Chapter 8

2485 Words
• ALYNNA MARIE PAREDES • [Eastville College of Business] Pagdating namin sa ECB, lahat ng mga mata ay sa amin nakatingin. Kasi ba naman, kahapon nakita nila kaming holding hands while walking. Ngayon, HHWW ulit kami. Nakakahalata na yata sila na may something na sa amin. Sikat na sikat pa naman kaming dalawa sa school kaya imposibleng hindi pagusapan kahit ang mga maliliit lang na kilos namin. At heto na nga, narinig ko na ang mga chismosa ng bayan. "Omg! Si Sky at si Ynna na ba?!" "Look! Holding hands sila!" "Sinasabi ko na nga ba! Kaya ‘di nila nagawa yung assignment before kasi iba ginagawa nila!" "Gosh! They're so liberated!" "Eww! ‘Di ba nila alam ang 3-month rule?" "I wish I was Ynna!" "Me too!" "Sana ako na ang next sa mga naka-line up kay Papa Sky!" "Ako kaya ang next!" "Ako! Ako! Ako!" Grabe naman itong mga babaeng ito. May pa-line up line up pang nalalaman. Ano bang akala nila kay Sky? Kuhaan ng NBI clearance?! At iniisip pa rin talaga nila na may nangyari sa amin ni Sky kaya hindi namin nagawa yung assignment? Ang dudumi talaga ng utak. Kahit naman sabihin ko sa kanila na walang nangyari, hindi rin naman sila maniniwala kaya hinayaan ko nalang. Ganito na kasi talaga yata ang naging imahe ni Janina sa kanilang lahat. Nadaanan namin sila Farrah at Dave na nakabusangot ang mga mukha na nakatingin sa amin at sa mga kamay namin na magkahawak. Problema ng mga ‘yon? Eh ‘di ba sila nga yung nangiwan kay Sky at Janina? Sinabihan pa nga ako no’ng Dave na hindi na niya ako pwede balikan dahil may girlfriend na siya, eh. Tandang tanda ko pa ‘yon. Tapos ngayon, mga nakabusangot sila? Ano ‘yon? Sila lang ang pwedeng magkaroon ng relasyon? Che! Nakita ko namang napangisi agad itong si Sky nang nakita niya ang reaksyon no’ng dalawa. Mukhang tama siya dahil umepekto agad ang plano niya. Parang nagse-selos talaga si Farrah. Buti naman, sana talaga maging sila na ulit ni Farrah para naman matapos na itong kontrata ko. Nadaanan din namin ang Vengeance na sila Erick at Dwight at tila tuwang-tuwa sila sa nakikita nila. Mukhang alam nila ang naging kasunduan namin ni Sky. Malamang, alam talaga nila kasi mga best friends sila ni Sky, eh. Baka nga ay kasabwat pa sila. "Here's the new couple! Woot woot!" excited na sinabi ni Erick. Nakipag-apir si Sky sa kanya. Nginitian ko nalang siya. Tama naman ‘di ba? Alangan namang makipag-apir disapir din ako sa kanya? "Congrats, bro!" Yayakapin sana ni Dwight si Sky pero pinigilan siya nito na para bang nandidiri ito sa kanya. Ang sama talaga! "Gross bro," sabi ni Sky tapos nagtawanan nalang sila. Biruan lang naman pala. Masyado ko namang sineryoso. "Congratulations, beautiful Ynna!" Humarap sa akin si Dwight. "Hehe. Thank you, Dwight," nahihiya kong sinabi. Naguguluhan ako. Hindi ba nila alam na kontrata lang ‘to? "Don't you dare call my girl beautiful," singit ni Sky. Tinignan ko ang mukha niya at seryoso niya itong sinabi kay Dwight. Wow ha, lakas talaga maka tunay na boyfriend. Masyadong pa-fall. Kaya maraming nauuto itong bruhong ‘to eh. Well, not me. Oha! English ‘yan ha! Umatras nalang ang natatawang sila Dwight at Erick at tinaas ang dalawa nilang kamay para ipakita na hindi sila lalaban kay Sky. Nagpaalam na rin silang aalis na sila para naman daw hindi na nila maistorbo ang moment namin. Moment talaga? Luh. Nagpatuloy kami ni Sky sa paglalakad papunta sa aming classroom pero siyempre, madadaanan muna talaga namin ang lungga ng The Royals. ‘Yon lang kasi ang nagiisang pink table sa may garden. Oo, may pink table din si Janina sa garden bukod pa do’n sa cafeteria. Royal na royal talaga siya. Paano naman kaya niya nailipat lahat ng pink tables niya at paano kaya niya na-reserve lahat ng lugar niya rito sa ECB? Eh hindi pa nga siya nakakapagaral dito eh? Ni hindi man lang yata siya nakaapak pa dito. Lumipad kasi siya agad sa NYC. Pero kilalang-kilala na siya ng lahat ng tao agad. Famous na famous. Gano’n talaga yata siya ka-special. Sabagay, mayaman. Marami talagang nagagawa ang pera. Sila Debbie at Karen naman na nadaanan naming nakaupo sa lungga ng The Royals ay biglang nagtilian nang nakita kami ni Sky. Ibang klase talaga itong dalawang ito. Sila ang may pinakamaingay na reaksyon sa lahat ng nadaaanan namin. Dudugo yata ang tainga ko! Nakita ko rin na hinawakan ni Sky ang tainga niya. Mukhang nakakabasag kasi talaga ng eardrums ang tili no’ng dalawa. "Omg. Omg. Omg." "Omg. Omg. Omg." "Omg! Omg! Omg!” Paulit-ulit na sinasabi ni Debbie habang hinahabol niya ang mabilis na paglalakad namin ni Sky. Teka, saan nga ba kami pupunta? Lumagpas na kasi kami sa classroom namin. Tapos wala ring tao sa classroom nang nasulyapan ko ito. Ano bang nangyayari? Nasaan ang mga estudyante? Wala bang klase? "Kayo na guys? Kayo na? Kayo na?" Si Karen naman, humahabol na rin. Paulit-ulit din niyang sinasabi yung, "Kayo na?" na linya. Nakakairita rin! Susme. Tumingin ako kay Sky at parang naiinis na siya sa paulit-ulit na sinasabi at tinatanong ni Debbie at Karen. Nakakainis naman kasi talaga, eh. Para kasi kaming apat na ang magkakahawak ng kamay ngayon. Para kaming quadruplets na hindi mapaghiwalay. Ayaw kasing bumitaw ni Debbie kay Sky at ayaw din humiwalay ni Karen sa akin. Napipikon na talaga yata si Sky. Napansin ko kasing dumidilim ang kanyang aura. Hindi ko alam ang pinaplano niya. Hindi ko rin naman matancha ang ugali nitong lalaking ‘to. Medyo bipolar kasi talaga siya, eh. "Let go of us," mahina niyang sinabi. Pero nakakatakot ang kanyang itsura. Bigla namang kumalas na rin sila Debbie at Karen. Kung hindi lang hawak ni Sky ang kamay ko ay kumalas na rin siguro ako sa kanya. Nakakatakot kasi siya, eh. Para talaga siyang dinosaur na gwapo. Hinila ako ni Sky papuntang elevator. Hindi na nagdalawang-isip sumabay ang ibang mga tao sa loob ng elevator kasi nakakatakot talaga si Sky. Leader kasi siya ng kinatatakutan na Vengeance. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit tatlo palang silang nakikilala ko na members ng Vengeance? No’ng sinearch ko kasi ito dati, apat ang members nito. Ang The Royals din, apat ang members dapat pero si Debbie at Karen lang ang kilala ko. Hindi rin naman kasi nakalagay sa website kung sino ang mga members, mga pangalan lang ng leaders ang nakasulat. Sino kaya yung mga nawawalang members ng dalawang squad? Hay! Bakit ko ba pinapakialaman? Ang pakialamera ko talaga kahit kailan. Nasa loob pa rin kami ng elevator nang biglang binasag ni Sky ang katahimikan. "What the hell?" panimula niya. "What the hell?" ginaya ko siya. Ano ba kasing ibig niyang sabihin? "Bakit hindi mo sinasabi sa mga nakakaasar na friends mo na may boyfriend ka na? Huh?" Naiirita niyang tanong. Pero nakakatuwa pa rin pakinggan kasi slang siya. Hahaha. Pinipilit niya pa rin mag-Tagalog. Ang cute. "Kailangan pa ba? Halata naman na, eh." "Tsk. Kahit na." "Sige sasabihin ko nalang mamaya." "No." "Oh, bakit naman?" "Because we're going to announce it to the school." Napanganga ako. "A-Ano? Kailangan pa ba ‘yon?" "Yes. We're public figures, idiot." Oo nga pala, sikat sila ni Janina rito. Pero tawagin ba naman akong idiot? Ang sama! "Kailan mo naman balak i-announce?" "Now,” sabi niya. Sakto, biglang bumukas na ang elevator. Anak ng gulay, ano ang binabalak mo, Sky? Nakarating na kami sa 5th floor ng ECB. Pumasok kami sa loob ng Eastville auditorium. Pinasukan namin ang backstage kung saan may mga ibang naghahanda sa kani-kanilang performances. Ano bang mayro’n? Bakit may mga performances? Naririnig ko ang mga hiyawan ng tao mula sa labas. Mukhang lahat yata ng estudyante ng ECB ay nandito ngayon sa auditorium. Kaya pala no’ng dumaan kami sa classroom ay nakapatay ang mga ilaw nito at walang mga tao. Pagkatapos ng mga ilang minuto na pagmamasid sa mga tao mula sa backstage… Anak ng? Ngayon ko lang nakuha. Ngayon ko lang na-gets yung sinabi ni Sky kanina sa elevator. Lahat ng estudyante nandito sa auditorium? Ang ibig sabihin ay... Ia-announce namin ni Sky sa buong school ang relasyon namin ngayon? Nakakahiya! Lalo na kung hindi naman tototo! Nandito pa naman yung ibang mga professors! Tapos may stage freight pa naman ako! Mahiyain kasi ako. Hindi naman ako sanay sa mga tao. Kung tutuusin nga, taong bahay lang naman talaga ako! Ni hindi nga ako sanay maligo, eh! Ano ba to?! Waaa! "Huy!" Kinurot ko ang kamay ni Sky. Magkaholding hands pa rin pala kami. Ang tagal na nito. Pawis na pawis na kamay ko. Hindi ba siya nandidiri? "Ouch! What?!" "’Wag mo sabihing dito natin ia-announce na tayo na?" Hindi niya ako sinagot. Tinuro lang niya ang isang manila paper kung saan nakaline up ang mga sunod-sunod na magpe-perform. Nakita ko na naka capitalized pa ang 'SKY AND YNNA PUBLIC ANNOUNCEMENT' na pang 4th sa mga nakasulat sa manila paper. "Anak ng!" Kinurot ko ulit ang kamay niya. "Bakit ba?" naiinis niyang tanong. Binitawan na rin niya ang kamay ko sa wakas. "Hindi p’wede!" pagtutol ko. "What do you mean?" "Hindi nga p’wede!" "What the hell?" "Tsk. Eh kasi... Ugh…" "What?!" Nagagalit na siya. Oh no! "Eh kasi, nahihiya ako." Ayon. Nasabi ko na rin. Tumawa lang siya. Parang nagloloko lang ako para sa kanya. "Tawa tawa ka d’yan?!" Kinakabahan na talaga ako. "Stop fooling me, Ynna. Hindi ka mahiyain. I know that." Ay shemas. Oo nga pala. Bakit ba lagi kong nalilimutan na si Janina nga pala ay kabaligtaran ko? Bumuntong-hininga nalang ako. Wala na ba akong magagawa? Oo. Wala na nga. ‘Pag hindi ako pumayag at makahalata itong si Sky na nahihiya talaga ako, baka mahuli pa niya ang tunay kong pagkatao. *** Parang ang bilis ng oras. Tapos na ang dalawang performance. Ang bilis talaga. Kasalukuyan na ring nagpe-perform na ang pangatlo sa stage. Kami na ni Sky ang susunod. Tinignan ko si Sky at tila ba kampanteng-kampante lang siya sa kinauupuan niya. Wala man lang siyang kahit konting bahid ng kaba sa katawan niya. Eh ‘di siya na ang confident. "Thank you very much Ms. Annika Reynoso for a very good acoustic performance!" narinig ko mula sa backstage na sinabi ng host. Waaa! "Up next is a very special announcement from the school's most famous heir and heiress, Sky, and Janina! Let's all welcome them on stage." Waaaa! Ito na talaga! Bigla akong kinuha ng mga babae na mukhang dancer sa backstage at hinatid nila ako sa stage. Hindi ko kasama si Sky. Nasaan siya? Ano ito? Ako lang mag-a-anounce? Nahiya na ba siya? Iniwan niya ako ngayon sa ere? Tumingin ako sa dagat ng mga tao na nakatingin sa akin. Waaaa! Nakakahiya! Ako lang mag-isa rito sa gitna ng stage tapos wala akong kasama! Hayop ka, Sky! Humanda ka sa akin! Ginagantihan talaga niya ako ng todo! Nakakainis! Naiiyak na ako! Waaa! Mukha akong tanga dito! Anong gagawin ko?! Magwawalk-out na sana ako kasi ‘di ko na talaga mapigilan umiyak dahil sa hiya. Mahiyain na nga ako, napahiya pa ako kasi wala akong kasama sa stage. Pero hindi natuloy ang walk out drama ko dahil biglang namatay ang mga ilaw sa auditorium. Ang buong akala ko ay nagbrown-out pero hindi naman pala. May maliit kasi na spotlight na nanggagaling sa dagat ng mga tao, sa gitna mismo ng sobrang daming tao. "Baby, this is for you." Hindi ko siya agad nakilala. Malabo kasi ang mga mata ko. Pero ang boses na ‘yon, hindi ako pwedeng magkamali. Si Sky ‘yon. Siya lang din naman ang tumatawag sa akin ng baby, eh. Bigla nalang akong nakarinig ng lalaking kumakanta mula sa mga tao. May hawak siyang gitara ar nagst-strum siya. Hindi nagtagal ay nagsimula na siyang kumanta. English. ‘Di ko ma-gets. Pero… ang ganda pala ng boses niya? Paano niya napaganda ng ganyan ang boses niya kung lagi siyang amoy yosi? Akalain mo na may tinatago pala siyang talent? Napatulala nalang ako habang pinapanuod ko siya. Nagtitilian din ang mga tao sa paligid. Pero si Sky at sa akin lang nakatitig. Ang gwapo… Erase. Erase! ‘Di p’wede. ‘Di ako pwedeng magwapuhan sa kanya. Ano ba naman kasi ‘to? Ano pa bang mga pakulo niya? Kainis! At talagang nakatayo lang ako rito? Pagkatapos niyang kumanta ay naglakad iniwan niya ang gitara niya sa kung sino. Tapos no’n ay naglakad siya papunta sa kinaroroonan ko. Sinundan ng spotlight ang bawat hakbang siya papunta sa akin. Palakas din ng palakas ang tili ng mga tao. Umakyat siya sa stage at lumapit sa akin. Nanigas ako ng bahagya. Bigla niyang hinila ang baywang ko kaya naman biglang naging sobrang lapit mg mga mukha namin. Medyo may pawis siya pero mabango pa rin siya. Waaa! Ano ba ‘tong mga pinagsasabi ko? Eh kasi naman eh! Ang lapit niya! Ang dami pang tao! Mahina niyang kinanta ang last chorus ng kanta. Hindi rin niya binibitawan ang baywang ko habang kinakanta niya ito. Ako naman? Parang poste na hindi makagalaw. Hindi ko alam kung ano ba ang una kong dapat na maramdaman eh. Hiya? Inis? Kilig? Hala! Ba’t may kilig? Wala ‘yon. Hiya lang o inis. Wrong send! Pagkatapos ng kanta ay kinuha niya mula sa gilid ng stage yung bonquet of flowers na dala dala niya kanina no’ng sinundo niya ako kanina sa condo. Binigay niya ito sa akin nang naka-smile. Whew! Muntik na akong matunaw! Grabe rin ang mga techniques niya para pagselosin si Farrah. Effort kung effort. Bakit kaya mas gusto ni Farrah yung Dave? Pareho rin namang bastos yung dalawang lalaki pero ‘di hamak naman na mas gwapo itong si Sky. "Baby. I love you,” sabay kiss niya sa cheeks ko. Asdfghjk. Hindi ko alam bakit ba ako nakakaramdam ng ganito! Ano ba ito? Parang umiikot ang sikmura ko! Natatae yata ako! Tinatawag ba ako ni Mr. Brown? Kailangan ko yatang pumunta na sa CR at maglabas ng 50 shades of brown! Hay! "Hi guys! We just want to announce that Ynna and I are officially in a relationship," kalmadong sinabi ni Sky habang pinupunasan ang pawis niya. Nagsigawan na naman ang mga tao sa auditorium. Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsisigawan nila kasi masyadong natulala yata ako sa kiss ni Sky. First time kasing may nag-kiss sa akin sa cheeks. At dalawang beses na niya ito ginawa sa akin ngayong araw. Oh Sky, tigilan mo ang kaka-kiss mo sa akin. Baka hindi na kita ibalik kay Farrah. Diyos ko po! Ano na naman ba itong sinasabi ko? Joke lang yun. Joke. Hahay. Maghunos dili ka, Ynna. Bawal ako mainlove, ‘no. Nasa kontrata ko ‘yon. At siyempre, pagaaral muna. Itong mission namin ni Sky, mission lang ito. Wala nang halong iba pa. Sana. . . . © mharizt
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD