Chapter 15

866 Words
3RD PERSON POV NATATANDAAN pa ni Red noong kabataan nila. Kapag nakatapos niyang magbenta sa palengke at maaga pa bago umuwi. Bumibisita siya lagi rito sa librarya upang humiram ng mga libro. Buhay pa noon ang lolo ni Aries, mabait at mahinahon itong uri ng tao. Kasama ni Aries sa isang mesa, sabay silang kinukwentuhan ni Lolo Pedro ng iba't ibang storya katulad na lamang ng tungkol sa malalayong lugar kung saan ang mahika at ibang mahiwagang nilalang ay matatagpuan. NGAYON habang nakasilay sa mga libro sa lumang library na ito, hindi niya inaasahan na maaari pa lang maging totoo ang lahat ng kwentong nakapalood dito. Napapangiti na lamang siya nang bahagya habang na-aalala ang mga kaganapan dito noong kabataan nila. Dito sila tumatambay nina Theo, Aries, at syempre kasama din nila ang ilang taong gulang palang na si Lila. Paborito ito ni Lolo Pedro kaya naman tuwang-tuwa ang matanda kapag isinasama niya ang kapatid noon. Pero, ngayong wala na si Lolo Pedro at mukhang malapit na rin mawala ang kanilang Nayon dahil sa mga nilalang na hindi nila pinangarap na magkatotoo. Napahiling na lang si Red na sana may iniwan ang lolo ni Aries upang makatulong sa kanila. Bago pa siya malungkot muli ay nakuha ng isang bagay ang kanyang atensyon. Napataas ang kanyang kilay nang mapansin ang pamilyar na libro sa kanyang harapan. 'Nandito ka pa pala,' pabulong pa niyang ani sa sarili habang kinukuha ang libro sa shelves na kinalalagyan nito. Luma na ito at puno ng alikabok, nang buksan niya ito ay sinalubong siya ng madidilaw na pahina ng libro at ilang gusot. Ngunit kahit ganun ay mapapansin pa rin ang kabuohang itsura nito, maayos pa rin ito kahit ilang taon na ang nakalipas. Napasandal siya sa mataas na patasan ng libro upang mas maging komportable ang pakiramdam habang binabalikan niya ang kabataan mula sa librong mahal na mahal niya. Tungkol ito sa babaeng mortal at lalaking may kakayahang magbago ng anyo, kahit magkaiba ang mga ito ay hindi iyon naging hadlang upang mahulog ang loob ng dalawa sa isa't isa. Kahit na walang litrato ang librong ito hindi katulad ng mga karaniwang librong pambata. Tunay na minahal niya ang kwentong ito kasama na ang mga tauhan. Noon, kapag nakikita siya ni Lolo Pedro na binabasa ito ay napapansin niyang napapangiti na lang ito at tumatawa ng malakas. Napakasarap balikan ng mga pagkakataon na iyon, kaya naman nang maisip niya na baka ito na rin ang huling beses na makakabalik sila sa Nayon ay nagpasya siyang dalhin ang librong ito sa kanyang paglalakbay. "Red, umalis na tayo," anyaya ni Aries sa kanya. Ipinakita naman niya ang libro at tumango naman ang kaibigan. "Sige," tipid niyang sagot habang palabas sila ng gusali. "Ang tagal nyo naman," nakasimangot na reklamo pa ni Theo nang makita sila nito. "Psh, wala pang limang minuto ang paghihintay mo ah," masungit na sagot naman ni Aries dito, bago lumapit sa kabayo at isabit ang mga dalang bagahe. "Kahit na ba," kunot noo namang sagot ni Theo. Napailing na lamang si Red sapagkat para talagang matandang mag asawa ang dalawang ito. Lagi na lamang nag asaran kaya bago pa mauwi sa away na naman ito ay pinigilan na niya. "Tayo na, yan na naman kayo ah." Napatango na lamang ang dalawa at saka nagpasya na silang magtungo pabalik sa bahay ni Red. Habang papalapit sila sa tirahan ni Red, pabigat rin nang pabigat ang dibdib niya sapagkat nanunumbalik sa kanyang isipan ang lahat ng kaganapan dito. "Ayos lang yan, Red. Mahahanap din natin si Lila," pagpapalakas pa ng loob sa kanya ni Theo. Napatango naman siya at saka pumasok sa bahay. Tulad ng kanyang inaasahan, hindi na bumalik pa ang kanyang tiyahin at mga anak nito. Siguro ay nagtago na talaga ang mga ito sa ibang Nayon. Ang sira at magulong mga gamit ay lalong nagpapaalaala sa kanya sa mga nangyari dito, naiinis at galit siya sa kanyang sarili sapagkat malinaw na hindi niya naprotektahan ang kapatid. Wala siya sa oras na pinak-kailangan nito. "Hays, Red umayos ka," bulong niya sa kanyang sarili bago iiwas ang paningin sa bagay na nagbibigay sa kanya ng kalungkutan. Sa halip ay binagtas na niya ang daan paakyat sa kanilang kwarto ni Lila na kung saan ay nasa Attic ng bahay. Mula sa baba ng bahay ay rinig pa niya ang sigaw ng kaibigan. " Red, hintayin ka na lang namin dito!" Sinagot niya iyon bago magpatuloy. Walang pinagbago ang maliit at simple nilang silid ni Lila. Maayos pa rin ito na tila ba ay walang naganap na kakaiba, yukom ang mga kamay at pigil ang paghinga nang magsimula siyang kalkalin ang mahahalagang gamit tulad ng sandata, ang libro ng kanyang ama at iba pang bagay na pwedeng makatulong sa kanyang paglalakbay. Matapos ilagay iyon sa kanyang bag na dala ay nagawa pa niyang lumingon ng sandali sa higaan ng kanyang kapatid bago tuluyang lumabas ng kwarto. Hindi niya alam kung ano ang pwedeng mangyari sa paglalakbay na ito, maaaring mabigo sila o magtagumpay. Ang hinihiling lamang niya mula sa sandaling ito ay sana kung nasaan man si Lila, Sana buhay ito at naghihintay sa kanya. 'Gagawin ko ang lahat, Lila. Ililigtas kita.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD