HINDI pinansin ni Rogue ang pagtapik ni Brave sa balikat niya. Nasa bahay siya nito nang sandaling iyon—sa garden, nakaupo na nakataas ang mga paa at may kaharap na beer—wala na naman kasi siyang naisip puntahan. “Three years na no’ng huling nakita kong ganyan ka,” si Brave, sa tono pa lang alam niyang magsisimula nang mang-asar ang gago. “Nabasted ba tayo?” Muntik na niyang maibato ang bote ng beer. Sapul na sapul siya sa tanong. Gano’n na gano’n nga ang pakiramdam niya—rejected, may ibang pinili ang babaeng gusto niyang makasama. Hindi basta kuha lang ang ginawa niya sa bote—hablot talaga—at itinuloy sa bibig ang beer. Muntik na niyang masaid ang laman bago ibinagsak uli sa mesa. Pag-angat niya ng tingin, napansin ni Rogue na naka-uniform na pala ang marangal niyang kai

