“Berting…!! Berting…..!Berting…!!!.” Tawag mula sa binata ng isang malagom na boses ang nagbalikwas kay Berting na himbing na himbing sa pagtulog.
“Berting….. ! Berting!.. Bumagon ka na, kung hindi ay hihilahin kita at itutulak sa balon,” sabi ng boses na malagom. Pero lalo lamang naghilik ang lalaking tinatawag. Matapos bumalikwas ay nagpalit lang pala ng puwesto ng tulog.
“Berting, bibilangan kita ng tatlo kapag hindi ka pa bumangon at nangangawit ako dito, humanda ka sa akin, lintek ka,” sabi ng malagom na boses na walang iba kundi si Athena.Sinadya niyang akihan ang boses. Balak sana niyang takutin ang matatakuting kaibigan, pero wa epek dito. Malamang nilasing na naman ito ni Dencio, ang isa pa nilang kababata na mahilig umakyat ng niyog.
Bumilang nga ang dalaga at nakatatlo na, ay naghihilik pa rin ang lalaki. Walang choice si Athena kundi kunin at tinelas at batuhan ito sa mukha. Pinagdasala na lamang nito na hindi masapol ang ina nito at kapatid na katabi nito sa matulog. Ito ang nakapuwesto malapit sa bintana kung saan siya nakadungaw ng konti . Hindi kase niya maiangat ang bintana nang mas mataas dahil nasa loob ang tukod. Doon pa lamang, naalimpungatan ang kaibigan nang masapol iyon ng tsinelas niya sa mukha. RAMBO pa naman ang tsinelas niya kaya mabigat.
“Ano ba...? Ano ba yun? Sino ba yun? Aray ko naman,” reklamong nito na biglang napabalikwas.
“ Masakit yun Tengteng , ha; sumusobra ka na,” sabi ni Berting na makita siyang sa bintana.
“Batukan pa kita gusto mo. Bumangon ka na diyan at kanina pa ako ngawit dito, malamig kaya,” sabi ni Athena.
“Bahala ka diyan, antok pa ako. Aga-aga pa, eh masyado kang early bird; tulog pa ang mga isda,” sabi nito at bumalik sa pagkakahiga.
“Oh my God, Berting ano yun? Ano yun, Diyos ko po, totoo ba ang kuwento ni Aling Esang? Diyos ko, mahabaging langit, tulungan nyo po ang kaibigan ko,” nangiinis na sabi ng dalaga.
Napabalikwas naman ang matatakuting si Berting nang maalala ang kumakalat na kuwento na nakakita ng manananggal si Aling Esang.
“Berting, ano yang nasa bubong nyo, sinulid ba yan ,Berting…Berting, di ba nagmananggal 'yan? Berting Dali. Kumuha ka ng gunting, putulin mo , bilisan mo,” sabi ni Athena na pigil na pigil ang pagtawa.
Nakita niyang nataranta si Berting at agad namang tumayo at parang hilong-talilong na hindi malaman kung saan hahanapin ang gunting. Nang makita ang gunting, saka ito takot na pumuwesto sa gitna ng banig na nanginginig pa ang mga kamay habang hawak ang gunting at inaaninag ang sinulid na sinababi ni Athena gamit ang lampara.
Nang hindi mahanap, tumingin ito kay Athena para sana magtanong kung paano niya nakita ang sinulid, pero makita na niyang tawa-tawa si Athena na ulo lamang ang nakadungaw sa bintana.
“Ay Buwisit ka Teng, yari ka sa akin” Sabi ni Berting saka mabilis na pumanaog at pinagbuksan ng pinto si Athena.
“Hala, sige, tumawa ka, riya, sikmurain ka sana o kaya sakitan ng tiyan,” sabi pa ng lalaki.
“Eh, paano naman kase napakaduwag mo, saka hello? Anong oras na, alas singko na ng madaling-araw, tingin mo may mananaggal pa ’yan, eh hayun at maingay na sa pantalan,” sabi ni Athena.
“Eh sa matatakutin yung tao bakit ba?”
“Diyos ko, bente kuwatro ka na, Berting , hanggang ngayon ba matatakutin ka pa rin?” sabi ng dalaga.
“Saka hoy! Ano ka ba? As if namang may buntis sa inyo para dalawin kayo ng mananaggal. Bakit? Berting ilang buwan na ’yan ha?” pangiinis ni Athena.
“Utot mo, bulate lang yan 24 years na. Oo na, natigil ka na. Oh, ayan ang kape. Alam kong hindi ka na naman nagkape dahil ’yang tatay mo walang silbi,” inis na sabi ni Berting.
“Oh, kape lang ang usapan, bakit nauwi sa tatay ko? Sus, ’wag mong baguhin ang usapan. Duwag ka, ’yun ang usapan dito, oy. Isa kang dambuhalang duwag”sabi ng dalaga.
“Oo na, oo na, duwag na kung duwag. Oo na, kaya tumigil ka na, TengTeng, pigsain,” sabi nito, sabay tawa nang malakas at humigop ng kape.
Ewan ni Athena, malakas siyang manggasar; sa kabila nito, siya ang bully sa kanilang dalawa. Lahat naman kaya sakyan. Pero pag pisa na talaga ang usapan, eh talo na siya, ewan niya, pero bigla siyang napipikon.
“Hoy! Roberto Alcaraz, tumigil ka na; hanggang doon na lang, shut up na. Binaon ko na sa ilaim ng kawayanan ’yun, karanasan na ’yun,” sabi ni Athena.
Isa kase itong karanasang labis talaga siyang nahiya at doon din nabuking ang isa pa niyang sekreto kaya ayaw niya itong pinag-uusapan.
“Aba..Aba, Athena, tantanan mo rin ako para manahimik ang bibig ko. Bilisan mo magkape. Hindi ko malaman sa'yo kung bakit ganyan ka. Kalahating mainit lang, tapos lalagyan mo ng malamig na tubig, eh di malamig na yun. Tapos kung higupin mo, parang kasabay ko lang. Akala mo mainit, eh. Ewan, napakawierd mo minsan. Bakit ka ganyan?”
“ Ewan ko rin, tanong mo sa tatay ko?” pangbubuska ng dalaga.
“Hindi na! Gusto mo umbagan ako noon, di ko pa man natatapos ang tanong. Kaya nga ata Athea ang ipinangalan sa’yo eh gusto ka ata’y maging the next Wonder Woman,” sabi ni Berting.
“Aba, lahat na ng gawaing panlalaki sa iyo na inaasa, eh tapos siya nangunguyakoy lang sa bangka at hinihintay ang biyaya. Lintek talaga. Kung mayaman lang ako,” naiiling na sabi ng binata.
“Kung mayaman ka, ano?” Sabi ni Athena na kinulit ang kaibigan dahil nahinto ito magkuwento at tumitig sa kanya.
“Kung mayaman lang ako, pauutangin kita ng patubuan, ahahah, para mabaon ka ng utang sa akin, para pwede kitang utos-utosan,” sabi ni Berting.
“Ah, ganun, halika nga rito, eto, oh, may isa pa akong kabilang RaMBo, gusto mong mapokpok nito sa ulo,” sabi ni Athena, na hinabol pa ng amba si Berting na umikot-ikot naman sa kahoy na lamesa. Sakto namang nagising na ang ina ni Berting.
“Sabi ko na nga ba at kayo ang maingay diyan kaya ako nagising eh,” sabi ni Aling Maribel.
“Sorry po nay Maribel, ito kaseng si Berting po inaasar na naman ako sa pigsa ko”
Sabi ni Athena na naghahanap ng kakampi. Nakatulis pa ang nguso nito.