bc

Pheta at your service!

book_age16+
25
FOLLOW
1K
READ
dominant
comedy
twisted
bxg
first love
secrets
reckless
friends with benefits
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

Si Pheta Roxanna Cafe ay isang ulilang bata na namamalagi sa isang ampunan mahigit 12 taon. Mahilig itong magbasa ng mga Romantic story. She mourned when money is being trade with food however, she still want to eat it kase food is life.

One day a radiant, fabulous, elegant Madam visits the orphanage searching someone to be a servant for his sick son and automatically choose Pheta than the recommendation of Madam Awring, one of the people managing the orphanage.

Then, she met the heir of Archer. Clayton Genesis Acher who happened tohave a curse passed by generation.

"Anong nangyayari sa'yo Clayton?!" Oheta exclaimed out of worried.

"Stay away Pheta, I don't want to hurt you."

Matigas ang ulo ni Pheta hanggang sa malaman niya ang sinasapit ni Clayton.

Would Pheta help Clayton subside his lust and become a plaything for his seniorito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Huwag ka nang umiyak, Pating." Tahan sa akin ni Bumbay. Dose anyos pa lamang ako at nakahiligan ko ng mahalin ang pera. Hanggang sa humantong na iniyakan ko ito pag bumibili ng pagkain. Pighati ang aking nararamdaman basta ipagpapalit ko ang pera sa pagkain, wala naman akong choice. Paano ako makakain ng matatamis kong hindi ako magbabayad ng salapi. Tinanggap ko ang sukli at nakatangang nakatitig dito. Sorry 20 pesos naging 10 ka na ngayon dahil kakainin ko ang sampung pirasong lollipop. Wala namang pagkain na matamis sa bahay ampunan kaua no choice talaga. Mahal ko ang pera pero mahal ko rin naman ang pagkain lalo na matatamis. "Mag drawing nalang ako ng 10 pesos tapos ilibing natin siya huhu." hagulhul ko habang supsup ang lollipop. "Pabibo mo talaga, hinahanap na tayo sa bahay ampunan. Pera lang yan eh!" Sambit nito sabay batok sa akin. "Kahit bagay o hayop Bumbay may karapatan akong mag mourn dahil napamahal ako sa kanila!" Sinakal ko siya. "Kung sa bagay hindi ka pa nakakaranas ng pagmamahal!" Niyugyog ko siya para matauhan. "Bruha ka Pating! Papatayin mo talaga ako para lang sa pera na gusto mong ilibing?!" "H-Hindi, gusto ko lang matauhan ka!" "Pinagsasabi mo diyan, mas normal naman ako mag-isip kaysa sa'yo!" Nagyugyogan kaming dalawa, may mga nakakita sa amin pero hindi kami pinahinto. Mas mabuti rin naman. Natapos ang yugyogan ng kami ni Bumbay ay kinapusan ng hininga. Nag-alok akong umuwi na at umuwi na nga kami sa bahay ampunan. Sinalubong din kami ni Miss Chinchin. "Bakit kayo lumabas sa bahay ampunan, wala pang ligo ang mga kasama niyo at ang kalat pa roon, mga ate kayo dito kaya dapat maging good role model kayo! "Singhal ni Miss Chinchin at agad siyang nangapa ng hangin. Naubusan siguro sa kaka sermon. "Anak ng palaka talaga kayo eh, maglaba kayo doon!" She added. " Ang liit na nga yung sahod tapos marami pang mga pasaway!" Sabi niya sa kanyang sarili habang nagwawalis malapit sa gate. " Dapat busy ako ngayon sa paghahanap ng afam eh!" Hinagis niya ang walis pero wala pang segundo ay pinulot niya ito. " Ugh, life is so unfair!" "Ate Roxanna!" Sigaw ng mga kapatid ko. Kapatid ang turing ko sa kanilang lahat, si Bumbay lang talaga ang exempted dahil qualified siyang maging Bruha Friend Forever, B.F.F. Ganito rin ang turing sa akin ni Bumbay. Si Bumbay lang nakakatawag sa akin ng Pating dahil iyon ang ibinigay niyang nickname sa akin. Hindi rin Bumbay ang totoo niyang pangalan, palayaw din niya iyon. Siya ay si Gorgeous Neon Lim at ang pangalan na nasa aking birth certificate ay Pheta Roxanna Cafe. Nag-iisip nga ako kada hating gabi kong dayo ba ang aking ama o ina at kay Bumbay rin. Maganda ang ipinangalan nila sa amin ngunit ang pangit ng kahihinatnan namin ngayon. Bakit kaya nila ako nilikha? At bakit kaya nila ako iniwan sa bahay ampunan. Humantong sa punto na napapatanong ako sa sarili kung bakit gumagawa sila ng bata kung ayaw naman nila ng responsibilidad. Sinubukan kong magtanong sa mga matanda pa sa akin sa bahay ampunan pero hindi naman nila ako kinikibuan, Si miss Chinchin nga lang ang sumagot sa akin eh at ayon sa sagot niya ay. "Kadalasan sa inyo rito bunga ng panggagahasa ang ilan naman ay walang financial support." Totoo talaga ang sinabi ni miss Chinchin ' Life is so unfair' "Hoi Pating!" Bumalik ako sa pag sigaw ni Bumbay sa akin galing sa bungantulog. "Ito palanggana at sabon, ako na kukuha sa mga damit na lalabhan natin for today!" And then vanished. Tumunga na ako sa labahan at pinuno ang palanggana ng tubig. Hinintay ko muna si Bumbay. Malawak ang bahay ampunan, ang gusto ko nga rito ay ang mga nagsasayawang mga puno at ang mga bulaklak din, e-dagdag pa ang simoy ng hangin. Payapa. "Oh, Pating." Tinawag ako ni Madam Awring. Hindi ko nahimigan ang mga yapak niya. Tumayo ako at lumingon kay Madam Awring, hindi pala ito nag-iisa may kasama siyang babae. She wears a Bow navy lace cocktail and a black slim heels. Amoy mayaman. Mayaman= Pera! Ehem. "Magandang umaga po Madam Awring at sa inyo po Ma'am" pagbati ko. "Nasaan si Bumbay? Ah, 'di bale. Mrs. Archer, ito si Pelly Roxanna. Isa siya sa dalawang ate sa bahay ampunan." Pagpapakilala ni Madam Awring sa akin. Lumapit si Mrs. Archer sa akin at hinawakan ang aking baba at nag obserba sa akin ng ilang minuto. "She had the body I'm looking for." Komento niya at kumawala sa paghawak sa aking baba. Hinawakan ko ang aking baba dahil parang sampal ang pagkabitaw niya sa akin rito. Tumikhim si Madam Awring at nagtanghal ng hilaw na ngisi. "Yes Mrs. Archer, malusog na bata itong si Pelly. Mag lalabing-dalawa siya sa susunod na buwan. "Pating–" natigil ang sigaw ni Bumbay nang makita si Mrs. Archer. "Oh nandito na pala ang nirecommenda ko sayo Mrs. Archer." "No. This one is better." At naglakad pauna sa office ni Madam Awring, sumunod naman si Madam Awring sa kanya ng pahabol. "Anong ganap?" Tanong agad mi Bumbay nang nakalapit na siya sa aking direksyon. "Iaampon sa ako Bumbay." Matamlay kong sambit. "Oh, bakit matamlay yan. Dapat masaya ka, maybago ka nang pamilya!" Maligayang sabi ni Bumbay. "Pero ma mi-miss kita huhu." "HelloOo~" nagsalubong ang kanyang kilay. "Ma mimiss rin naman kita pero did you forget may internet na sa panahon ngayon. Pwede pa rin tayong mag chika kahit malayo ka rito–" kahit alam kong gonagawa noya lang ito sa akin para hindi ako maging malungkot, himig ko pa rin ang kanyang kalungkutan. Dahil sa paghagulhul ko sa kanyang bisig hindi na niya rin nakayanang pigilan ang mga luha niyang kumawala. "Bruha forever, tandaan mo 'yan!" Sabay sampal sa aking likod. "Aray ko naman! Bruha Friends Forever!" Bukas agad ang pag-alis ko sa bahay ampunan, tumulong si Bumbay sa akin sa pag-iimpake. Parati niyang sinasabi sa akin na itigil ko na raw ang paglibong ng mga sukli sa tuwing bibili ako ng pagkain. Mahirap, pero ito na ang huling habilin niya sa akin. Katabi ko siya ngayon, nakahilik. Buti nalang nakasanayan ko iyang hilik na yan habang nagbabasa ako ng libro. Miracle nga na pinahiram niya sa akin ang kanyang libro dahil itong libro na ito lang ang ayaw niya ipahiram. Sabi niya, tutal aalis na raw ako sa bahay ampunan marapat daw niya itong ipahiram sa akin. Tuwang-tuwa pa nga ako, pero huling gabi ko na rito kaya dapat kong taposin basahin ang libro within an hours. God bless you, self. Ang pamagat ng libro ay Billionaire's curse at ang settings nito ay historical in Filipino version. Nagsimula ito sa masipag at matalinong mangtuturo, nagsimula siyang magturo sa kanilang munting bahay lamang at hindi siya tumatanggap ng bayad sa mga batang gustong matuto. Payapa ang kanyang buhay subalit ito'y ginambala ng mga kawal habang siya ay nagtuturo ng mga bata. "Ikaw ba si Binibining Georgia?" Tanong ng kawal. "Opo, ako iyon. Ano ang aking maipaglilingkod?" "Pinapatawag ang mga guro maging ikaw man ay may dugong bughaw o indiokayo ay dapat sumunod sa atas galing sa makapangyarihang pamahalaan. At kung ang guro man ay tatanggi sa utos maaaring gamitin ang dahas sa mga kawal galing sa pamahalaan." Hindi nag alinlangan umareglo si Georgia. Sinundan niya ang mga kawal ng walang kibo pero kung hawakan mo ang kanyang palad malalaman mong kinakabahan ito dahil sa ginaw na mararamdaman mo sa kanyang palad. Doon nagsimula ang kwento ni Georgia, isang guro. At ni Ginoong Patricio, isang bilyonaryong may sumpa. Ang sumpa na mayroon siya ay tungkol sa hindi makakakita ng mga kulay sa kapaligiran pero isang kulay lamang ang pinahintulutan siyang masiglaw, ito ay ang kulay dugo, pula. Kahit hindi alam ni Georgia kung paano turuan si Ginoong Patricio, binuhos niya pa rin ang kanyang taglay na galing at pinag-isipan niyang mabuti kung anong ituturo kay Ginoong Patricio. At ito ay ang pagtitiwala sa kapwa. "Cringe naman nito." Komento ko sa librong binasa. Pero umiiyak na ako dito na walang tunog, baka kasi makagambala ako sa mahimbing na tulog ni Bumbay. Paano naman kase, itong si Patricio namatay tapos ang kanyang mga ari arian ay pinamana kay Georgia ngunit hindi masaya si Georgia dahil bakit raw siya magiging maligaya kung ang pinakamamahal niyang Patricio ay wala na sa mundo. Hindi ako umiiyak dahil sa tragic story nila, umiiyak ako sa sitwasyon ng mga pera. Hindi nila dapat maranasan maabandona ng ganoon, kung ayaw ni Georgia sa pera. Ako kailangan ko. Mamahalin ko pa ang mga iyan. Letcheng libro to, makatulog na nga. Isang sampal ang naramdaman ko, "Gising na, umalis kana sa harapan ko!" Hiyaw ni Bumbay. Ano na namang nakain nito, hindi naman masakit ang sampal parang tapik lang pero gusto kong e-larawan na sampal iyon, para bibo. "Nawawala yung libro ko!" Luh, pero nasa tabi ko lang iyon nilagay. "Huh, nasa tabi ko lang iyon nilagay kagabi." "Bakit na wala, bakit hindi ko makita?" Tinulungan ko siyang maghanap at nakita ko ang libro! "Shunga, nandito lang sa kama oh!" Tinuro ko ang libro at natameme siya. "Hehe" "Bunganga kasi inuuna, tsk tsk." Tinuro ko ang kanyang labi. "Hehe, want me to kiss you?" "Sure, sa cheeks ko please." Hinalikan niya ang aking pisngi, " Hali ka na bruha friend, tapusin na natin iimpake ang mga damit mo."kinaladkad niya ako sa lokasyon ng aking maleta na nasa tabi lang naman ng cabinet namin. Tinulongan niya nga pa akong pakainin, siya ang nag kusang pinasubo sa akin ang kanin at ulam. Last service niya daw sa akin to. Habang sinusuboan niya ako, dumadagan na ang mga luha niya pababa sa kanyang mga mata. "Don't mind me bruha friend, pananangis era ko 'to" sabi niya at pinahid ang luha. Hindi naman ako bata para subuan pero hindi nalang ako nag-apila dahil last day ko na ito kasama si Bumbay. Papaliguan pa niya nga ako pero sobra na siguro ang mga ginagawa niya sa akin. Ayaw ko naman na maging alipin siya sa last day namin. Ano ba 'to, naiiyak ako sa ideya na wala na si Bumbay sa tabi ko. Siya ang aking first bruha friend forever tapos sa murang edad magkakahiwalay na kami. Hinigop ko ang aking sipon at inaayos ang damit habang hinihintay ang mga kukup-kop sa akin. Wala na sa aking tabi si Bumbay, nasa loob siya sa bahay at ako. Nasa opisina ni Madam Awring. Ang lamig dito dahil may aircon hindi katulad sa bahay mainit! "Maging mabait ka kay Mrs. Archer, Pating."pangunguna ng komunikasyon ni Madam Awring sa akin at binalingan ko siya. "Maging mama ko po ba si Mrs. Archer?" Agad umiling si Madam Awring. "Hindi hija, may-aalagaan ka lang." "Ano po?!" Hindi ko magiging pamilya ang mga Archer? Napasubo ako sa aking noo, bakit magiging maid ako? "Hija, alam mo namang hindi ito ordinaryong Bahay ampunan diba?" Napalunok ako. "Binigyan na kayo ng background habang pinapaaral kayo dito diba, sa kung anong lugar itong nilakihan niyo. Hindi ito suporta ng pamahalaan kung hindi pribadong kompanya."malamig sa sambit ni Madam Awring at sinindihan ang kanyang sigarilyo. "Isa sa shareholder si Mrs. Archer sa ibang kompanya ng nagtayo nitong bahay ampunan. Kaya pag sinabing magpakabait, talagang magpakabait ka. Hindi natin alam anong mangyayari sayo kung hindi mo alam ang lugar mo." Speechless, tumango-tango lang ako kahit hindi ko alam ang mga pinagsasabi ni Madam Awring. "Mag-ingat ka Pating." tagubilin niya. Tahimik akong nakasakay sa kotse, hindi ko kasabay si Mrs. Archer dahil may isang kotse siya na para sa kanya. Kami lang ng driver ang nasa kotseng ito, napaka ingay naman ng katahimikan. Ayoko rin naman magsalita dahil wala pa ako sa mood. Hinawakan ko ang handmade bracelet naginawa ni Bumbay sa akin. Bumbay, bigyan mo sana ako ng malakas na sampal para motivation. Huminto ang sasakyan at nilingon ako ni sir driver. "Blindfold." tipid niyang sambit. Kinuha ko iyon at nag blindfold sa sarili. Umarangkada agad ang sasakyan nang matapos ko ng mag blindfold. Unting-unting bumibigat ang mga mata ko hanggang sa mahimbing akong nakatulog, ang sarap kase ng aircon. Naramdaman ko ang mahinang tapik sa aking balikat. " Nandito na tayo." Tinanggal niya ang aking blindfold at agad lumaki ang aking mga mata. Nasa gitna ba kami ng kagubatan?! I think, yes. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nito. Sana may internet connection dito kahit nasa tuktok kami ng bundok. "May internet connection po ba rito?" Hindi sumagot si Sir driver, ang lamig naman noya masyado. Pa'no na 'to, kung walang internet connection hindi kami makakapagchikahan ni Bumbay. Akala ko pa naman na pupunta kami sa City pero sa bundok pala ako napadpad! Kung sa City pa naka lokasyon ang mansion nila ede sana makakapunta pa ako roon sa Internet Cafe. Pero dito? Baka lion ang masugatan ko. Nilingon ko ang sasakyan ni Mrs. Acher pero isa lang ang sasakyan na nasa harap ko, at ito ay ang kotse na sinakyan ko kanina. Naglinyahan ang mga katulong, dalawa sa kanan at tatlo sa kaliwa habang kami ni sir driver ay naglalakad sa gitna nila. May isang tao na naghihintay malapit sa dambuhalang pintuan. "She'll be appointed to take care of our young master." Tumango lang ang matandang babae sa sinabi ni sir driver. Wow, english. Dapat na rin akong makibihasa sa lenggwahe na english para makisabay sa kanila, tutal amoy mamahalin itong pinasukan ko. "Send her to the maid quarter." Malamig na utos ni tandang babae. Tandang babae muna itawag ko sa kanya dahil hindi ko pa alam ang kanyang pangalan. Base sa mukha baka nasa edad 40 na ito. Tumango ang dalawang babae na bihis sosyal na maid. Gown talaga ang uniform ng mga kasambahay dito? Grabeng budget to ah. Tahimik kaming tatlo patungo sa maid quarters, ito lamang ay ginambala nang nagtanong ang isa. "Age mo?" "12 po." Sagot ko. Nagkamot ng ulo ang dalawa, "Haist, ang bata mo pa. 'Wag na 'wag kang gagawa nang nakakaabala sa amin ha!" Nag cross ang kanilang mga kamay. "Kung magtatagal ka rito." Nagtawanan ang dalawa at nakatagilid naman ang aking ulo sa sinabi nila. Bakit, may nauna na ba sa akin dito tapos tumigil? Gusto ko sanang itanong pero nandito na kami sa Maid quarter at iginiya nila ako papunta sa magiging kwarto ko. Sa wakas, may sarili na rin akong kwarto! Doon kasi sa bahay ampunan, 5 bata sa iisang kwarto. "Medyo maliit pero sapat na siguro to dahil bata ka pa naman. Ako nga pala si Analiza 18 years old ito si Anabelle kambal ko 18 years old rin." Anong sinasabi nila na maliit eh ang laki nito sa akin! Huh, teka lang. Kambal pala sila, ano nga ang tawag sa kambal na hindi naman kapareho ang mukha? Ah, bahala na si Google. "Sabi ni Ma'am Grizelda magsisimula ka na raw bukas." Pinaalam sa akin ni Anabelle. Tumango ako at ngumiti sa kanila, "Salamat ate Anabelle. Ako nga pala si Pelly Roxanna, pero Pating nalang po for short." "Ang baduy naman ng Pating." Hagikhik nilang dalawa sabay tampal ng braso sa akin, Aray ko po. "Pero sige, hello Pating." "Sana magtagal ka rito." At iniwan na nila ako sa aking kwarto. Pating, wala kang oras para magmukmok lang at mamangha sa kwarto kaya automatic na nilabas ko ang aking kagamitan. Bukas, magsisimula na ang first job! "Pating, ito ang breakfast ni young master." Binigay ni ate Analiza ang tray. "Sa ngayon sasamahan kita papunta sa silid ni young master pero sa lunch, ikaw na." Sabi ni ate Anabelle habang nakasakay kami ng elevator. Nakalabas na kami sa elevator at nag small walk. May pinindot si Anabelle at, "Good morning young master, your breakfast is here should we leave it here or will go inside?" Sabi ni Anabelle sa pinto. Nagulat naman ako jg may lumitaw na sentence sa pinto. 'Leave it there' daw "Yes young master and also you have a new servant starting for today." Tumingin si ate Anabelle sa akin at nagsinyas na lumapit daw ako. Pinaharap ako ni ate Anabelle sa pinto at nakita ko ang aking mukha sa maliit na screen. "Smile, Pating."bulong ni ate Anabelle. Sa pagkataranta nag awkward smile ako. "Magsabi ka o e introduce mo sarili mo" dagdag niya. Nanginginig ang aking labi, " Hello this is new servant, I'm your Pating?"nanghina ang aking boses at oumikit ng mariin Nakatampal si ate Anabelle sa kanyang noo. Walang tugon o nag send ng text si young master, fired na ba ako nito? "Haha, joke lang my dudes. Pating at your service, gusto mo bang kantahan kita ng Watch me nae nae while eating para bibo." Naku po, bakit parang mas worse. "Etikom muna lang ang baba mo Pating" sumasagitsit si ate Anabelle sa akin. "Sorna, young master. Sana mapatawad mo po ako sa ginawa kong asal." Kahit hindi sinabi ni ate Anabelle sa akin. Humingi ako ng tawad sa screen. "Good girl naman po ako." 'So noisy, leave.' Patay nag message na siya "Sorry ulit young master, babosh!" Matulin kaming sumakay sa elevator ni ate Anabelle. Hinihingal kami, hindi dahil sa pag takbo pero sa nangyari kanina. "Loko ka, Pating. Muntik na akong atakihin sa puso sayo, pa'no kung madamay ako kung masisanti ka?!" Nagpapaypay si ate Anabelle sa tela ng kanyang gown. "Hindi na talaga kita sasamahan!" "Ate 'wag kang ganyan!" Nandito ulit ako sa pintuan ni young master dala ang kanyang tanghalian. Hindi talaga ako sinamahan ni ate Anabelle. Hindi ko pa rin mapindot itong button pero kita ko sa screen ang mukha ko sa pintuan. Nagpra-practice pa kase ako sa sasabihin ko. Okay, kaya mo'to Pating ikaw pa! Pindot, "Magandang afternoon po young master, time na po para kumain kayo ng inyong tanghalian. Gusto niyo po ba akong kumanta ng Yesterday's once more o gusto niyo po ba akong sumayaw ng watch me nae nae?" 'Leave, could you shut your mouth?' "Hala sorry po young master, pero kumain po kayo please." 'Do you want to die?' "No po gusto ko lang po papakainin ka." Sagot ko. 'No appetite.' ang slow naman mag reply ni young master. Gusto ko na sanang bumaba at kumain. "Ilalagay ko lang po rito ang tray, sana kumain kana, young master." Nilagay ko sa tabi ang tray at naghintay kay young master pero hindi ako nagpakita sa pintuan para hindi niya alam na nandito pa ako. Medyo malayo layo rin naman ako sa pintuan at nang narinig kong bumukas iyon taimtim akong nakatitig sa lumabas. Plano ko kasing e- surprise si young master na nandito pa ako. 1, 2 , 3… "Surprise young master—" nabitin ang aking pag hiyaw ng tinapon ni sir ang tray sa panda ko dahil s pagkagulat. Ito ako ngayon nakapikit, basa ng sabaw at may kanin rin na nakadecorate. Dumilat ako kahit basa ang aking mukha at laking gulat na si young master ay may sinuot na mask! Napatili ako sabay ng pagtalon at naging dahil kung bakit ako nabagsak sa sahig. "Aray ko po.." sinabi ko sa aking sarili. "Y, Young master ayos ka lang po ba?" Nagtanong ako subalik ang tugon lang ni young master ay ang pagsara ng malakas sa pintuan. Hala, patay. Bakit ang dami naman nangyayari sa first day ko. Tumayo ako kahit masakit ang aking balakang. Pindot, "Y, Young master" "Young master sorry talaga akala ko kasi mas mabuting e surprise kita. Sorry po, hindi ko isinisip ng mas malalim ang mga bagay-bagay." Hawak ko pa rin ang aking balakang "Sorry rin po kung narindi ka sa tili ko, na shock po ako sa mask dahil parang si Chucky." 'OUT, LEAVE ME ALONE!' 'You unpolished gem!' Hindi ko gets young second text niya pero feel ko galit pa rin siya sa akin. "Master sorry po talaga, magdadala po ako ng another lunch. Promise po yun lang ang gagawin ko and I'll leave. Kain ka pa rin po kahit angry ka?" 'Leave.' "Anong nangyari sayo, Pating?" Tanong ni ate Analiza sa akin. Ayan tuloy nakita niya ang mgaluha ko, "Na d,dulas po ako. Sorry ate Analiza pinaghirapan mo pa naman 'yon lutuin pero huwag po kayong mag alala ako po ang magluluto sa panibagong lunch ni young master." Utal-utang ko sabay pahid ng sipon sa aking ilong. "Huwag na! Bilisan muna lang maligo at ihatid mo ito kay young master, yan na nga sinasabi ko eh."kahit galit si ate Analiza sa sitwayon hindi niya ako pinagsalita ng mga masasamang words, pinaligo pa. "Young master?" Mabilis akong bumalik sa kanyang kwarto. "N, Nandito na po ang inyong lunch. Pasensya po na delay." Walang tugon na repy si sir o baka mabagal lang mag type? Ewan. 'Thanks. Go.' Lumuwag ang aking paghinga kahit small reply lang. At least meron, diba? To think nagpasalamat sa akin si young master! "Hindi ka na galit?" Nagulat ako sa sariling tanong. Bakit lumabas pa ito sa labi ko. 'Go.' Napangisi akong bumaba gamit ang elevator, hindi na siya galit hihi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook