"Kumusta si Harper sa trabaho?" tanong ni Isla sa asawa. Kasalukuyan silang nagpapahinga na sa kama ng gabing iyon. Tulog na rin si Summer sa crib nito kaya may oras silang mag-asawa na magkwentuhan. Sinamantala niya iyon upang tanungin ang asawa sa performance ng kaibigan. "I can say, she's trying but not to the extent na masasabi kong isa siyang asset ng kumpanya. Hindi siya gano'n ka competent sa trabaho maybe because hindi siya sanay. I am giving her a month. Kailangan niyang ipakita sa akin na worth it siya sa posisyon na ipinagkatiwala mo sa kanya." Ani Moses. Seryoso ito sa pagba-browse ng mga email nito gamit ang laptop. "I see, just give her time and I know she's worth it. Just give a little of your trust on her, baka naninibago lang 'yung tao. I am sure in no time, magiging the

