Sa isang maliit na apartment unit lumipat si Harper kung saan malapit lamang sa opisina ng IMS. Mas maiigi iyon na malapit siya sa trabaho para hindi siya mahirapan sa pagpasok. Dala niya pa rin ang takot kay Mon pero kailangan niya iyong paglabanan kung si Moses naman ang premyo niya sa dulo. Matagumpay niyang naalis sa buhay niya si Bruno. Kaya ngayon ay si Mon naman ang aalisin niya. Hindi niya kailangan ng sagabal sa mga plano niya. She will do everything in her power to make sure na mawawala ang lalaki sa IMS. Kahit pa sabihing anak ito ni Damian. Mas makakakilos siya nang mabilis kung wala si Mon na aali-aligid sa kanya at parang matanglawin na palaging nakabantay sa kanya. Napapitlag ang dalaga at sa natigil sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone niya. She rolled her eyes

