• ALYNNA MARIE PAREDES • "Where is Anderson and Fortaleza?!" galit na tanong ni Erick sa bouncer nang nakarating na sila. Kasama na niya si Dwight. Mukhang nag-aalala talaga sila. "Erick! Nandito ako!" pagsigaw ko bago pa man makasagot ang bouncer. Kanina ko pa sila hinihintay dito sa labas. Ang hirap kasi kontrolin ni Sky. Hinayaan ko nalang muna siya sa kamay ng mga bouncer sa loob. Mamaya kasi ay baka mag-Chinese naman ‘yon. Mahirap na! Spanish pa nga lang, dumudugo na ilong ko eh! Pero nakaka-curious, ano kaya yung sinasabi ni Sky kanina? Te amo? Te quiero? Ise-search ko nalang next time kung maalala ko man. Nanlaki ang mga mata ni Erick at Dwight nang nakita nila ako. Hindi yata nila ako nakilala dahil wala akong make-up? Dahil pangit ako ngayon? Tsk. Malamang dahil din sa dami

