• ALYNNA MARIE PAREDES • "Sige na nga." Tinignan ko lang siya. Kumunot ang noo ko. Ano kayang sinasabi niya? Nasasapian ba ‘to? Bigla nalang kasi nagsasalita habang nagtitimpla ng gatas. "I said sige na nga! Bingi ka ba, girl?!" "Anong sige na nga?" pag-ulit ko. Ginawa pa akong bingi. Itong baklang 'to, namumuro na talaga 'to sa akin, eh. Una, peklatin daw ako tapos naging lampayatot tapos ngayon bingi naman? Aba! Sumosobra na siya, ah. "Sige na, p’wede mo nang pansinin ni Sky. Ayaw ko namang madamay kayo ni Sky sa away namin ng boyfie ko, ‘no! At lately, sobrang lungkot mo, girl! I don't wanna see you like that!" umiling siya. "Kaya gora na! Talk to Papa Sky and be happy together!" Oh? Bakit naging tungkol kay Sky bigla? Kinakalimutan ko na nga siya, eh. Shibama naman eh! "Hindi i

