11 | FEEBLE

1045 Words
"I'd love to make an offer," ani Harper. Sinadya niya sa opisina si Moses ng araw na iyon. Napagdesisyonan ng dalaga na oras na para kumilos siya para mapalapit nang tuluyan sa asawa ng kaibigan. Walang mangyayari kung sa bahay lang siya ng mga ito didiskarte. Kailangan ay mapasok niya rin ang opisina ng mag-asawa. Nang sa gayon ay makasama niya rin si Moses kahit sa oras ng trabaho. Nag-angat ng mukha si Moses at sinulyapan ang dalaga. "What offer? Let me hear it," tanong nito. "Well, I've heard you're in need for a new employer, was it true?" tanong niya. "Yes, I am, may isa pa kasi kaming bubuksang branch sa Pasig. Ililipat ko roon ang isa sa empleyado ko na mapagkakatiwalaan. Why? Don't tell me maga-apply ka?" pormal na tanong ni Moses. "Yes, why not? I think I'm great with dealing people. Please hire me. I'm also a hard-working person, just like you!" "Why would I? Tell me more about yourself." supladong sambit nito. "I won't hire someone because you're my wife's friend. You should know the works para pumayag akong tanggapin ka sa trabaho. Do you think you're fit with the job?" ani Moses sa pormal na tinig. Lalo tuloy na humanga si Harper sa taglay na kakisigan nito. Ang angas ng datingan ni Moses. Nakakabilib. Ngayon niya napagtanto kung bakit ito nagustuhan ni Isla. He's not just a pretty face with abs. He's also a great businessman. "Yes. I believe with my ability and I know that once tanggapin mo ako ay hindi ka magsisisi. I can be your asset, Moses." Confident niyang sagot. Imbes na ngiti ay kumunot lang ang noo ni Moses sa sinabi ng dalaga. Hindi ba siya nito narinig? "That's all?" "H-ha?" gulat na sagot niya. Hindi ba naimpress si Moses sa sagot niya? Wala ba itong bilib sa kanya? She's also smart just like Isla! She can also do wonders! Hindi lang ang asawa nito ang may laman ang utak! Siya rin! "Is this how you apply for a job? You just bragged in without even handing your CV? Do you expect somebody to hire you just because you said you're great?" ani Moses. Napakagat labi ang dalaga. Hindi niya iyon naisip. Akala niya ay sapat na ang kausapin ito. Hindi niya sukat akalain na napaka pormal at propesyonal ni Moses pagdating sa trabaho. Nakaramdam tuloy siya ng pagkapahiya sa sarili. Ilang ulit siyang napalunok ng laway dahil sa kahihiyan. "I-im sorry!" ani Harper. "Please don't get me wrong, you came here to apply for the job. You should have at least prepared your CV. We're all grown ass adults and when speaking for a job, let's act professional." Kastigo ni Moses. Nakurot ni Harper ang sarili. Pakiramdam niya ay isang bahagi ng pagkataoo ni Moses ang nasaksihan niya. Bakit parang ang tyrant nito? Samantalang kapag kaharap si Isla ay mukha itong maamong tupa. "Okay, alis muna ako para ihanda ang hinahanap mo. I'll be right back," aniya. Mabilis siyang tumalikod at lumabas ng opisina ni Moses. Nabunggo niya pa si Mon na papasok rin sana sa opisina nito. "Ouch, ano ba! Wala ka bang mata?" angil niya. "Excuse me, miss! Ikaw ang nangbunggo! I was expecting to hear sorry from you!" ani Mon. "That's not going to happen!" nakaingos na sambit nito. Inirapan pa nito ang binata bago tuluyang lumabas ng establishment. Asar-talong pumasok ang binata sa opisina ng kaibigan. "Ano'ng nangyari do'n?" tanong ni Mon pagkapasok ng opisina ng kaibigan. "Don't mind her, wala sigurong magawa na naman kaya ako na naman ang napagtripan," kibit-balikat na sagot niya. "Well, she doesn't look like nangti-trip lang." Ani Mon. "She's on another level, pare." "Paano mo nasabi 'yan? Obvious naman na nangti-trip lang 'yung tao." "She got all her time wasting only for you. I think, she likes you!" tahasang wika ng binata. He chuckled. "That's not nice, Mon! Kahit sa biro ay huwag mong sasabihin 'yan, baka may makarinig sa'yo at makarating pa sa asawa ko. Baka kung ano pa isipin ni Isla. Alam mo namang kakapanganak lang no'n at ayaw kong mastress ang misis ko," saway niya. "Pare, nagkaroon ka lang ng asawa pero lalaki ka pa rin. Obvious naman na nagpapansin sa'yo 'yang kaibigan ni Isla. Hindi 'yan magpapabalik-balik dito behind Isla's back kung walang malalim na dahilan." Ani Mon. "Isa pa, naniniwala ka ba na kailangan niyan ng trabaho? She's rich, right? Sa tingin mo kakailanganin niya pang magtrabaho to make ends meet? I don't think so." Dagdag pa ng kaibigan. Dahil sa sinabi ni Mon ay bahagyang napaisip si Moses. May punto ang kausap. Napapansin niya rin ang panakaw na titig sa kanya ni Harper kapag nasa bahay niya ngunit nagpasya siyang huwag na lang iyon na pansinin. Hindi rin naman niya iyon sinasabi kay Isla dahil ayaw niyang magkaproblema pa sila. Isa pa, baka pagtawanan lang siya ng asawa at isipin nito na exaggerated lamang siya. "Well, kung tama man ang sinasabi mo ngayon pa lang ay sinasabi ko nang wala siyang mapapala sa'kin. I am happy with my wife. I love her. And I don't need anyone to ruin the beautiful picture that I have right now." Aniya sa kaibigan. "May Summer na ako na dapat ingatan, kaya no chance." Dagdag niya. "Payong kaibigan lang pare, huwag mo nang ihire si Harper. We're okay here. You can hire someone who's competent and knows how to run this kind of business. Sa hilatsa ng babaeng iyon ay hindi makakatagal sa garahe ng walang aircon. Hindi siya kagaya ni Isla na masyadong cowboy na kahit saan mo dalhin ay hindi aangal." "I agree with that, that's why I put a ring on her finger right off the bat! Mahirap pakawalan ang kagaya ng asawa ko, she's one of a kind," sang-ayon niya sabay kindat sa kaibigan. "Indeed! she's your lucky charm. A rare gem. Don't pick some feeble around the corner." Ani pa ni Mon bago siya nito iniwanan sa opisina. Napapailing naman si Moses nang mapag-isa. Hindi niya maintindihan kung ano ang sadya sa kanya ni Harper sa pag-aaligid nito sa kanya. At kung tama man ang hinala ni Mon rito. Siguro ay kailangan nilang mag-usap ni Harper. He needs to set things straight before things get out of hand.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD