7 | ISLA'S PROMISE

1126 Words
"I gave you home when no one wants you around, I gave you food to satisfy your hunger pero sa ibang bagay ka pala gutom. I never thought, mas masahol ka pa pala sa gutom na hyena. Since when you had that desire to covet my husband?! Sumagot ka!" umaalingawngaw na sigaw niya sa babaeng nakasalampak sa damuhan. May hawak siyang .45 caliber na baril at nakaumang sa ulo ng babaeng iyon. "Cut the crap, Isla! It was your husband who wants me! Who wants my body! Sa tingin mo ba kung hindi niya ginusto ang bagay na iyon ay may mangyayari sa'min? He liked it! He loved it!" sagot ng babae. Tumayo ito at taas noong humarap sa kanya. "We did it on your bed. Not just once. Not twice. Countless times, Isla! Gano'n niya ako kagustong maikama! Gano'n siya kasabik sa akin! Hahaha!" Isang malakas na sampal ang ipinadapo niya sa mukha nito dala ng matinding galit. The audacity of this girl is getting on her nerves! What the f**k! "Tao ka pa ba? Demonyo kang babae ka! Halika rito! Ipapakita ko sa'yo kung paano magkamot ng nangangating kepay!" hiyaw niya. Mabilis niyang hinawakan ang buhok nito at padaskul na hinila patungo sa halaman. Walang kalaban-laban sa kanya ang babae at gusto niya iyon. "Get your hands off me! Your crazy, b***h!" sigaw ng babae habang patuloy na nagpupumiglas pero hindi siya nagpatinag. Tuturuan niya ito ng leksyon na hindi pa nito natitikman sa tanang buhay nito. She needs to know kung sino ang binabangga nito. "Halika rito! Ipapakita ko sa'yo Kung ano ang kayang gawin ng b***h na sinasabi mo!" namumula sa galit na hiyaw niya. Dinala niya ito sa laundry area. Binuhusan niya ito ng liquid detergent at pagkatapos ay kinuskos niya ang katawan nito ng brush. "Kapag nangangati ka, heto ang gamitin mong panghilod at pangkamot. Huwag ang asawa kong babae ka!" dagdag niya. Hindi pa siya nakuntento dahil muli niyang iginala ang paningin sa paligid. May hinahanap ang mga mata niya. "s**t! Ouch! Nababaliw ka na talaga! Kaya ka iiwanan ng asawa mo dahil warfreak ka!" anito. Tatayo pa sana ito ngunit mabilis niya itong sinipa kaya muli itong sumadsad sa may batya. Dinampot niya ang isang plastic bottle ng zonrox at walang babalang ibinuhos sa babae. "Heto pa ang zonrox! Baka hindi ka pa kuntento sa sabon! Warfreak pala ha! Sa tingin mo sinong babae ang kakalma kapag nalaman niyang may talanding nagtatangkang sumira ng pamilya niya?!" sambit niya. Sa tingin niya ay naubos niya ang laman ng zonrox sa babae. Wala siyang paki kahit nagsisisigaw pa ito. "Ahhhh! My eyes! How dare you, Isla! You're making me blind!" anang babae. Nagkakakapag-kapag ito sa tubig upang linisan ang sarili. Halos mabasag ang eardrum niya sa tili nito at gustong-gusto niya iyon! It made her deliriously happy! That fool messed with the wrong woman! Maybe now this retard knows how to calm her f*cking p*ssy! *** Abala si Moses sa pagtitipa sa kanyang laptop nang marinig niya ang pag-ungot ng asawa. Mahimbing na itong natutulog habang siya ay nasa couch pa at busy sa pagbabasa ng mga email. Tumayo siya at nilapitan ang asawa. Nakumpirma niya na hindi niya lang guni-guni ang narinig niyang pangangalit ng mga bagang nito. "Islaaa... wake up! My sweet!" ani Moses. Sa tingin niya ay nagkakaroon ng masamang panaginip ang asawa. Kanina pa ito panay ungot. Nagtatagis rin ang mga bagang nito na tila galit na galit. "Islaaaa," muling tawag niya. "Hmmm..." anang kabiyak. "Wake up, you're having a bad dream..." aniya. Idinilat ni Isla ang mga mata at ang gwapong mukha ng asawa ang namulatan niya. She froze a little and smile. "Gosh, I had an awful dream!" anito sabay sapo sa noo. "Pansin ko nga, ano ba napanaginipan mo at para kang mananapak na sa galit?" tanong niya. Inabutan niya ng isang basong tubig ang asawa at tinulungan itong maupo at sumandal sa headboard ng kama. "A woman without a face, I don't know who the hell she was. Basta sa panaginip ko galit na galit ako sa kanya." Sagot ni Isla. "Why? May ginawa ba siya sa'yo?" usisa niya. Tinabihan niya ang asawa. Siya na rin ang naglagay muli ng baso sa bedside table. She chuckled. "It's a funny dream, Moses! I know na hindi mangyayari iyon sa totoong buhay." Aniya sabay tingin sa mga mata ng asawa. "Ang alin ba? Sabihin mo na, ano ba 'yung napanaginipan mo?" muling usisa niya. "Well, in my dream, there was this girl who stole you from me. I got a hold of her. We fought like like crazy. She unleashes my inner Gabriela Silang!" "And?" "I dragged her to our laundry area and tortured her to my heart's content!" natatawang sambit ni Isla. Pati siya ay natawa na rin sa kwento ng asawa. "It's indeed a crazy dream and a funny one!" aniya. "It won't happen in reality, 'di ba?" ani Isla. Tumingin ito sa mga mata niya na para bang nanghihingi ng assurance sa kanya. "Of course, that's not gonna happen! I won't let anyone ruined what we have started..." malambing niyang sambit sa asawa. Hinagkan niya ito sa noo para pakalmahin ito. "Promise?" "Baliw na baliw sa'yo ang asawa mo, sa tingin mo ba, maaakit pa 'to sa iba? I could never be attracted to anyone else. You're the only one in my heart, kayo ng anak natin." Parang batang yumakap sa kanya si Isla. "I know, kaya nga pinakasalan kita kasi I know na hindi mo ako magagawang saktan. I love you, Moses! Kayo ng anak natin ang buhay ko. Kapag nawala kayong dalawa sa'kin, mas gugustuhin ko pang mamatay na lang!" anang kabiyak. Kumatok sa kahoy si Moses. "Knock on wood," Parang bata na mas lalong sumiksik sa kanya sii Isla. Tila isang bata na umuungot ng init sa kanyang ina. Iyon ang isang bagay na gustong-gusto niya sa asawa. Masyado itong malambing kapag sila na lang na dalawa. "Kidding aside, I think, kapag nangyari man ang bagay na iyon sa atin. I will do the same to that woman. Or baka mas higit pa ang magawa ko sa kanya. I will protect this family at all costs. I will do everything in my power to make sure that Summer will grow into a peaceful and loving family. A complete one. A family that our daughter truly deserves." Wika ni Isla sa asawa. "My sweet, that will never happen! I'm all yours," aniya sabay kindat sa asawa. Tila nahulaan naman ni Isla ang pahiwatig niya sa kindat na iyon dahil bigla itong sumuksok sa ilalim ng comforter. Muli niyang kinuha ang baso na nasa tabi at nilagok ang natirang tubig ng asawa. Mukhang kakailanganin niya ng maraming tubig sa katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD