"Talaga bang aalis ka na? Hindi ka na ba talaga papipigil? Bakit biglaan naman yata. may nagawa ba kaming hindi mo nagustuhan?" sunod-sunod na tanong ni Isla sa kaibigan. Nasa kwarto siya nito dahil nag-iimpake na ng mga gamit ang huli. Nagulat na lang din siya nang magpaalam ito sa kanya na gusto na nitong lumipat ng tirahan. In all honesty, hindi siya prepared. Nagulat siya sa biglaang desisyon nito dahil ang alam niya ay pumayag na itong magstay sa kanya sa ilang buwan nitong pananatili sa 'pinas.
"Don't be silly, Isla. Aalis ako hindi dahil sa may nagawa kang mali. May nakita lang ako na pwedeng lipatan na mas okay para sa'kin. I mean, don't get me wrong. I just need someone na kaparehas ko ng topak." Ani Harper. Tumingin ito sa kanya habang nakangiti. Pagkatapos ay muli nitong ipinagpatuloy ang ginagawa.
"At sino naman 'yon? Kilala ko ba? Are you sure na mabuting tao 'yon at pwedeng pagkatiwalaan?" usisa niya. Nais niyang makasiguro na magiging maayos ang kaibigan sa lilipatan nito. Harper is smart pero she's lacking into personal judgement. She can be easily manipulated and she fears that someone will take advantage on her.
Napahagikhik si Harper sa pagtatanong ng kaibigan. "Ano 'to, interrogation?"
"Hindi naman sa gano'n, gusto ko lang sanang masiguro na magiging maayos ka sa pupuntahan mo. Alam mo naman ang panahon ngayon, hindi na ligtas para sa kagaya mong diyosa sa kagandahan." Depensa niya. "I mean ayokong mabalitaan one day na may nagpapaiyak na sa'yo..."
"Okay, to be honest, kilala mo siya. At para hindi ka na mag-alala pa sa'kin, hintayin mo na lang siya na sunduin ako." Sagot nito.
Nangunot ang noo niya nang marinig iyon. Sino naman kaya? Ang alam niya ay hindi nito kasundo ang mga kaanak nito. Kaunti lang ang kilala niyang malapit kay Harper maliban sa ibang kaklase at common friend nila ay wala na siyang alam.
"Kilala ko? Sino naman kaya 'yon?" tanong niya ngunit kinindatan lamang siya ng kaibigan habang nagpapatuloy ito sa pagliligpit.
"Let her go if she wants to leave the house. She's not a child, Isla..." anang tinig.
Sabay silang napalingon na magkaibigan at nakita nila sa may pintuan si Moses. Nakasuot ito ng hapit na t-shirt na tinernuhan ng pambahay na cotton short. Langhap nila parehas ang bangong hatid ng shower gel na ginamit nito.
"Hmp! Masisisi mo ba ako?" irap niya sa asawa. "I love her like my own blood!"
"Jesus Christ, paano mo minahal ang asawa mo, Moses? She's so clingy!" biro ni Harper.
"I don't know, I just love her the way she is!" sagot ni Moses. Masuyo nitong hinala ang asawa papalabas ng kwarto ni Harper para makapagligpit na ito ng maayos. Alam nito na kapag hindi niya kinuha ang asawa ay baka ngumawa pa ito sa harapan ng kaibigan. For Moses, it's better for everyone na umalis ng bahay ang dalaga. Nakakailang rin kasi ang presensya nito.
Habang papalayo ang mag-asawa ay lihim naman na inihatid ni Harper ng tanaw ang dalawa. She couldn't imagine herself being distant with Moses. Pero kailangan niyang gawin para sa panibagong plano niya. She's still not giving up na makapasok sa IMS. Panandalian muna siyang aalis sa poder ng mga ito para hindi manawa si Moses sa presensya niya. Malakas ang loob niya na ituloy ang naunang plano. Hindi niya pa rin binibitawan ang pag-asa na balang araw ay mapapasakanya rin ang lahat ng bagay na mayroon si Isla.
Bahagya siyang napapitlag nang marinig ang pagtunog ng cellphone niya. Dinampot niya iyon at binasa ang mensaheng natanggap mula kay Bruno. Parating na raw ito in ten minutes. Dahil roon ay mas binilisan niya pa ang pag-iimpake. Kailangan niyang matapos kaagad para hindi na ito maghintay sa kanya ng matagal. Nakakatiyak siya na kapag nagtagal ito sa bahay ay katakot-takot na pag-iimbestiga na naman ang gagawin sa kanila ni Isla at ayaw niya iyong mangyari.
***
"Oh my God! Is that you, Bruno?!" bulalas ni Isla nang makita ang gwapong binata na nakasandal sa mamahaling sasakyan nito na Maserati Ghibli Hybrid na kulay abo. Abala si Manang Ester sa pagdidilig sa may garden kaya siya na lang ang nagprisintang magbukas ng gate.
"Yes! Long time no see, Isla!" nakangiting bati ng binata. Lumapit ito sa kanya at iniabot ang isang basket ng prutas. "My parents taught me not to visit friends empty-handed. I brought you some fruits para healthy living tayo." Dagdag nito sabay abot ng basket.
"Teka lang, ikaw ba ang sinasabi ni Harper na susundo sa kanya? You mean to say, sa'yo siya titira?" hindi makapaniwalang tanong niya. Bahagya niyang niluwangan ang pagkakabukas ng gate.
"Yes!" walang gatol na sagot ng binata.
"Did you guys get back together? Are we speaking about renewal of flame her? Kailan kayo nagkabalikan ulit?"
He chuckled. Hindi pa rin nagbabago si Isla. Para pa rin itong inosenteng bata na palaging nasosorpresa sa mga bagay. "I guess so,"
"No, we're not... He offered me his place and I agreed out of pity. Hindi kami nagkabalikan." Tanggi ni Harper. Pababa ito sa hagdan at tangan na nito ang hindi kalakihang luggage. Naging maagap si Moses na tulungan ang dalaga dahil nakasuot pa man din ito ng high-heels na sapatos.
"Pity?" nandidilat na baling ni Isla sa kaibigan.
"Just kidding! Bruno and I had a mutual understanding about things like this and that." Bawi ni Harper.
"Pare, pasok ka muna sa loob. Diyahe naman na unang bisita mo rito tapos hanggang gate ka lang." Sabad ni Moses sa tatlo.
"I think, no need na. We're on hurry eh!" tanggi ni Harper.
"Hindi okay lang, may tao naman sa coffee shop." Ani Bruno.
"Ayun naman pala! Tara sa loob pare!" ani Moses.
Walang nagawa si Harper nang pumasok na rin sa loob si Bruno. Mukhang sa unang titigan pa lang kasi ng dalawang lalaki ay mukhang magkasundo na ito noon pa. Bahagya pa siyang nagulat nang kalabitin siya ni Isla.
"Why you didn't tell me na nagkabalikan na pala kayo ni Bruno? Is this for real? Kailan pa?" usisa nito.
"No, hindi kami nagkabalikan. I told you, magka-MU lang kami. Walang feelings na involve. Pwede mo ring isipin na we're just friends. He's just like you na kaya akong tanggapin at patuluyin sa bahay niya with open arms. No string attached." Mariin niyang tanggi.
"Then, bakit ka pumayag na tumira sa kanya? Single pa rin ba siya?"
She sighed. "Yes, he is single. Kaya nga ako pumayag na tumira sa kanya dahil alam kong walang magagalit. Okay na po?"
"Okay na, mabuti na 'yung malinaw!" sagot ni Isla. "Pero infairness, kakaibang glow up ngayon si Bruno ha! At yayamanin!" dagdag nito sabay sulyap sa mamahalin nitong sasakyan. Isla knows his car worth millions.