Kapansin-pansin ang malaking pagbabago mula kay Harper magmula nang kausapin ito ni Isla. Hindi lang ito nagsusuot ng pormal, bagkus ay ginaya na rin nito maging ang pananamit niya na madalas ay naka bestida lamang o kung hindi naman ay naka maluwang na tshirt para palaging ready kay Summer kapag gusto nitong mag latch. Hindi iyon nakaligtas sa matalas na pang-amoy at paningin ni Manang Ester. Hindi ito nakatiis upang sabihan siya sa ginagawa ng kanyang kaibigan.
"Ano ba mayroon sa kaibigan mong 'yan, Isla? Parang nang-aasar na lang," anang matanda.
"Bakit po? Ano na naman ang nangyari?" patay-malisya niyang tugon.
"Aba hindi mo ba napapansin? Ginagaya ka niya kung paanong manamit!"
"Eh 'di problem solved na po tayo, hindi na siya nakahubo at nagdadamit na siya ng maayos."
"Hindi iyon ang nakikita ko, Isla. Aminin mo nga sa'kin, may inggit ba sa'yo 'yang kaibigan mo?"
Napatigil siya sa pagputol nang tangkay ng mga rosas na bigay sa kanya ng asawa. Balak niya iyong ilagay sa flower vase at idisplay sa living room. Wala si Moses ng araw na iyon dahil may kliyente itong pinuntahan. Pero ayon sa asawa ay malapit na raw itong umuwi kaya nagpasya siyang gawin muna ang pag-aayos ng mga bulaklak habang hinihintay ito. Tumingin siya sa matanda na tila nagtatanong kung bakit nasabi nito ang bagay na iyon.
"Parang ginagaya ka niya, kanina nahuli ko siyang nakatingin sa'yo. Hindi ba parang ang diyahe naman ng ganoon? Nakikitira ka sa bahay ng kaibigan mo tapos ginagaya ka niya manamit. Paano kung mapagkamalan siya ni Moses na ikaw siya? Malaking problema iyon!" anang matanda.
"Moses knows my scent, hindi 'yan mangyayari Manang..." sagot niya.
"Ewan ko ba, pero parang iba talaga ang dating sa'kin ng kaibigan mong 'yan. Sa wari ko ay may tililing at may malaking inggit sa katawan! Aba'y gayang-gaya ang ayos mo eh!" bulalas nito.
"Manang, huwag po kayong paranoid, okay? Ang mahalaga hindi na siya nagsusuot ng masyadong revealing na damit. Iyon naman talaga ang importante sa lahat."
"Hay naku, basta, iba ang pakiramdam ko sa babaneg 'yan, mag-iingat ka. Pinakamahirap na kalaban ang taong may lihim na inggit sa katawan. Baka hindi mo namamalayan may ginagawa na 'yang milagro kapag nakatalikod ka." Anang matanda.
Nginitian niya lang ang matanda at hindi na lang siya kumibo para hindi na humaba pa ang usapan. She's okay with Harper wearing those clothes, ang mahalaga ay komportable rin ito sa mga ganoong kasuotan. Hindi nga niya akalain na magsusuot nga ito ng mga ganoong damit, but it's a relief na walang violent reaction mula rito nang punain niya ang pananamit nito. To be honest, she's happy with Harper staying with her. Pakiramdam niya ay bumabalik sila noong mga panahong mga teenager pa sila. Kung tutuusin hindi na siya nagulat sa ginawa ng kaibigan dahil minsan na rin nitong ginaya ang pananamit niya noong senior high school pa sila.
"Ouch!" aniya. Hindi niya namalayan ang nakausling tinik ng rosas at natusok siya. Mabilis na pumuslit ang dugo sa sugatan niyang daliri. Kinailangan niyang bumalik sa kwarto para linisan ang sugat at lagyan ito ng band-aid. Babalik na sana siya sa salas ngunit nagising naman si Summer, kaya kinarga niya muna ito upang pabalikin sa pagtulog.
***
"Hello there, my sweet! What are you doing?" malambing na sambit ni Moses. Kadarating lang niya mula sa pakikipag-meeting sa isang kliyente at medyo tipsy rin siya. Iyon ang isang bagay na ayaw niya sana. Ang uminom. But for the sake of closing a deal, ginagawa niya na ang tumagay. Inihagis niya mula sa sofa ang dalang bag at inilang hakbang lang ang pagitan nila ng asawa.
Nakatalikod ito at abala sa pagsalansan ng mga bulaklak sa vase. Masuyo niya itong kinabig sa bandang bewang at ibinaon ang pagod na ulo sa balikat nito.
"Hmm, nagpalit ka ba ng pabango?" aniya. Iba ang amoy ng kanyang asawa. Sanay na siyang naaamoy ito na amoy lugad ni Summer o 'di naman kaya ay amoy fresh cologne lang na mumurahin lalo na kapag nasa bahay lang.
"Can you please take off your hands around my waist? I'm not Isla. I'm Harper." Anang tinig.
Tila napaso na mabilis pa sa alas kwatrong binitawan niya ito. "Oh God, I'm sorry! I thought you're my wife!" hingi niya ng paumanhin. Sinuyod niya ng tingin ang dalaga. Why does she have to dressed like his wife?!
"No worries, walang problema sa'kin." Nakangiting baling nito sa kanya. Her eyes is a red flag for him. Hindi niya gusto ang kislap ng mga mata nito nang magtama sila ng paningin.
"I'm really sorry! I hope-"
"Don't worry, I won't tell Isla." Putol nito sa sasabihin niya pa sana.
"No, hindi 'yan ang ibig kong sabihin. I won't mind telling her. It's not a secret thing to keep." Tahasan niyang sabi.
Hindi ito tumugon bagkus ay tumingin ito sa taas ng hagdan. Naroon na si Isla at excited na bumaba ng hagdan. "Moses, dumating ka na pala! How's the meeting with Mr. Moran?" excited na tanong ng kabiyak.
"Okay naman, we close our deal before we part." Sagot niya.
"Wow! That's great! You're amazing, dear husband! As expected, ang galing mo talaga!" ani Isla. Pagkababa pa lang nito sa huling baytang ng hagdan ay kaagad na itong sinalubong ng kabiyak at niyakap.
Harper is full of envy when the couple did a happy dance together. What an eyesore!
Waring napansin naman kaagad ni Isla ang presensiya niya kaya humarap ito sa kanya. "Look at you, you look so pretty, bestie!" puri pa nito.
"Just like the old times?" ani Harper sabay ikot.
"Yeah, just like the old times. But the thing is, you look more dashing this time." Puri pa nito.
Harper couldn't help but glance at Moses. Pero nananatiling nakatutok ang mga mata nito sa asawa. He is avoiding her once again. Parang kanina lang ay hindi nito iginapos ang mga bisig sa beywang niya. Parang kailan lang ay hindi niya naramdaman ang init nito at ang nakabukol na bagay sa pagitan ng mga hita nito. Habang tumatagal ay lalo siyang nagnanasa na mapasakanya si Moses. And what Harper wants---Harper gets. By hook or by crook!
'Okay Moses, avoid me as long as you can. Darating ang araw na magiging akin ka rin. Pahirapan mo ako ng todo, okay lang sa'kin. Isa lang ang sisiguraduhin ko, sa oras na magkamali ka, hinding-hindi ka na makakatakas pa sa'kin.'