13 | PAST LOVE

1202 Words
"Going home?" untag ni Mon sa kanya nang mamataan siya nitong nag-aabang ng taxi. Katatapos lang nilang magsalo ng tanghalian ni Moses kaya uuwi na siya. Hindi na siya nagpahatid pa sa asawa dahil alam niyang busy rin ito. "Yes," sagot niya sabay ngiti sa kaibigan. "Hop in, idaan na kita sa inyo." Anito. Kinuha nito ang car key sa bulsa nito at binuksan ang sariling kotse. "Sure ka? Hindi ba ako nakakaabala sa'yo?" tanong niya. Alam niyang may lakad din ito kaya ayaw niyang makaabala. "Dadaanan ko rin naman ang sa inyo, kaya walang kaso sa'kin na sumabay ka. Tara na," nakangiting yakag muli ng binata. Wala na siyang nagawa kung hindi magpatinaod. Nagmamadali rin siya dahil baka nag-iiyak na si Summer at wala pa rin siya. Lumigid siya sa passenger's seat at mabilis na sumakay. Halos sabay pa sila ng binata na nagsuot ng seatbelt.  "Salamat, Mon!" aniya. "You're welcome!" anang binata sabay ngiti. Binuhay na nito ang makina ng sasakyan at pinaandar iyon. Habang nasa biyahe ay kapwa sila tahimik. Nahihiya rin na magdaldal si Isla dahil hindi naman siya madaldal na tao lalo na at ang madalas na kadikit nito ay si Moses. "By the way, about Harper?" biglang basag nito sa katahimikan. "What about her?" walang malay niyang tanong. "Mag-aapply ba talaga 'yun sa IMS? Akala ko dati nagbibiro lang," "Nope. Plano niya talagang pumasok sa IMS dahil gusto niya raw matuto. Plans niya na magkaroon ng sarili niyang company and she was thinking na maging training ground ang pagtatrabaho sa'tin." Sagot niya. "Don't you think it's a bit odd?" anito. "Odd? In what form?" "Wala ka sa IMS dahil tutok ka sa anak mo. Si Moses lang ang nandito. If she wants to learn, she could have just asked. I mean, nasa bahay mo siya nakatira 'di ba? If she wants to know something, pwede ka naman niyang tanungin. Bakit pa direktang magaapply sa company natin?" mahabang litanya ng kaibigan. "I suggested it," sagot niya. Waring nagulat ang binata sa sagot niya dahil bigla itong nagpreno ng sasakyan. "Did you?" bulalas nito. "Oo, ano ka ba? Tulong na rin 'yun sa kanya. Well, tama ka naman. Pwede niya akong tanungin anytime but come to think of it, iba pa rin kapag nasa loob ka na talaga ng kumpanya at nagtatrabaho. Magiging malawak ang kaalaman niya at magkakaroon na rin ng first hand experience." "What about Moses? Did he agree?" "Don't bother asking, parehas kayo ng reaksiyon nang malaman ninyo na interesadong magtrabaho ni Harper sa kumpanya. Kailangan ko pang lambing-lambingin ang asawa ko para mapapayag." "I hope he's not gonna let her in." "And why is that? She's intelligent, naniniwala ako na kaya niyang gampanan ang magiging trabaho niya. Babae rin ako and nagagawa ko ang mga bagay na iyan. I'm sure ganoon din ang kaibigan ko." Pagtatanggol niya sa kaibigan. Napabuntong-hininga si Mon. "Isla, hindi sa nakikialam ako. But don't you think she has an ulterior motive kaya gusto niyang mapalapit sa asawa mo? Don't you feel anything sketchy about her?" "Nope. Because she's my friend and I trust her." "Okay, just forget that we had this conversations." Ani Mon. "Let's give her a chance... okay? I believe na maayos naman siya na tao. Let's not make an assumption na hindi siya magiging okay na katrabaho." Aniya. "She can be something great pagdating ng araw, who knows hindi ba?" dagdag niya. Nagpatango-tango na lang si Mon sa sinabi niya. Sa tingin niya ay give-up na ito sa pagbibigay sa kanya ng payo. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang si Mon kung i-down ang kaibigan samantalang hindi pa nga nito nasusubukan si Harper.  *** "Harper! What a surprise!" nakangiting bati ni Bruno, ang ex-boyfriend ni Harper noong araw. Nagpasyang magkita ang dalawa para magkamustahan. Pinagmasdang mabuti ni Harper ang lalaki. Dati-rati ay mukha itong basagulero pero ngayon ay nag-iba na. Mukha na itong kagalang-galang sa suot nitong pormal na kasuotan. Nagpasya silang magkita sa Cubao kung saan may sarili itong coffee shop na bukas 24/7 para sa mga call center agent sa may bandang Telus. "Oh, God! You look stunning!" buong paghangang sambit nito habang sinusuyod nito ng tingin ang kabuoan niya mula taas at baba. "Yeah, isang malaking sorpresa sa'kin na makita kang ganyan na ngayon," aniya. "Why? Are you expecting to see me na patapon? Na parang walang mararating sa buhay dahil walang pangarap?" nakangiti nitong tanong. "Sort of." "Ouch! That hurts!" kunwa'y biro nito. "But seriously, isa ka sa dahilan kung bakit nagtino ako. Kaya salamat, Harper. You helped me a lot." Anang binata. Napakunot noo si Harper. Hindi niya maunawaan kung bakit nagpapasalamat ang damuhong ito samantalang nakipagbreak nga siya rito noong araw. "Why? Bakit ka magpapasalamat sa'kin? We've broken up and as far as I can remember, nagalit ka sakin noon." "Forgive that immature version of me. I've grown up already at hindi na ako kagaya ng dati. Matagal ko ng na realize na dahil sa break-up na 'yun kaya nagpursige ako sa buhay. You made me realize na dapat pala may pangarap ako. Na dapat pala i-goal ko ang magandang buhay at huwag umasa sa bigay ng mga magulang. I admit, masyado akong childish noon, pero nagbago na ako ngayon. Thanks to you!" Asiwang napangiti ang dalaga. Hindi nito akalain na ang panlalait niya noon kay Bruno ay tatatak sa utak nito. But on the side not, nakatulong naman iyon sa pag grown ng karakter nito. Masaya pa rin siya na may mabuting naidulot sa lalaki ang mga sinabi niyang iyon noon. "So, heto na ang coffee shop mo? How is it going?" tanong niya. "Great! Masyadong maganda itong napwestuhan ko kaya kahit mahal ang rent ay hindi ko pinapakawalan. Mabenta rin kasi matao ang lugar. Hindi ako nagsisi na dito ko ini-spend 'yung naipon kong pera while growing up." Madaldal na sambit ng lalaki. "I see, your place looks amazing. Panlaban rin ang kape mo sa ibang coffee shop na sikat," puri niya.  "Thank you for the compliment. Pinag-aralan ko talaga lahat ng 'yan. Saka naghire rin ako ng mga barista na maalam talaga sa trabaho. Anyway, maiba ako, ikaw kumusta ka naman? Bakit ka pala umuwi ng 'pinas? For good ka na ba dito or bakasyon lang?" usisa nito. "It depends." Maiksing sagot niya. "Depende saan?" takang tanong nito. "Kung hindi ako magfail sa mga plano ko, yes, magstay na ako rito. Pero kung fail, wala akong choice kung hindi bumalik sa America." "I've heard na kay Isla ka nakikituloy, wala ka pa bang asawa?" tanong ng binata.  Tinitigan ni Harper ang mga mata ng dating kasintahan. May nararamdaman pa ba ito sa kanya? "Yes, nagoffer siya sa'kin na sa kanila muna ako tumuloy pansamantala." "You can stay at my condo if you like." Biglang offer nito. Bahagyang natigilan si Harper sa narinig. Tama ba ang narinig niya? "I beg your pardon?" "I said, you can stay at my place if you like. Lagi naman akong wala sa bahay dahil abala ako rito sa coffee shop. Minsan lang ako umuwi, at kung sakali man. Hindi rin ako nagtatagal. If you want, I can let you stay at my place for free." Nakangiting sambit nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD