19 | A LITTLE MESSY

1019 Words
"Ouch!" daing ni Harper nang magising kinabukasan. Sapo niya ang ulo sabay bangon mula sa pagkakahiga. Pagdilat ng mga mata niya ay napansin niyang nasa sariling kwarto na siya. Bahagya siyang napangiti, ibig sabihin ay nakauwi na naman siya ng ligtas dahil inihatid na naman siya ni Levy. Blessing in disguise talaga na nakilala niya ito nang minsan siyang malasing ng bongga sa bar na pinagtatrabahuan nito. Levy can be her confidante at this rate. Maaasahan talaga ito lalo na kapag wala na siyang lakas pa para iuwi ang sarili. "Gising ka na pala..." ani Bruno. Presko ito at bagong ligo. Nakasuot na rin ito ng pang-alis. Mukhang handa na itong pumasok sa shop nito. Kung gaano kapresko ang amoy nito ay siya namang dilim ng mukha nito. "Yeah, kagigising lang. Thank you sa pag-aalaga sa'kin," nakangiti niyang sabi. "You're welcome... Kung hindi ko 'yun ginawa, nangangamoy ka na sana ngayon maging ang buong bahay." Seryosong wika ng binata. "I'm sorry about that, I lose control with myself last night." Hinging-paumanhin niya. "You don't have to say sorry if you're going to repeat it again, anyway. Sorry is for someone who knows their mistake and ready to change their old ways to become a better person. This is not the first time na inihatid ka ni Levy when you're totally wasted..." anang binata. Nangunot ang noo niya. What's with him? He seems cold and stiff. Nagalit na ba ito sa pagpaparty niya gabi-gabi? "Okay, I know my mistake... Forgive me this once, please?" aniya. Ginagap niya ang palad ng binata ngunit pasimple iyong tinanggal ni Bruno. "I already prepared your breakfast, if you felt hungry, just dig in. Help yourself." Malamig na turan nito. Bago ito lumabas ng kwarto niya ay inilapag muna nito ang maligamgam na tubig sa bedside table niya. "Here, at least fill your stomach with warm water first." "I said, sorry na nga po 'di ba? Bati na tayo..." aniya. Imbes na umamo ang mukha nito ay nanatili itong walang emosyon. He was staring at her like she doesn't exists. Ano ba ang nangyayari sa mokong na 'to? "Alis na ako... I hope one day, magdesisyon ka nang mag grow-up at mag mature. You're not getting any younger para magpakalasing sa galaan. Tanging mga teenager lang ang walang kontrol sa sarili for the sake of being cool. Remind yourself na isa ka ng adult." Hindi siya kumibo, Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. She decides to keep her mouth shut. Maybe Bruno woke up at the wrong side of the bed and has no time with petty things. Nang makaalis si Bruno ay nagpasya siyang tumayo para linisan ang sarili. She needs to prepare herself sa pagpunta sa opisina ng IMS para malaman kung tanggap na siya. Saktong paglabas niya ng banyo ang pagtunog ng cellphone niya. She immediately pick it up and saw Damian's name. "Oh, s**t!" aniya. Nakalimutan niyang may isang matandang needy na kailangan ng atensyon niya palagi. Kaagad niyang sinagot ang tawag nito ngunit isang makarinding mura lang ang narinig niya. Kinailangan niya pang ilayo ng bahagya sa tainga niya ang telepono dahil sa makabasag eardrum na boses ng matanda. "Where the hell you've been?! I've been calling you like crazy, Harper!" sigaw nito. "Sorry, Damian. I just fell asleep early last night. I forgot to tell you dahil hindi ko namalayang nakatulog na pala ako." Palusot niya. "And you think, I'm going to buy that alibi?! Ano'ng akala mo sa'kin, kakaluwal lang kahapon?!" asik nito. "I said I'm sorry, mahirap bang intindihin 'yon?" asar niyang sagot. She's not in the mood para sa sermon ng matanda. Sa katunayan masakit pa ang ulo niya dahil sa hang-over. "I'm coming back to Philippines next month." Mariing wika ng matanda. Bigla siyang natameme sa narinig. Hindi pwedeng umuwi sa 'pinas si Damian. Masisira nito ang plano niya. Hindi nito pwedeng sirain ang pangarap niyang magkaroon ng sariling pamilya mula sa lalaking pangarap niyang makatuluyan. Wala sa plano niya ang maging sugar baby habang buhay. "Listen, Damian... I'm doing fine here, hindi mo na ako kailangang sundan pa rito." Aniya. "Walang sinuman ang dapat na nag-uutos sa'kin ng dapat kong gawin, Harper. Kapag sinabi kong uuwi ako, uuwi ako. I am not asking for your blessing nor your approval!" asik nito. Wala siyang nagawa pa nang sabihin nitong nakahanda na ang lahat maging ang plane ticket nito. Kailangan na niyang magmadali sa plano niya. She has no time to waste. Matapos ang pag-uusap nila ni Damian ay nag check siya ng mga emails and messages. Nabaling ang atensiyon niya sa gallery niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang burado lahat ng mga pictures niya roon. Maging ang ilang folder niya na ang laman ay mga pictures nila ni Damian ay nawala na rin. Sobra ba siyang nalasing kagabi at pati iyon ay nabura niya nang hindi niya namamalayan? *** Nagpupuyos ang kalooban ni Bruno habang nagmamaneho. After everything he discovered ay wala pa rin siyang lakas ng loob na komprontahin si Harper. Makita lang ang ngiti nito ay para na siyang marsmallow sa lambot. Paano niya ito mauusisa tungkol sa mga nakita niya sa cellphone nito? "Damn!" aniya. Mabilis niyang itinabi sa gilid ang sasakyan niya. Baka kapag hindi siya huminga saglit sa gilid ay baka mabangga ang kotse niya. Dinampot niya ang cellphone niya sa gilid niya at binuksan iyon. Muli niyang tiningnan ang ilang pictures na nakuha niya mula sa cellphone ng dalaga. Marahas siyang napabuntong-hininga. Hindi niya gusto ang mga nakikita niya. He was jealous and at the same time disappointed. How could she stoop on that level? That's too low for someone who used to stand out when they were young. Is that old hag is her sugar daddy? What is their relationship? Do they share intimacies? Did she sleep with him? 's**t! Pull yourself together, Bruno! You can't be hurt for the second time around! Before you jump into something you're unsure about, why don't you ask her first? There must be an explanation for what you saw. Harper isn't that kind of woman,' anang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD