• ALYNNA MARIE PAREDES •
[Rehearsal Room]
Pagpasok ko sa rehearsal room ay nakakita ako ng iba't ibang musical instruments. May gitara, drums, piano, violin at kung anu-ano pa. Yung mga nabanggit ko lang kasi yung alam kong pangalanan. Hehe.
‘Wag mong sabihing ipapatugtog nila sa akin ‘yan, ah? Wala akong alam na gamitin ni isa d’yan.
Mas gusto ko pang kumanta. Kaso sabi rin naman ng Papa ko na sintunado raw ako. Hindi raw ako nagmana kay Mama na magaling kumanta. Hmp.
Pero naniniwala pa rin ako na magaling ako kumanta. Ang galing-galing ko kaya. Lalo na kapag nasa CR, kulang nalang ay ma-discover na ako. Mga tatlong album na siguro ang nagagawa ko kung sakali. Bwahaha.
Pumunta ako sa may piano at nakakita ako ng librong naglalaman ng mga lyrics ng iba't ibang kanta.
Kinuha at ko ang lyric book na ito at nagsimulang bumirit ng iba't ibang kantang alam ko. Wala namang tao eh. Para makapag-practice na rin ako. Baka dahil sa pageant na ito ay tuluyan na talaga akong ma-discover. Yes!
‘Give me one moment in time *bend*
When I'm racing with destiny *piyok*
Then in that one moment of time *pikit*
I will be free *ubo*’
Ay shocks. Pumiyok ako. At naubo pa! Hehe. Sayang! Masyado yata itong mataas. Favorite ko pa naman ito! Sobrang ganda naman kasi ng lyrics, eh! Tagos na tagos sa damdamin! Sino ba naman ang ayaw maging free? Lalo na sa sitwasyon ko ngayon? Hay! Change song na nga lang.
Kumanta nalang ako ng isang mabilis at upbeat na kanta. Sinabayan ko na rin ng sayaw. Kung pangit ang boses ko, eh ‘di idadaan ko nalang sa giling at kembot. Marunong din ako mag-split. P’wede ‘yon pang finale.
Nag-practice lang ako ng nag-practice hanggang sa napagod ako.
Wooo! Nakaka-hingal!
S’yempre sinabayan ko pa posing pa sa dulo! Feel na feel ko rin pala talaga mag-sayaw!
Kaso kapag nag-sing and dance naman ako, baka hindi kayanin ni Sky. Kasi malamang mas mataas ang boses ko sa kanya. Narinig ko na siyang kumanta noon, eh. Mas magaling pa rin ako sa kanya. Dapat pala ‘pag pumili ako ay yung mukhang alam din ni Sky.
Hmm. Ano kaya?
Alam ko na!
Tinignan ko ang iba pang page hanggang sa nakita ko ang kantang tunay na babagay sa boses naming dalawa ni Sky! Ang kantang hinahanap ko!
At sigurado ako na alam ito ng lahat ng tao!
Favorite ko rin kasi ito, eh. Mga 12 times ko na yata napanuod ang movie nito kaya naman memorize na memorize ko na ang kantang ito. Ito yung kanta sa movie na may snowman at may babaeng kapangyarihan ng yelo.
Si Sky naman, bagay na bagay din sa kanya ‘to. Wala lang. Feel ko bagay sa kanya, eh. Wahaha!
Kinanta ko ‘yon ng malakas at sinayaw na rin. Kunwari pa ay nagba-ballet ako sa ilang parte ng kanta. Dahil feel na feel ko ang pagbirit, humiga na rin ako sa sahig at doon ako tumili nung huling mataas na linya, sabay tirik ng mata.
Whew! Kapagod.
Pero ang galing ko!
Napalingon nalang ako sa likuran ko nang may biglang pumalakpak!
"Bravo! Hahaha!"
Nanigas ang buong katawan ko nang narinig ang pamilyar boses. Kilalang-kilala ko ang boses na ‘yon!
At ‘yon na nga, nakita ko si Sky na pulang-pula na sa kakatawa.
Kanina pa ba siya nandito? Waaaa! Hindi man lang siya nagsalita! Pinanuod pa talaga niya ako? Nakakainis!
"You never fail to amaze me, Ynna! Hahaha!" Patuloy pa din siya sa pagtawa! Eh kung sipain ko kaya ‘to? Hmp!
"Anong nakakatawa, ha?!" Nagtapang-tapangan ako. Siguro kakarating lang naman niya, eh.
"You, your moves, and your voice! Hahaha!" Pulang-pula pa rin siya at tawa pa rin ng tawa.
"’Yan ang kakantahin natin!" sigaw ko.
"No way!"
"Eh ano?!"
"Hindi ka naman marunong kumanta, eh. Ang pangit kaya ng boses mo. Ang akala ko dati marunong ka, hindi naman pala eh," sabi pa niya. Grr!
"Ang sama mo! Ang galing ko kaya!"
"’Wag mo nang pilitin at uulitin ‘yon, ah? Sumayaw nalang tayo. Nakita kita kaninang sumayaw. Mas may future ka kung sasayaw ka nalang. Para kang kiti-kiti eh."
"K-kanina ka pa ba nandito?" Nahiya naman ako bigla. Feel ko namula ako ro’n. Nakita niya akong nagsasayaw na parang baliw?! Waaaa!
"I’ve been here since your first song."
Hala?!
"Nakakainis ka!"
Binato ko sa kanya yung music book na hawak ko kanina. Babatuhin ko pa sana siya ng iba pang mga papel o kahit ano pang mahawakan ko pero bigla naman siyang lumapit sa akin at tinitigan ako sa aking mga mata habang hawak niya ang dalawa kong kamay.
"We'll just dance. Okay?" pabulong niyang sinabi. Husky voice. Wow. Ngayon lang niya ako kinausap ulit. Yung tunay na paguusap.
"Pangit ba talaga boses ko?" tanong ko.
"We'll just dance," paguulit niya. Siguro nga napangitan siya. Hindi naman kasi ako nakapag-vocalize eh. Next time magvo-vocalize nalang muna ako bago magpractice.
"Anong sasayawin natin?"
Imbis na sagutin ako ni Sky ay kinuha nalang niya ang kanyang cellphone ay may pinindot do’n. Nilagay naman niya ang kanyang isang earphone sa tainga ko at yung isa naman ay sa kanya. Nagpatugtog siya ng isang mabagal na kanta. Yung kantang tila marerelax ka kapag narinig mo. Ang ganda.
Kinuha ni Sky ang dalawa kong kamay at pinaikot ‘yon sa kanyang leeg. Samantalang siya ay hinawakan naman ang baywang ko. Unti-unti din niyang pinagdikit ang ulo naming dalawa.
Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ano bang ibig sabihin nito? Napapagod na ba ako? Dahil kaya sa sobrang pagsasayaw ko kanina? May sakit ba ako sa puso? Waaaa!
Nagsimula na kasing gumalaw, pero bakit parang biglang ang tigas na ng katawan ko? Bakit nangyayari ito sa akin tuwing malapit si Sky?
Pinagpapawisan ako! Eh ‘di ba ang lamig lamig dito sa rehearsal room? May sakit na nga yata ako! Hala! Kailangan ko nang pumunta sa ospital!
Pero ‘di ba yung may mga sakit, hindi dapat pinapawisan? Eh ako? Grabe ang pawis ko! Ano bang nangyayari?
Tumitig sa mga mata ko si Sky. Parang hindi ako makahinga. Pero bakit may parte sa akin na ayokong tumigil itong nararamdaman kong ito? Ang ganda ng mga mata niya. Kaya ko itong tignan habang buhay…
Hindi nagtagal ay mas lalo pang lumapit sa akin si Sky. Waaa!
Ngayon ay magkadikit na ang mga ilong naming dalawa. Konting galaw lang ang gawin ko ay tila mahahalikan ko na siya!
Kung halikan ko kaya siya? Try lang naman! Nakakaakit eh. Waaa! Ano ba itong iniisip ko?! Bakit kasi ang lapit niya! Baka hindi na ako makapagpigil!
Sumasabay na ngayon si Sky na kumakanta sa music habang sobrang lapit pa rin ng mukha niya sa akin. Ang ganda ng boses niya. Oo na. Inaamin ko na na mas maganda talaga ang boses niya sa akin. Ang bango din ng hininga niya. Ano kaya ang mouthwash niya? Masubukan nga.
Pero ang pagtibok ng puso ko, ayaw pa rin tumigil. Ano ba ‘to? Huhu. Ano bang mayro’n kay Sky at lagi ko itong nararamdaman? Ginagayuma ba niya ako?
May lahi ba siyang mambabarang?
Mamaya pa ay inilapit pa lalo ni Sky ang kanyang mukha sa akin at umaktong hahalikan na ako...
Alam kong hindi p’wede pero… marahan ko pa ring ipinikit ang mga mata ko.
Handa na ako sa p’wedeng mangyari. At sa p’wedeng kaparusahan nito.
Handa na akong matikman ang first kiss ko...
Heto na, Ynna.
...pero biglang tumunog ang tiyan ko.
Omg.
Galit na galit yung tunog ng tiyan ko!
Napalayo si Sky at napatingin sa akin. Nagulat siya n’ong umpisa pero nag-smirk rin siya pagkatapos. Waaa! Narinig ba niya yung tiyan ko? Nakakahiya!
Rinig na rinig naman kasi yung pagtunong ng tiyan ko kahit naka-earphones kami ni Sky, eh. Gano’n ba talaga ako kagutom?
Oo nga pala, hindi pa pala ako nakakapag-lunch! Si Shibama kasi eh, puro pagcli-clinic yung inaatupag. Sayang naman yung kiss! Hmp.
Ano ba naman ‘tong tiyan na ‘to? Wrong timing! Nakakainis! Waaa! Joke lang! Bakit ba ako naiinis? Inaasahan ko ba na hahalikan talaga ako ni Sky? Sinabi ko ba ‘yon? Hindi! Joke lang ‘yon! Right timing pala yung tiyan ko! Tama yung timing, oo!
Tama lang na hindi kami mag-kiss. Wala namang namamagitan sa amin, eh! Tama tama! Ang kiss ay para sa taong mahal mo.
"Why are you pouting? Nabitin ka ‘no?" Nakasmirk siya.
"H-ha? Anong sinasabi mo? Hindi ako nakapout ‘no! At walang nakakabitin!"
Naka-pout ba ako?
"Nakakabitin yung kis—"
"Hindi ‘no! Ang kapal mo, ha!" pinutol ko kung yung sasabihin ni Sky. Ramdam ko kasi na nagiinit na naman ang mukha ko. At ayoko ng topic namin! Narinig ko naman na tumawa siya ng mahina.
"Anyway, are you hungry?"
Tumango nalang ako. Whew! Buti nalang nag-change topic si Sky.
"Let's eat, then."
Umiling ako. "Hindi na, ako nalang."
"No. I'm still in charge of your food."
"Ha?"
"Nutrition, remember?"
"Ah, oo nga pala. Paano yung practice?"
"Next time na."
"O-oh sige."
***
[Cafeteria]
"Sarap! Woo!”
“Ang crunchy nito, oh!”
"Sarap talaga! Tara Sky, kain ka pa!"
"Matakaw ka talaga, ‘no?" tanong niya bigla sa akin.
Kumain muna ako ng lechon kawali bago sumagot. "Oo naman! Grasya kaya ‘yan! Grasya!"
"You're funny."
"Whatever, lumamon ka nalang kasi!"
Umiwas siya ng tingin bago nagsalita ulit. "Hey, Ynna, I’m really sorry about the food I let you ate on the game last time..."
Ngumuya ako ulit. "Ano ka ba! Okay na ‘yon! Tagal na no’n! Pinag-buffet mo na nga ako, ‘di ba? Ang sarap kaya no’ng hipon do’n! Bawing bawi ka na, bro!"
Ngumiti siya ng kaunti.
"I'm glad nakabawi na ako. Tara na, bilisan mo na d’yan. We still have a nutrition class. Bigayan na ng grades mamaya sa month-long activity."
Mabilis kong kinain yung huling subo. Pinagkasya ko lahat sa bunganga ko.
"Tapos na!" Tinaas ko ang kutsara at tinidor no’ng natapos ko nang simutin yung pagkain ko. Whew! Busog!
"Okay, let's go." Tumayo na si Sky.
"Thank you, Sky. Dalawang beses mo na kasi ako nililibre, eh."
"You're welcome, Ynna." Ngumiti siya sabay hila niya ng kamay ko paalis ng table hanggang sa paglabas namin sa cafeteria.
Oo nga naman.
Fake girlfriend niya kasi ako.
Kaya normal lang ang HHWW.
***
[Classroom - Nutrition Class]
"Anderson and Fortaleza, failed!" pasigaw na sinabi ni Ms. Kara.
"A-ano?" / "What?" sabay naming nasabi ni Sky.
"You both lost weight! Ang goal natin ay maging normal kayo, right? Sky, look at Ynna, she's very underweight! Mas pumayat pa siya! And Ynna, look at Sky, normal na siya before, you should've maintained it! Pero nabawasan pa rin ang timbang niya! And since you are partners, you will recieve the same grade. Same failing grade."
"Pero ma’am!" pagtutol ko.
"No BUTs, young lady! You may now leave."
Waaa! Pinalabas ako ni Ma'am Kara ng room. Pinagchi-chismisan na naman tuloy kami ni Sky!
"Ay grabe! Kala ko mas okay kasi magka-relasyon sila."
"Oo nga eh! Bagsak din pala."
"Twice na bumagsak si Sky! Bad influence yata si Ynna eh!"
"Baka imbis na pagkain kasi ang pinapakain, iba ang kinakain nilang dalawa!"
"Tama! Masyado kasi silang liberated!"
"Kadiri naman!"
Tinignan ko si Sky at kitang-kita na parang dissappointed siya. Kasalanan ko na naman ba ito?
'Oo, kasalanan mo. Never mo kaya siyang pinakain,' sabi ng maliit na boses sa utak ko.
Oo nga pala, never ko man lang siya binantayan sa mga kinakain niya. Halos nawala na rin sa isip ko na may nutrition activity pala kami.
Eh kasi naman eh, hindi ko man lang siya matignan sa mata. Tapos lagi pang mabilis ang t***k ng puso ko kapag kasama ko siya. Tapos lagi pa siyang umiiwas sa akin. Pa’no ko naman kaya siya mapapakain? Ayan tuloy, ako na naman ang may kasalanan. Huhu.
Kakausapin ko sana si Sky para mag-sorry pero ‘pag tingin ko sa tabi ko ay wala na siya. Nasa pintuan na siya banda at nagwa-walkout na ang bruhildo!
"Sky!" sinigawan ko siya para tumigil siya pero ‘di pa din siya tumitigil sa paglalalakad palayo.
"Sky!" ulit ko.
Ayaw pa rin!
Hinabol ko nalang siya! Mabilis kaya ako tumakbo!
"Sky, sorry na!" sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kanya.
Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng ibang mga students. Sanay na ako sa atensyon nila. Pero si Sky, ayaw pa rin niyang humarap! Sobrang grade concious naman nito! Siya na ang matalino! Siya na ang na-hurt kasi bumagsak! Kainis!
"Sky—aaah!”
Aray!
Ang sakit!
Nadapa ako!
May natapakan kasi akong… bato?
Anak ng haliparot nga naman! Nag-kiss tuloy kami ng sahig! Sahig ang naging first kiss ko imbis na si Sky!
At hindi lang ‘yon. Sinubukan kong tumayo pero ‘di ko magawa.
Kasi...
Nasira pala yung wedge ko!
Ano ba ‘to? Kala ko mamahalin ‘to? Bakit nasira?!
At take note, may sugat pa pala ako!
Pinaglihi ba ako ni Papa sa kamalasan?
“Aray! Huhu. May dugo sa tuhod ko! Ang sakit! Ang sama mo sa akin, Sky!” pagsigaw ko.
Pagkasigaw kong ‘yon ay bigla ko naman siyang nakitang papalapit na sa direksyon ko. Kainis! Kailangan ko pa palang madapa at magkaroon ng duguang tuhod para lang mapalapit siya sa akin? Grr!
"Clumsy." Ito lang ang sinabi niya sa akin bago niya ako inalalayan papuntang clinic. Binuhat na naman niya ako.
Pangalawang beses na niya akong dinala sa clinic. Pangalawang beses na rin niya akong nilibre ng pagkain.
Pero itong t***k ng puso ko tuwing magkasama kami, hindi ko na mabilang kung pang ilang beses na.
'Lagot na,' sabi ng maliit na boses sa utak ko.
.
.
.
© mharizt