Nakailang katok na yata siya sa kwarto ni Harper ngunit hindi ito nagbubukas ng pinto. Ang sabi ni Manang Ester ay nasa bahay naman raw ito at hindi umaalis. Libre siya ng oras na iyon kaya nagpasya siyang puntahan ang kaibigan upang kausapin tungkol sa pananamit nito.
"Harper, are you alright? Can I come in, please? We need to talk..." aniya. Muli niyang kinatok ang kaibigan ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Ang tanging naririnig niya lang na tunog mula sa kwarto nito ay ang naka-on na instrumental music nito. "Harper?" muling tawag niya.
Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Paano kung may nangyari na pala rito? She needs to know if she's okay! Without a doubt, pinihit niya ang seradura ng pinto ng kaibigan. Tamang-tama dahil hindi iyon nakalock. Ngunit ang ginawa niyang iyon ay nagbigay sa kanya ng matinding kahihiyan at pagkapahiya sa sarili.
Harper was okay. But she was naked. On her bed. With a toy on her private area. She gasped for some air and slowly bit her lower lip. 'What a shameless act, Isla! Hindi ka na dapat pang pumasok sa kwarto niya! This isn't right!' kastigo niya sa sarili.
Kung gaano siya nahihiya sa kaibigan ay para namang wala lang na hinugot ni Harper ang bagay na iyon at nagsuot ng roba nito.
"I'm sorry about that, I was bored. Please don't get mad about it." Anito. Kinuha ni Harper ang isang paketeng sigarilyo at binuksan iyon. Iniabot nito ang lighter at nagtungo sa may veranda at doon na sinindihan ang yosi nito.
"I'm sorry! Hindi ko sinasadya. I was knocking your door ay hindi ka sumasagot, I got worried kaya nag decide akong pumasok. Hindi ko dapat ginawa iyon. I apologize, so sorry!" Hinging-paumanhin niya sa kaibigan nang lapitan ito.
"No worries, this is your house. You can pretty much do everything you like. I'm just a guest--- a wild one!" ani Harper kasabay ng maliit na pagtawa.
"Mali pa rin 'yung ginawa ko, pangako walang ibang makakaalam nito." Aniya sabay angat ng kanang kamay. Mas lalong natawa si Harper.
"We're not kids, anymore, Isla. We're all grown up. And about what you saw, it's nothing. Okay? It's just me pleasuring myself because I couldn't find a guy who could do it for me instead." Wika nito. "I had a lot of toys back in the U.S" dagdag kwento nito.
Napamaang na lang siya sa narinig. Hindi siya sanay sa ganoong usapan. Hindi siya komportable. May asawa siyang tao but Moses didn't introduce this thing to her.
"Anyway, bakit ka nga pala nagpunta rito? Problems? Are you going to send me off?" pagbabago nito ng usapan.
"Hmm, I just want to talk about something-"
"About how I dressed?" putol nito sa sasabihin niya.
Nanlaki ang mga mata niya at napatingin rito. "Y-yeah..." nahihiyang amin niya.
"I heard your maid a while ago. And I think she's right. Don't worry, I'll do better next time. Hindi pa kasi ako nakakapamili. Ganitong mga damit ang dala ko." Anito.
Nakahinga siya ng maluwag dahil kahit papaano ay hindi ito nagalit sa kanya. "Pasensiya ka na kung pati sa bagay na iyon ay napupuna ni Manang Ester, hindi kasi siya sanay. Saka pinag-iingat ka na lang din niya dahil bukod kay Moses ay may isa pa tayong kasamang lalaki. Alam mo na, babae ka pa rin at sexy. Hindi natin masabi ang panahon."
"Relax, Isla! Hindi ako nao-offend. Tama naman si Manang Ester. I should act as a decent human being, lalo na at wala ako sa sarili kong pamamahay. I admit, naging insensitive and careless ako. Hayaan mo at babaguhin ko na ang pananamit ko from now on." Ani Harper nang nakangiti.
Nabuhayan siya ng loob. Hindi naman pala siya mahihirapang kausapin ang kaibigan. "Thank you, Harper!" aniya.
Tumango ito at ibinaling ang paningin sa mga puno at ibon na nag-aawitan. Hindi na rin siya nakapagsalita dahil wala siyang maapuhap na salita para rito.
Nagdaan ang ilang minutong katahimikan. "Is that all you need to say? " anito.
"Y-yes! Maiwan na kita, baka gising na rin si Summer." Aniya. Pakiramdam niya ay may namumuong tensiyon sa pagitan nila ng kaibigan dahil sa ilang minutong pananahimik nito.
"Kindly lock the door for me, please?"
"Sure thing!" aniya. Mabilis niyang ini-lock ang pintuan ng kwarto ni Harper at halos liparin niya ang hagdan pababa. Hindi siya sanay sa ganoong eksena. Paano nagagawa ni Harper ang bagay na iyon? May sakit ba ito?
***
Pagkalabas pa lang ni Isla ay parang magic na napalis ang ngiti na nakaguhit sa labi ni Harper. Hindi niya sukat akalain na papasok na lang bigla si Isla sa kwarto niya. Ni hindi niya ito narinig na kumatok dahil abalang-abala siya sa pagpapaligaya sa sarili.
"Damn!" inis na sambit ni Harper. Bumalik ito sa kama at pinakatitigan ang laruan. Wala na siyang gana pa na ipagpatuloy ang ginagawa. Kung bakit ba naman kasi bigla-bigla nalang papasok sa eksena itong si Isla.
Natigilan siya nang makarinig ng ugong ng sasakyan. Patingkayad siyang lumapit sa may bintana at sinilip kung sino iyon. Si Moses. May dala pa itong maliit na boquet ng rosas habang si Isla naman ay parang batang sumalubong dito. Bahagya pa siyang napaismid nang makita niyang naglapat ang mga labi nito.
Kailan ba siya nakatikim ng bulaklak? Two to three years ago? Sa sobrang tagal hindi na niya matandaan. Ini-spoil siya ni Damian sa lahat ng bagay, maliban sa bulaklak. He's not sweet at all. Ang alam lang no'n ay paliguan siya ng pera at pagkatapos ay pagsasawaan ang katawan niya. Sa totoo lang, hindi magaling sa kama si Damian, palibhasa matanda na kaya hindi na rin ito ganoon kaaktibo. Unlike Moses. Sa tingin niya ay may ibubuga ito.
Mula sa kinatatayuan ay pinagmasdan niya ang katawan ni Moses. His body is something she wants to devour with gusto if she will have the chance. She's wondering kung paano naakit si Moses' kay Isla, she's plain and boring. She's hot and sexy. Malaki ang pagkakaiba nila pero bakit parang ang ilap ng lalaki sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi man lang ito maakit sa katawan niya. Ni hindi niya ito mahuling nakatingin sa kanya kapag kaharap niya ito. She's jealous with the thought that Moses has already set his eyes only to Isla. At sa bawat pagdaan ng araw na hindi man lang siya nito tapunan ng tingin ay mas lalong lumalakas ang atraksiyon na nararamdaman niya para rito.
Napakagat-labi siya nang mamataan niya ang malalaking kamay ni Moses na pagigil na dinakma ang puwetan ng asawa nito. Kung siya iyon, sisiguraduhin niyang hindi lang sa dakmaan hahantong ang mainit na tagpong iyon. Wala siyang pakialam kung maliwanag pa. It would be fun making love in the garage with all the birds chirping around.