"Ano'ng nangyari sa inyong dalawa? Is everything okay? What happened to you, Harper?" tanong ni Isla nang makita ang dalawa na tila tensiyonada. Bahagya pang nalilis ang suot ni Harper sa bandang hita nito kaya banaag nila ang maputi at makinids nitong binti. "Yeah, we're fine! Masyado lang clumsy ang friend mo at nadapa. Tinulungan ko pa siya na makabangon, right, Harper?" ani Mon sabay baling sa kanya. Nagbabadya ng pagbabanta ang nakangiting mga mata ni Mon. "Y-yes, tama siya. Clumsy nga naman talaga ako, muntik pa akong masubsob sa sahig. Buti na lang naagapan ako ni Mon." Sagot ni Harper. Ngumiti pa ito ng pilit sa kaibigan. "Jesus Christ, Harper! Sa susunod mind your steps, mag-iingat ka naman... Are you hurt?" alalang tanong ni Isla sabay lapit sa kaibigan. Bahagya pa niyang hin

