ONE MONTH LATER...
"Saan ka na naman galing, Harper? Ano'ng oras na ba?" mahinahon ngunit may diin na tanong ni Bruno pagbukas pa lang ng pintuan. Nakita niya ang pasuray-suray na dalaga. Lasing na naman ito at halos hindi makagulapay. Buti na lang at inihatid ito ng kaibigang si Levy kaya safe pang nakauwi ang dalaga at hindi ito inabutan ng antok sa kalsada. Sa pagkakakilala niya kay Levy ay isa itong bartender sa paboritong club ni Harper. Nagkakilala ang mga ito dahil sa bisyo ng dalaga. And since then, naging close na ang dalawa at naging boner pa ito ni Harper kalaunan.
"Can you please help me carry her? Ngalay na ang balikat ko, ang bigat niya, promise!" nakangiwing pakiusap ni Levy.
Maagap niyang sinunod ang utos ng kaibigan nito. Kinarga niya ang dalaga at maingat na inilapag sa malambot na sofa. "Thank you for bringing her home, Levy..." pasasalamat niya sa kaibigan ng dalaga.
"No worries, can you offer me a drink to thank me?" nakangiting wika nito.
"Sure! What do you want? I guess hindi alak ang hanap mo?" aniya.
"You guess it right! I am not a heavy drinker like Harper. I'd love to have some coffee, please..."
"Sure, I'll prepare it in a minute!" aniya. Sinulyapan niya muna si Harper na mahimbing nang natutulog sa sofa. Kinuha niya ang isang pillow case at inilapag sa tapat ng p********e nito dahil naka mini-skirt ang dalaga tapos nakataas pa ang isang paa.
"Thanks!" nakangiting wika ni Levy.
Hindi niya namalayang sumunod pala ang dalaga sa kusina at pinanuod siya nito habang naghahanda ng kape. "Now I know kung bakit nagbukas ka ng sarili mong coffee shop," anito habang pinapanuod siya.
"My grandfather used to love having coffee with grandma during afternoon break. I admire them for being sweet kahit na parehas na silang matanda. Nakikita ko kung gaano kalaki ang mga ngiti ni Lola kapag ipinagtitimpla siya ng kape ni Lolo. Since then, I got obsessed with it, gusto kong maalala palagi ang love story nilang dalawa. You know, keeping the old days alive."
"Are you telling me na naaalala mo sila kapag nagkakape ka?" ani Levy.
"Sort of. And you know what's real funny?" aniya.
"What?"
"Grandma couldn't even take a sip kasi bawal na sa kanya ang kape. Ang ending, si Dad or si Mom ang umiinom ng gawa ni Grandpa. I couldn't help but to be fond of that memories. With my business, I'd get to have a glimpse of those wonderful past where I first believe in true love." Nakangiti niyang kwento.
"Do you still believe in love?" biglang tanong ni Levy sabay sulyap sa natutulog na si Harper.
"I think so, that's why I have her..." aniya.
"Lucky her..." anang dalaga.
"Here's your coffee," aniya sabay abot ng cup nito.
"Thank you!" nakangiting sagot nito.
Nagtimpla na rin siya ng sa kanya dahil sa tingin niya ay hindi na naman siya makakatulog ng maaga dahil kailangan niya pang linisan si Harper pag alis ng bisita.
"Mind if I ask? Ano ang nagustuhan mo kay Harper? I mean, you are the exact opposite of what she is. Hindi ko siya binabadmouth ha! I'm just wondering..."
"Well, she already has my heart long time ago. First love ko siya eh! Hindi ko napi-picture ang sarili ko na ibang babae ang kasama ko sa pagtanda." Sagot niya.
Nagpatango-tango ang dalaga. Mukhang nasarapan ito sa kape na inihanda niya dahil sinunod-sunod nito ang pagtungga niyon hanggang sa maubos. "Thanks for the coffee! I love it! Ire-recommend kita sa iba kong friends and even family para mapuntahan namin ang shop mo."
"Wow, that's great! Thank you!" sagot niya.
"No worries! Bueno, uwi na rin ako... Late na rin eh!" paalam nito.
"Sige, mag-iingat ka! Do you want me to call for a cab?"
"Hindi na, kaya ko na ang sarili ko. Asikasuhin mo na lang si Harper. She needs to change her clothes because she pukes a little."
Bahagya niyang nilingon ang dalaga. Noon lang din niya napansin na marumi pala ang suot nitong damit. "Thank you, again!" aniya kay Levy nang maihatid niya ito sa may pintuan.
"You're welcome! Sige, bye!"
Kaagad siyang tumango at inihatid ito ng tanaw. Nang mawala ito sa paningin niya ay saka pa lang niya isinara ang pinto at binalingan si Harper na malalim na ang tulog. Nagtungo siya sa may banyo at kumuha ng plangganita at maliit na bimpo. Buti na lang may natira pa sa ininit niyang tubig kaya mapupunasan niya pa rin ng maligamgam na tubig ang dalaga.
Nang makabalik siya sa salas ay pinagsawa niya muna ang mga mata sa pagtitig sa dalaga. She's still a goddess to his eyes. Nothing changed over the years. She still makes his heart flutter with her looks.
"Look at you, Harper... You're totally wasted! Bakit mo ba ginagawa 'yan sa sarili mo?" anas niya. Maingat niyang hinubaran ang dalaga. Nahirapan pa siya ng bahagya dahil tinatabig nito ang mga kamay niya at minsan ay nagpupumiglas ito. "Easy... Calm down, okay? Kailangan lang kitang linisan..." pakiusap niya.
Matapos mahubaran ang dalaga ay maingat niya itong pinunasan sa buong katawan. Ilang beses na niyang nakita ang kahubdan nito and still, he couldn't help but admire her beauty. He knows na may binago si Harper sa katawan nito and he don't mind it all. Whatever makes her happy ay suportado niya ito.
"M-moses..." bulong ni Harper.
Bahagya siyang natigilan sa pagpunas ng dibdib nito nang maulinigan niya ang sinabi ng dalaga. Tama ba ang narinig niya? Moses? But, why? Sino'ng Moses ang hinahanap nito? Asawa ba ni Isla? But then, why again?
"Come again?" bulong niya sa dalaga ngunit hindi na ito kumibo pa. Pinaglalaruan na ba siya ng pandinig niya? Is he hearing things na mali?
Bahagya siyang napapitlag nang biglang tumunog ang cellphone ng dalaga. Inilapag iyon ni Levy sa may center table kaya pasimple niya iyong kinuha. Sino naman ang tatawag kay Harper sa ganoong oras? It's wee hour!
[Damian Calling...]
Iyon ang naka register na pangalan ng caller. Who the hell is Damian? Hindi niya ata ito kilala. Naka-apat pa itong missed calls sa dalaga bago ito tumigil. Hindi niya ugaling mangialam ng personal na gamit ng dalaga ngunit parang may malakas na boses na nag-uudyok sa kanyang buksan ang cellphone nito. Nanginginig ang mga kamay niya nang kunin ang kanang kamay ni Harper para sa fingerprint nito. He successfully opens her phone and he wasn't prepared to unsee what he just saw!
Ilang ulit siyang napalunok ng laway na tila may bikig sa kanyang lalamunan. What is he doing all his life that he was so invested with Harper?