Chapter 2

1077 Words
“Hoy, Berting, tigilan mo na ang pangaasar mo kay Athena; dalaga at binata na kayo , ’wag mo nang ipaalala na malaki ang mata ng pisga niya na ako pa ang nagpalabas ng nana,” sabi ni Aling Maribel na nangingiti. “Hala, nagtulungan pa ang mag-ina. Talaga naman,” Sabi in Athena. Tumayo na ito at nanguna sa paglabas. “Salamat po sa kape. Limang taon na ata akong nakikikape sa inyo. Berting, hihintayin na lang kita sa pantalan,” sabi ni Athena na biglang naging matamlay. "Ay, Hindi! Wait… eto na, okay na ako, wala nang ligo-ligo; to mamaya na lang, tanghali. Tara na, tara na , at baka 'yang haba ng mukha mo abutin ng Pasko," sabi ni Berting, saka sumabay na sa kanya maglakad. Ganun ang eksena nila ng kababata araw-araw, masaya. Makulit at maingay. Si Berting lamang ang lalaking pinagkakatiwalaan niya. Sa edad niyang bente-tres ay hindi pa siya nagkaka-relasyon. Isa lang kase ang crush niya, at sekretong malupit pa nabuking lang dahil sa kanyang pigsa. Pagdating sa pantalan ay agad naglilis ng suot na maluwang na pantalon si Athena saka nililis ang suot na polo long sleeve na bulaklaking gray para ihanda ang sarili sa laban. Ganito ang eksena sa pantalan. Nakikipag-bargain sila ni Berting para lamang maging taga-hakot ng isda mula sa banyera at isasalin sa styro box, maraming yelo, at hahakutin sa mga sasakyang ng mga namamakyaw sa pantalan. Kada isang banyera ay may katapat na presyo. At sa loob ng isa o dalawang oras na nakatakdang pag-ahon ng mga panindang isda ay nakakalimang daang piso si Athena, puwera pa ang tip kapag galante ang humango o kaya naman ay ambunan siya ng ilang pirasong isda. Saglit lang ang kaguluhang iyon sa pantalan. Nanhimik ang lugar na iyon kapag tirik na ang araw. Iyon naman ang panahon para gampanan ni Athena ang obligasyon sa pamilya. Tulad nga ng sumbat ni Berting, walang silbi ang kanyang ama, ang kanyang ina ay sakitin, at may tatlo siyang kapatid na nakababata; isa pa lang ang puwedeng asahan sa kanila.Ang sumunod sa kanya na si Aquiles.Eto naman ang utulisan niyang manghuli ng panggatong at magsimot ng durog na uling sa koprahan. Libre kase yun. Sa hapon ay katuwang niya si Aquiles sa pagiging bankera.Dapat sana ay tandem din sila dito ni Berting, ang kaso kinuha naman na bankero si Berting ng mga Salazar sa kabilang pantalan, kaya magkahiwalay sila ni Berting ng raket kapag hapon. Isang araw, matapos mananghali, ay nagmuni-muni si Athena sa kanilang barong-barong; ay ginambala siya ng pagtawag ni Mang Isong. Sakang na naglalakad ito palapit sa bahay nila, magagambala ka talaga dahil nasa b****a pa lang ito ng bakuran ay nagdadakdak na habang ngungunuya ng nganga ang bibig. "Nganga" ang tawag sa lokal na tabaco na hindi nakabalot sa tuyong dahon. Sariwa ito na kailangang nguyain para kumatas. "Mang Isong nadalaw ho kayo,wala rito ang tatay ko.Nameyesta sa kabilang pangpang" Sabi ni Athena. "Eh hindi naman ang ama mo ang sadya ko. Eh ikaw talaga sana. Parene ka at mag-usap tayo," sabi ng matanda. Pumanaog naman si Athena at niyaya ang matandang maubo sa balkonahe. "Ano po bang sadya ninyo, Mang Isong?" tanong ni Athena, nang-iisip kung ano kaya ang kailangan ng matanda. "Eh kase dumating ang anak ng amo ko dati.Kailangan niya ng service para makapunta sa kabilang pangpang at makabalik naman sa kabila," sabi nito. "Ho? Teka naguguluhan ho ako" Sabi ni Athena. "Kailangan niya ng service na bangka payaot parito.At ikaw ang nerecomenda ko dahil hindi ko na kayang magsagwan," ang matanda na ang sumagot. "Aaaah, yun lang pala eh sige ho kailan ba siya tutungo sa ibayo?"tanong ng dalaga. "EH, dumating na siya at kapag pumayag ka, papupuntahin ko ja sa pangpang," sabi ng matanda. "Ah Athena, kailangan mo rin siyang hintayin na umuwi ha." Bilin ni Mang Isong. "Ah, no problem, po. Hindi ko pa nararanasan 'yan dahil madalas na hatid lang ang gawain ko. May mga nakaantabay naman kasi bangkero doon, pero kung magpapaantay po siya, eh di hihintayin ko," sabi ni Athena. "Double po ang presyo ha dahil bukod sa abala, eh ihahatid ko pa siya pauwi ," dagdag pa ng dalaga. "Naku, walang problema, galante ang anak na iyon ng amo ko. Oh, siya, gumayak ka na, at pasasabihan ko siyang pumayag ka na," sabi ng matanda at pasakang na uling lumakad palabas ng bakuran nila Athena. Nagsuot lamang ng lumang pimutol na maong shorts ang dalaga. Kalahati ito sa kanyang legs, kaya kahit paano ay kita ang magandang hubog ng kanyang hita, bukod pa sa mabalihibo ang dalaga. Kung tuksuhin nga siya noon ay balbon.Pinaghili daw kase siya sa balot ng kanyang ina at sa makopa. Kaya naman, kahit probinsya na, ay likas na mamula-mula si Athena. Noon nga ay madalas na natutukso ang kanyang ama dahil napagkakamalan siyang ampon o hindi ang anak ng ama. Minsan naisip niya, baka ’yon marahil ang dahilan, marahil napipigilan ang ama at hindi lang pinahahalata, pero siya ang binabawian. Nagdalaga kase siyang hindi malapit sa ama, at sa totoo lang, lumaki siyang kung paano itinuring ng ama ay parang lalaki. Pero sa turing lang naman at sa mga gawain. Hindi naman niya masisisi dahil siya nga naman ang panganay at maliit pa si Carlo noon. Nakapagtataka lang na iuutos sa kanya ng ama ang pag-iigib sa balon samantalang nagkukuyakoy lang naman ito sa balkonahe habang nagpapagas ng mais na inihaw. Tenernuhan ni Athena ng puting T-shirt na medyo loose lang para komportable ang dalaga. Hindi na siya nagabalang magayos dahil magsasagwan lang naman siya ng walang humpay. Itinali nang paitaas ang buhok na parang inaburido. Isinuot ang kanyang pangmalakasang Ramboo na tsinelas at saka kinuha ang kanyang magic sagwan. Pasada ang kanyang sagwan. Maikli ito, pero malapad ang tipada. Pinasadya ito ni Berting para raw hindi siya masyadong mangawit. Lumakad na patungo sa pangpang si Athena kung saan nakadaong ang kanyang bangka. Iilan lamang silang may sariling bangka sa lugar na iyong ang iba ay sa Lansa sumasakay. Yun nga lamang, hindi ka hihintayin ng Lansa at may oras lamang ang dating at alis nito para rin sa barko. Kaya karamihan sa dayo ay umuupa ng bangka para ihahatid sila sa kabing Isla o kung saang bahagi ng Isla niya ang gustong mapunta. Karamihan ay mga foreigner na nais galugarin ang kanilang probinsya. Mura lamang ang serbisyo, kaya naman kumakayod pa si Athena ng iba pang raket para matustusan lang ang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD