Chapter 7

1512 Words
• ALYNNA MARIE PAREDES • "Wake up, girl! Dali!” Napangiwi ako dahil maaga palang ay kumakatok na si Shibama sa kwarto ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa ulo niya at bakit ganitong oras niya akong naisipang gisingin. Dati, sobrang late niya kasi ako ginigising, eh. Minsan nga, hindi talaga niya ako ginigising talaga. Wala naman siyang pakialam kung malate ako o hindi, eh. Pero ngayon, makakatok, wagas! Parang emergency! Ano naman kaya ang mayro’n? Nakahiga lang ako sa kama ngayon. Inaantok pa ako. Hindi kasi ako nakatulog kagabi ng maayos. Iniisip ko kasi kung ano ba itong gulong napasukan ko. Masyado yata akong nagiging padalos-dalos sa mga desisyon ko at kilos ko. Lahat ng taong madaanan namin kahapon ay nakatingin sa amin ni Sky. Eh kasi ba naman, holding hands while walking kami. HHWW! Kaloka kaya. First time ko ito. Ganito pala ang feeling. Hindi ko maintindihan! Tapos todo pa ang ngisi niya na para bang nanalo siya ng lotto. Hinatid niya ako hanggang sa labas ng condo ko ng nakaholding hands lang sa akin. Lakas maka tunay na boyfriend! Nakakainis din naman kasi itong sarili ko kasi nakakaramdam ako ng kilig kahit hindi naman dapat. Wala naman akong karapatan. Masasaktan lang din naman ako kapag pinagpatuloy ko ‘tong pantasyang ito. Hay. Dali-dali kong kinalas ang kamay namin sa pagkakahawak kasi baka makita ni Shibama. Baka magsumbong pa siya kay Janina. Alam kasi ni Shibama na may mga rules si Janina at isa do’n ay ang hindi ako p’wedeng ma-inlove. Mahirap na. Baka magkagulo lang. Tsk tsk. "Girl! Girl! Open the door na nga!" paulit-ulit na tugon ni Shibama. Oo nga pala. Kumakatok pala siya. Hahaha. Lumipad na naman ang utak ko. "Shibs? Bakit? Sandali lang, maliligo lang muna ako!" sigaw ko pabalik. Para marinig naman niya kahit na nakasara yung pinto. "Okay! Hurry up! Okay?" "Ha? Bakit ba? Maaga pa naman ah?" "You have a visitor!" tili niya. "Huh? Sino?" "A gwapo boy! Gosh! So gwapo!" Nanginginig pa ang boses niya. Huh? Sino naman kaya ‘yon? Wala naman akong maisip na gwapo na lalaking bibisita sa akin bukod kay Papa. Namilog bigla ang mata ko sa excitement. Ah! Baka si Papa nga! Kahit naman medyo matanda na si Papa ay napaka-gwapo pa rin niya! Mukha siyang matangkad na action star! Siguro siya nga! Siya lang naman talaga ang bibisita sa akin. Wala rin naman kasi akong ibang kaibigan na lalaki bukod kay Caloy. Na-excite naman ako bigla! Namiss ko si Papa eh! "Si Papa ba?!" Nae-excite kong tanong. "Papa ka ba niya? Sana papa rin kita!" Narinig kong tanong ni Shibama sa kausap niya. Baklang ‘to talaga! Napakalandi! Pati ba naman sa tatay ko? "Hindi raw!" sigaw ni Shibama pabalik sa akin. "Huh? Sino naman kaya siya?" "Boyfriend mo raw!" Nalaglag ang panga ko. "Ano?!" "Sky daw! Ang gwapo! Swerte mo, girl!” Ano?! Anong ginagawa niya rito? At nagpakita pa talaga siya kay Shibama! Hala naman, eh! Lagot na talaga ako kay Shibama! Lagot din ako kay Janina kung nalaman niya! Nako naman! Mabilis akong naligo. Halos wisik-wisik na nga lang ang ginawa ko sa sobrang taranta ko. Dugyot naman talaga ako kaya keri ko na ‘yon. Ano ba naman kasing pumasok sa ulo nitong si Sky at bumibisita siya ng ganito kaaga? At bakit siya bibisita? Halos magka-klase naman kami sa halos lahat ng subjects kasi blockmates kaya kami! Dali-dali kong tinawag si Shibama para ayusan na niya ako. Oo, lagi kasi niya akong inaayusan talaga. Hindi ako pwedeng lumabas ng condo nang hindi ako naayusan ni Shibama. Kasama ‘yon sa rules. Medyo nasasanay na rin naman ako. Ang galing din kasi niya. Alam na alam niya ang propesyon niya. Pagpasok palang ni Shibama ay hinanda ko na ang sarili ko para mag-explain tungkol sa nakita niya. Baka naman kasi magsumbong na siya agad kay Janina. Sayang naman ang scholarship ko. Baka makauwi ako sa Bohol ng wala sa oras kung sakali. ‘Wag naman sana. "Shib—" pinutol niya agad ang sinabi ko. "Hephep! You don't need to explain! I'm not your enemy! Always know that I'm always going to be by your side," sabi ni Shibama habang sinimulan na niyang i-blower ang basang buhok ko. "Ha? Hindi ka magsusumbong?!" "No! Ano ka ba girl! Na sa’yo ang loyalty ko, promise!" Tinaas niya ang kanang kamay niya. "B-Bakit?" "Wala lang. Mas mabait ka kasi kay Janina at mas maganda. Hihihi. She's always mean to me. And she's so mean for telling you not to fall in love. Tao ka lang naman. You have the right to love and be loved. Kaya tama ‘yang ginawa mo. Fall lang kung fall! Maiintindihan naman ni boylet ang sitwasyon mo soon!" "Shibs naman. Hindi naman ako in love,” bulong ko. "What? Ginagamit mo lang si boylet? Omg! Magkadugo nga kayo ni Janina! Bad ‘yan, girl!" "Hindi ‘no! Hindi ako manggagamit!" "Then what?" Huminga muna ako ng malalim. "Eh kasi… Fake girlfiend na niya ako for one year. May nagawa kasi akong kasalanan sa kanya at ‘yon ang hiningi niya na kapalit." "What?! Omg!" sigaw ni Shibama. Nahila pa niya ang buhok ko. Sabunutan ba raw ako? Bakit naman siya biglang sumigaw? May topak lang? "Sssh! Bat ka sumisigaw? Huy!" bulong ko ulit. Sinubukan naman niyang bumulong na rin. "One year mo siyang fafa? Omg! For all I know, tactics lang niya ‘yan! Manliligaw talaga ‘yan sa’yo soon! Ganda mo kaya! Sayo nalang ‘yan si fake boyfriend mo para akin nalang si fafa Caloy, ha? Hihihi." "Shibs naman, eh. Hindi nga. Kunwari lang kami. Gusto kasi niyang mabalik sa kanya ang ex niya. Pagse-selosin lang namin siya kasi galit kay Janina yung ex niya. ‘Yon lang ‘yon. Period." "Hmm. ‘Yon lang ‘yon ngayon. Pero bukas kayo na. I can feel it. Bagay kayo, eh." Umiling ako. "Shibs naman, eh." "Trust me. Never pa akong nagkamali sa instincts ko. Ginirlfriend ka niyan kasi tactics niya yan for you to fall for him. Hihihi! Kilig. Buti ka pa, bagong salta lang sa Maynila, may love life na! Ikaw na, ‘teh!" "Ewan ko sa’yo." "Promise! Pustahan pa tayo eh! In one year, magiging kayo niyan." "Bahala ka sa buhay mo, Shibs. Hindi nga eh." "Ewan ko rin sa’yo! Sige na! You're all dolled up na! Ganda mo! Meet your boyfie outside na. Yikee!" pangaasar pa niya. "Kainis ka!" napipikon kong sinabi. Nag-pout pa ako sa kanya, pero wala siyang pakialam. Hinila lang niya ako agad palabas ng room. Nagulat ako sa nakita ko. Nakita ko si Sky na may dalang bonquet of flowers. Pero hindi yung flowers yung ikinagulat ko, si Sky. Ang gwapo! Ang gwapo gwapo gwapo! Magulo ang buhok niya, naka blue v-neck shirt, beige shorts at white chucks siya. Nakakainis! Bakit kasi siya nandito? Ang mga mata ko! "Sige na! Sisibat na ‘ko! Bye! Enjoy! Hihi." At tuluyan nang umalis si Shibama sa condo. May imee-meet pa yata siyang friends na mga beki rin. Bago siya umalis ay kinindatan pa niya ‘ko sabay sabi ng, "Aja!". Baliw talaga. Hay. Naiwan tuloy kaming dalawa lang nitong masungit na gwapong ‘to sa loob ng condo ko. Wala kasi si Caloy ngayon. May overnight gimmick yata sila no’ng mga workmates niya. "Shall we?" panimula niya. Tinignan ko lang siya. Ano ba ang trip nito? "Tara na!" Nagalit ba naman agad? Hinawakan niya ang kamay ko sabay labas sa condo. "Saan?" tanong ko habang kinakaladkad niya ko palabas. "Sa school?" "Sinusundo mo ba ako?" "What do you think?" "Bakit may flowers ka?" "For you." Kumunot ang noo ko. "Bakit hindi mo binibigay sa akin?" "This is for later." "Anong mayro’n mamaya?" "Surprise." Nag-smirk siya. Ano naman kayang surprise mayro’n ito? Kinakabahan na ako, ha! Sinasabi ko na nga ba eh! Bakit pa kasi ako pumirma? Engot ko talaga! Grr! "Ano ngang surprise?!" Kumindat siya. "Secret, baby." "Baby ka d’yan! Kadiri ka!" "Baby." At talagang inulit pa niya! Grr! "Bakit mo ako sinundo?" Iniba ko nalang yung topic. Baka kasi mapikon ako. Medyo pikunin pa naman ako. Aminado ako do’n. "As far as I remember, you're my girlfriend." "As far as I remember, fake lang ito." "As far as I remember, I have the right to control this relationship." "As far as I remember, kailangan mong mag-Tagalog." "Tsk,” nainis niyang sinabi. Haha! Natalo ko siya. Hindi yata ako nagpapatalo sa mga ganito ganito! "Bleh! I won." Nilabas ko ang dila ko at inasar siya. "As far as I remember, I can do this." Bigla niya akong hinalikan sa cheeks. Nagulat ako sa ginawa niya. Nanlaki ang mga mata ko at tila lahat ng dugo ko ay napunta na sa cheeks ko. Naging parang na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakangisi si Sky. "I think I won." Oo na. Panalo siya. Hindi na ako makakilos o makapagsalita man lang, eh. Anong bang epekto ang mayro’n ka sa akin, Sky Anderson? . . . © mharizt
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD