sa madilim na kalangitan. 'Sana hindi tama ang hinala ko.' Mantra niya sa kanyang isipan, habang mas binibilisan ang pagpapatakbo sa kabayong sinasakyan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD