17 | DATE NIGHT

1040 Words
"Isla, pwede bang kumalma ka? She's not going into prison and definitely not gonna live in a bunker. She's safe with that guy, believe me!" pagkakalma ni Moses sa kabiyan. Mahigit trenta minutos na kasi mula nang makaalis ang dalawa ngunit hindi pa rin kumakalma si Isla. "How do you know?" ani Isla. "He seems a good guy. Hindi ma-ere, matinong kausap at may pinag-aralan... Honestly, may spark ang dalawa. The way he looked at Harper, may pagmamahal." "Ngayong nakita ko na kung sino ang makakasama ni Harper sa bagong tirahan, kay Bruno na ako nag-aalala ngayon," Napakunot noo si Moses. Hindi niya alam kung bakit nasabi iyon ng asawa. "Bakit naman?" "I'm sure, mahihirapan si Bruno na kadenahan si Harper. Siya 'yung tipong ayaw paawat at hindi papipigil kapag may gusto." "Hindi naman kailangang kadenahan ang isang tao para magtino. You can't change a person because you want it, magbabago lang ang isang tao kapag siya mismo ang nagdesisyon na magbabago. Hindi sapilitan ang character development, my sweet!" ani Moses. "Alam ko naman, hindi talaga mawala ang pag-aalala ko. Bruno is a good friend back then, at alam kong nasaktan siya ng sobra noong makipaghiwalay sa kanya si Harper noon." "At kahit nasaktan siya noon, tinanggap niya pa rin si Harper ngayon. It takes a man to lend a hand to a woman who once broke his heart." Ani Moses. "Kaya huwag ka nang mag-alala sa dalawa, alam na nila kung ano ang pinasok nila." "Oo na..." napipilitan niyang sang-ayon sa asawa. Ayaw na niyang makipagtalo dahil siya rin naman ang talo sa huli dahil magaling mangatwiran ang kabiyak. "Ang mabuti pa ay maghanda ka, lalabas tayo..." ani Moses. Siya naman ang napakunot-noo. Wala siyang alam na may schedule sila para lumabas. "Saan naman tayo pupunta?" "You'll know when we get there, magbihis ka na... Wear your best self, my sweet!" anito. Hinila siya nito sa kwarto nila para pagpalitin siya ng damit. Nagawa pa nitong hampasin ng bahagya ang pwetan niya. "Seryoso ka? Lalabas tayo? Paano si Summer?" tanong niya. "Manang Ester will take care of her, hindi naman tayo mawawala ng isang buong gabi, ilang oras lang naman." "Pumayag ba 'yung matanda? Kayanin niya kaya ang pagbubuhat sa anak mo? Ayaw pa naman ni Summer magpalapag lalo na kapag inaantok." Alalang tanong niya. "She'll be fine. Alam na ni Manang Ester ang gagawin, you don't have to worry about that. Magbihis ka na at magbibihis na rin ako." Ani Moses. "Saan nga tayo pupunta? Naulan pa naman ngayon!" reklamo niya. "Once na makita mo kung saan tayo pupunta, you'll gonna kiss my ass tonight!" pilyong sagot ng asawa sabay kindat sa kanya. **** Kagaya ng inaasahan, hindi sila sa isang mamahaling restaurant nagtungo ng asawa kung hindi sa paborito nilang gotohan dalawa. Ilang kilometro lamang ang layo noon mula sa kanilang bahay. Ang gotohan na iyon ay saksi sa pagsisikap nilang mag-asawa na marating ang kinaroroonan ng IMS. Naging suki na sila ng may-ari noon kaya kilala na rin sila nito. "I knew it!" masayang wika niya. Nagpatiuna siyang pumasok sa maliit na tindahan. Kaagad siyang namataan ni Aling Corazon. "Isla! Naligaw yata kayong mag-asawa?" nakangiting bati sa kanila ng matanda. "Kumusta po, Aling Corazon?" nakangiting sagot niya. Kaagad niya itong nilapitan at binigyan ito ng mahigpit na yakap. "Mabuti naman ako anak, mabuti at nadalaw ninyo ako... Kumusta si Summer?" anang matanda. "Maayos naman po si baby, maloko na rin at madaldal!" sagot ni Moses na kakapasok lang din. "Mana sa'yo?" pabirong sagot ng matanda. "Parang hindi naman, parang kay Isla po eh!" biro ng asawa. "Dating gawi ba? Same order?" anang matanda. "Opo, same order since day one na naging costumer ni'yo po kaming mag-asawa." sagot niya sa matanda. Naghanap sila ng bakanteng lamesa ng asawa at nakakita naman sila malapit sa may bintana. Mabilis silang umupo roon para wala ng iba pang makaupo lalo na at laging puno ang gotohan ni Aling Corazon. Bahagyang nagpalinga-linga si Moses. Parehas nilang namataan ang malaking pagbabago sa tindahan ng matanda. Hindi na iyon kagaya ng dati na maliit lamang. Ngayon ay malaki na ang espasyo at mas lalong dumadagsa ang mga costumer. Hindi na nakakapagtataka dahil dabest ang goto ni Aling Corazon. "Umaasenso na rin ang tindahan ni Aling Corazon, dati-rati ay maliit lang ito at iilan lang ang bangko. Nagsisiksikan pa nga tayo noon. Pero ngayon tingnan mo, ang laki na at ang huling balita ko ay papalagyan raw nila ito ng pangalawang palapag." Ani Moses. "That's great! Ang galing, nakakabilib!" aniya. Hindi niya maiwasang hindi maging proud para sa matanda. Single-mom lang kasi ito at nakakatuwang nagagawa nitong buhayin ang dalawang anak sa pamamagitan lamang ng pagbebenta ng goto. "Naku kayo ngang mag-asawa ang nakakabilib at lumalaki na ng bongga ang negosyo ninyo. Walang panama itong gotohan ko sa IMS." Sabad ni Aling Corazon nang makalapit sa kanila. Bitbit na nito ang dalawang bowl ng umuusok na guto. May nakahiwalay pang tokwa't-baboy at iba pang condiments, "Hmmm, ang bango!" puri ni Moses. "Tara kain, nagugutom na ako!" yakag niya sa asawa. Mabilis niyang itinali ang mahabang buhok. Sigurado siyang pagpapawisan na naman siya kaya nagpasiguro na siya. "So, naniniwala ka na sa'kin no'ng sinabi ko na once malaman mo kung saan tayo pupunta ay tiyak na matutuwa ka?" tudyo ng asawa. "Yes, master!" biro niya sa asawa. Masaya nilang pinagsaluhan ang simpleng pagkain na isa sa mga paborito nila. Sa sobrang tuwa sa kanila ng matanda ay pinadalhan pa sila nito ng take-out na kahit tanggihan nila ay hindi ito pumayag. Ang sabi nito ay libre na lang iyon bilang pasasalamat sa pagdalaw nilang dalawa. "Sana palagi na lang tayong ganito, walang gaanong problema, peaceful at hindi nag-aaway." Ani Moses habang naglalakad sila patungo sa paradahan ng tricycle. Nag commute lang kasi silang mag-asawa para hindi sila mahirapan sa pagpa-park ng sasakyan. "Wala naman imposible kapag ginusto natin, Moses... Manatili lang tayong tapat sa isa't-isa at palaging bukas ang komunikasyon natin. Alam kong hindi malabong maging maayos ang lahat kung parehas tayong nagtutulungan." sagot niya. "Basta pangako ko sa'yo, hindi ako gagawa ng bagay na ikakagalit mo o ikakasira ng pamilya natin. Palagi kong pipiliin tayong dalawa..." "Tayong tatlo ni Summer," pagtatama niya sa kabiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD