Winisikan ni Harper ng pabango ang kanyang pulsuhan pagkatapos niyang isuot ang formal dress. Nagtext kasi sa kanya si Isla na pumunta raw siya sa opisina dahil tanggap na raw siya sa trabaho. At siyempre hindi niya mapapalampas ang opportunity na 'yun! Para ngang nawala ang hang-over niya pagkabasa pa lang ng text ng kaibigan.
"Wait for me, Moses! I'm coming to get you!" nakangising wika niya habang nakatitig sa may salamin. Kinindatan niya pa ang sarili bago lumabas ng silid.
Habang nasa biyahe siya ay panay takbo rin ang imahinasyon niya. Hindi niya mapigilang kiligin kapag naiisip niya na mas mapapalapit na siya kay Moses. Alam niyang darating ang araw na magtatagumpay siya sa mga plano niya.
"Dito na po tayo, miss!" untag sa kanya ng driver. Napapitlag siya nang marinig ang boses ng matanda. Sa sobrang lalim ng iniisip niya ay hindi na niya namalayan na nakarating na pala siya sa IMS nang ganoon kadali.
"Thank you, keep the change!" aniya sabay abot ng buong limang daan sa driver. Masaya siya at ganado ng araw na iyon kaya galante siya. Pakiramdam niya ay walang sinuman ang makakapagpabago ng mood niya today.
"Hi, nasa loob ba si Moses?" bati niya kay Mon. Ito ang nabungaran niya pagkapasok niya pa lang ng building. Hindi nakaligtas sa kanya ang bahagyang pagtikwas ng kaliwang kilay nito. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay muling tumingin sa kanya.
"Excuse me?" ani Mon. Bakas sa mukha nito ang pagkadisgusto sa pagmumukha biya but who cares?! Hindi ang lalaking ito ang sadya niya.
"Pinapunta ako rito ni Isla, my friend, kilala mo siya 'di ba?" pang-aasar niya. "Nandiyan ba si Moses?" dagdag ng tanong niya.
"He's with his wife, and as a guest, maghintay ka sa waiting area. Hindi mo kailangang istorbohin ang dalawa ngayon," anito.
"I was asked to come here, teka nga muna bakit mo ba ako pinipigilan? Empleyado ka lang din naman dito ah!" asik niya.
"Correction, employee s***h share holder and business partner. I am warning you, Harper. I am not someone you can bully. You better watch your tail, I might cut it off anytime."
Kaagad na nagpanting ang tainga niya. Ano ba ang problema ng mokong na ito at ang init ng ulo sa kanya.
"May problema ka ba sa'kin?" direktahang tanong niya habang nakapameywang. Hindi rin siya papatalo rito kahit na ano pa ang mangyari. Ano ba ang motibo nito sa pagtataray sa kanya? Bakla ba ito na insecure sa beauty niya?
"Sa ngayon wala pa but I can sense na may problema kang dala. Isa kang delubyo kumbaga. I can smell you kahit nasa malayo ka pa. You are rotten flesh inside!" akusa nito.
Mabilis na umigkas ang kanang palad niya. "What did you just say?! How dare you insult me like that!" may diing anas niya.
Sinapo ng binata ang kanang pisngi nito at taas noong humarap sa kanya. "You are barking at the wrong tree, lady. You don't know who are you messing with!" matigas na sambit nito.
She smirked. "Of course I know you. How about you, kilala mo ba ako? You're someone who felt so entitled with everything kahit wala ka naman dapat na pakialam. Stay away from me kung ayaw mong magkaproblema tayong dalawa. I repeat, don't get in my way para hindi tayo magsabong. Hindi rin ako marunong magpatalo and you should know that!" babala niya.
Sa pagtataka niya ay humalakhak lang ito na parang baliw sa kanya. "I know who you are Harper, you can't hide anything from me. I know what you did in America. I know who are you with right now, and I know that old man na kinakwartahan mo kasi feelingera kang mayaman pero ang totoo ay isa ka lang na dukha na umaasa sa bigay ng matandang gurang na mas pinili ang isang pekeng kagaya mo over his own wife!" singhal nito.
Hindi siya nakakibo nang marinig ang tinuran ng binata. Sino ito? Bakit nito alam ang ginagawa niya sa ibang bansa at bakit nito kilala si Damian?
"W-what?" kandautal niyang tugon.
"Yes lady, you heard me right! I know everything. If I were you, babawasan ko ang kayabangan ko lalo na kung isa lang naman akong pesteng parasite na umaasa sa iba. Don't you feel ashamed of what you are doing? Konsensya mayroon ba o wala na rin?" pabulong na sambit nito.
"I don't know what you're talking about!" nanginginig ang boses na tanggi niya.
"Don't play dumb, ang yabang mo nga kanina. Tapos ngayon mag iinarte ka ng ganyan, bakit, hindi mo ba inaasahan na may nakakaalam ng mga gawain mong nakakasuka? Gulat ka 'noh?" ngisi ng binata.
Harper was too stunned to speak. Who is this guy?
Hindi pa man siya nakakapagsalita ngunit kaagad ring sinundan ng binata ang sasabihin nito.
"Kung tinatarget mo na naman si Moses ay mag isip ka na because I won't let you ruin a perfect family because you can't have on your own. I am warning you!" gigil nitong wika. "Stop dreaming of surpassing Isla's beauty and all dahil wala ka sa kalingkingan niya. You're nothing but a fake beauty and a parasite who can't live without smooching somebody else's fortune!"
Hindi siya nakahuma sa mga narinig. Hindi niya inaasahan ang mga bagay na sinabi nito sa kanya. Tinitigan niya ang binata at pilit na inaaninag kung kilala niya ba ito pero wala siyang maalala na nakadaupang palad na niya ito. She's totally clueless of who he is!
In her faint memory, naalala niya na may naiwang pamilya si Damian sa Pilipinas habang nasa America ito. Ang alam niya rin may isa itong anak. Hindi kaya si Mon iyon kaya ganoon na lang ito kagalit sa kanya at kaya rin may alam ito sa background niya? Kung ito nga ay napakamalas niya naman!
Kapwa sila natigilan nang marinig nila ang mga yabag mula sa opisina ni Moses. Maliksi siyang naitayo ni Mon at inayos ang damit niya. Pagkatapos ay tila wala lang na humarap ito sa mag-asawa.
"There you are lovebirds!" nakangiting bati ni Mon sa dalawa.