Humugot ng isang malalim na hininga si Harper habang pinagmamasdan si Bruno na binubuksan ang pintuan ng condo nito. Wala naman siyang ibang lakad kaya pumayag siyang sumama rito nang alukin siya ng huli na tingnan ang tinutuluyan nito. Ang sabi pa nito ay pwede na siyang lumipat anytime kapag ginusto niya. Palihim niyang pinagmasdan ang binata, hindi pa rin ito nagbabago. Medyo chubby pa rin ito. Maputi. Neat. Si Bruno ang tipo ng lalaki na makita mo pa lang ay alam mo ng mabango. Parang hindi nga ito pinagpapawisan dahil ni minsan ay hindi niya ito naamoy na nangangasim. Kaya nga lamang, noong araw ay kinailangan niya itong hiwalayan dahil masyado itong happy go lucky palibhasa ay burgis. Parang wala itong pangarap sa bahay dahil nakaasa sa sustento ng magulang.
"Please come inside," untag nito sa kanya.
Napapitlag siya nang marinig ang boses ng dating nobyo. Nginitian niya ito bago naglakad papasok sa loob. Sa living roon pa lang ay nakaka relax na ang ambiance. Mahilig si Bruno sa wooden furniture. At take note, plantito rin pala ang loko dahil may mga indoor plants ito sa gilid bukod sa isang malaking aquarium sa gilid. Namataan niya ang ilang pirasong betta fish na iba't-ibang kulay. Ang ganda nitong pagmasdan.
"Do you like it?" nakangiting tanong ng binata.
Niyakag siya nitong mas lumapit pa sa aquarium.
"Yeah, they're beautiful!" sagot niya.
"Yes, beautiful yet quite complicated na alagaan. Parang ikaw," pabirong sambit nito.
"Bakit naman napunta sa'kin," nakaingos niyang tugon.
"May axolotl din ako!" biglang sambit nito. Muli siya nitong hinila sa gawing gilid ng living room kung saan may isa pa itong aquarium at may alaga nga itong axolotl.
"Ang ganda rin nito, parang butiki na nasa labas ang hasang." Biro niya. "Bakit mo naisipang mag-alaga nito?"
"Basically, I'm fond with babies. But sad to say, hindi pa siguro time. Then I have a friend who introduces me to axolotls. Na love at first sight yata ako sa kanila. Kasi tingnan mo naman, para lang silang baby, they're adorable!"
"Endangered na 'yan sila, hindi ba?" aniya.
"Yeah, unfortunately..." malungkot nitong sagot. "Anway do you need anything to drink?"
"Ano ka ba? Pinalaklak mo na ako ng kape sa coffee shop mo, hindi ko na kailangan pa ng maiinom." Sagot niya.
"Oo nga pala, sorry! So, paano, nagustuhan mo ba itong place ko?" seryosong tanong nito.
"Maganda naman ang place mo, tahimik, malinis." Sagot niya. Hindi gaya sa bahay ni Isla na nakakarindi ang ingay ni Summer kapag umiiyak.
"Are you going to move in?" muling tanong nito. Tumitig ito sa kanya na tila ba nagmamakaawa sa kanya na sumagot ng oo.
"It depends!" sagot niya. Muli niyang iginala ang paningin sa palibot. "Baka gusto mo akong i-tour? At pagkatapos, saka mo ako tanungin." Dagdag niya.
Biglang nagliwanag ang nagsisimulang kumulimlim nitong mukha. "Sure! Let's go!" sagot nito.
Dinala siya nito sa U-shape kitchen nito na kumpleto rin sa mga kagamitan. Hindi niya lang alam kung nakakapagluto ito roon. But everything is neat and good. Pagkatapos dinala siya nito sa powder room, laundry area at pang huli ang kwarto. Dalawa ang room ng condo ngunit hindi kalakihan. Ang isang kwarto nito ay puno ng nakatambak na kagamitan.
"Pasensiya ka na at ginawa ko munang storage room itong kwarto na 'to, but if you're going to stay here. Papalinisan ko ang room na 'to para may magamit ka." Nakangiting wika ng binata.
"How about your room?" tanong niya.
Bahagyang pinamulahan ng mukha ang binata. "A-ah, my room? You want to take a peek?" tanong nito.
"Yes, because why not?"
"S-sure!" pagpapatinaod nito. Sa gilid ng kwarto niya lang ang kwarto ng binata. Pagkaapak niya palang sa loob ay amoy na niya ang swabeng amoy ng Jo Malone London red roses scent diffuser nito.
"Fanatic ka pala ng mga ganyan," sambit niya sabay nguso sa diffuser.
He chuckled. "Yeah, for relaxation. Pagkagaling kasi sa shop. It would nice to lay on your bed with relaxing and soothing smell of that thing. Nakakawala ng pagod. Hindi pa amoy kulob ang buong kwarto." Sagot ng binata.
"Indeed. Nakaka relax. Parang gusto ko na ngang matulog," biro niya.
Nakita niya ang biglaang pagkataranta ng binata maging ang paglilikot ng mga mata nito. Sa tingin niya ay hindi ito komportable sa takbo ng usapan nila. Napangiti siya. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso.
"Do you need anyt-"
Hindi na niya hinayaan pang magsalita ang binata dahil inangkin na niya kaagad ang naghihintay nitong labi. His lips taste like Frappuccino. Naramdaman niya ang mga braso nito na pumulupot sa may bewang niya habang paunti-unti nitong sinasagot ang nag-aalab niyang halik. It's been a while na wala siyang nakatalik. And she's kinda missing it. Bruno is perfect to quench her thirst.
"Hmmm..." ungol niya nang maramdaman ang mainit na palad ng binata sa matayog niyang dibdib.
"Harper... are you sure about this?" paos nitong sabi habang hinahalikan ang leeg niya.
"No one is stopping you, Bruno..." bulong niya sa taenga nito. He groaned.
"Oh, good lord!" anang binata. Walang pasabi siya nitong binuhat at maingat na dinala sa kama at pagkatapos ay inihiga. Tinitigan siya nito na may halong pagsamba. Between the two of them, Harper's eyes speak nothing but lust. But our dear Bruno seems to love every inch of her skin just like the old times.
"Do you want babies?" she asked in between kisses.
"If the time is right, why not?" sagot nito. "Why, gusto mo na ba?" dagdag tanong nito habang abala ang kamay nito sa pagtatanggal ng damit niya.
"Wala naman, I just thought you want one since you feel in love with axolotl." Sagot niya.
"I am ready to have kids anytime. Financially stable naman na ako. My coffee shop is thriving, too. How about you? Do you like one?"
Bigla siyang hindi nakahuma. Hindi niya sukat akalain na ibabalik nito sa kanya ang tanong. Sa totoo lang ay hindi siya handa na magbuntis. Ang daming hirap niya makuha lamang ang katawan niya ngayon. She's not ready to ruin it just because she needs to carry a life. "Maybe... if needed." Sagot niya na halata namang labas sa ilong.
You're not keen on becoming a mother?" tila natigilang tanong nito.
Nginitian niya ito. "Shut up and kiss me, Bruno!" aniya sa namumungay na mga mata. She wants his erected manh*** inside her. She's not ready with questions na may kinalaman sa pagdadalang-tao. She's not ready to give up her body. Maliban na lang kung ginusto niya na talaga siguro. But not for now. Ang gusto lang niya ngayon ay mapawi ang uhaw niya sa makamundong tawag ng laman.