• ALYNNA MARIE PAREDES •
Isang buwan na pala ang nakakalipas simula no’ng pumasok ako sa ECB. Kung tutuusin ay napakaikling panahon lang ng isang buwan pero masasabi ko talagang marami nang nangyari. Parang sumakay ako sa isang roller coaster ride ng isang buong buwan.
Whew!
Grabe.
Pero so far, nage-enjoy naman ako.
Minsan, nakakaiyak na ewan, pero mas iniisip ko nalang ang mga bagay na nakapagpapasaya sa akin dito sa Maynila.
Miss na miss ko na rin si Papa. Ang alam ko ay binigyan siya ni Janina ng open ticket para bumisita siya sa akin dito sa Maynila kung kailan man niya gustuhin, eh. Bakit kaya ayaw pa niya gamitin? Ayaw ba niya akong makita? Huhu. Baka naman ay binenta na niya ‘yon? Hmp.
Sa school naman ay naging mas mahinahon na ang lahat. Wala nang masyadong ganap. Nakakapagaral na ako ng matiwasay. Salamat naman.
Kasa-kasama ko pa rin ang The Royals. Medyo natututo na rin ako mag-English. Oh, ‘di ba! Kaya ko na silang sabayan! Hehe! Pero siyempre mas magaling pa rin sila. Asa pa akong mapantayan ko sila.
Naging mas close na rin ako sa iba pang miyembro ng Vengeance na sila Erick at Dwight. Nakakapagkulitan na kami minsan. Mababait din naman pala sila. At nirerespeto nila ako bilang tao at bilang kaibigan kaya naman ay sapat na ‘yon sa akin.
Si Sky naman, lagi pa rin akong hinahatid at sundo rito sa condo namin. Ginusto niya ‘yon eh. Hayaan nalang natin siya. Mapapagod din naman siya at titigil din naman siya kapag naging sila na no’ng Farrah babes niya. Eww. Parang gusto kong masuka? Hehe. Joke lang.
Hinahatid lang niya ako pero hindi naman kami halos naguusap. Pekeng-peke lang talaga ang mga pag-uusap namin. Naguusap lang kami kapag kailangan. Kapag nandiyan si Farrah niya. Kapag kailangan namin pagselosin yung Farrah niya. ‘Yon lang.
Huling maayos na pag-uusap namin ng bruho ay doon pa sa buffet. Ang saya saya ko no’n. Hindi lang dahil sa masasarap na pagkain, kung ‘di dahil din sa unti-unti ko nang nakikilala si Sky.
Mabait din pala siya at matulungin. Akalain mong binuhat pa niya ako papuntang clinic.? Nakakakilig kung iisipin. Pero hanggang do’n nalang pala iyon. Matatapos na pala ang lahat noong araw din na ‘yon. Dahil pagkatapos ng insidenteng ‘yon ay hindi na niya ako pinapansin man lang. Hindi talaga yata niya ako kayang gawin na kahit kaibigan man lang. Eh ‘di ‘wag.
Nag-ring ang cellphone ko sa tawag ni Merylle.
"Bes! I miss you! Kamusta ka na?" pagbungad ko.
[‘Eto bes, miss na miss ko na rin kayo.] Parang malungkot ang boses ni Merylle.
"Magkikita na rin tayo! Konting hintay nalang! Hihi!" Sinubukan kong pagaanin ang pakiramdam niya sa pamamagitan ng pagkikita namin ulit. Alam kong pagkatapos pa ng school year kami magkikita pero ‘di ba mabilis lang naman ang panahon?
[Bes... Hindi umuwi si Caloy.] Ano daw? Eh ano naman kaya?
"Ha? Uuwi ba dapat siya?"
[Oo, bes. Sabi niya sa akin uuwi siya. Pero hindi siya umuwi. Alam mo ba kung nasaan siya?] Dama ko na malungkot talaga ang boses ni Merylle.
"Kausap ko lang siya kahapon. At parang wala naman siyang nabanggit sa akin na aalis dapat siya."
[Ah gano’n ba... baka nalimutan na niya. Sige, okay lang.]
"Anong nakalimutan niya, bes?" Ano ba ang nangyayari? Bakit parang wala akong alam?
[Wala naman. Hehe! Kaartehan ko lang. Sige na. Bye, bes. May klase pa ako eh.]
"Teka Bes—"
At naputol na ang linya.
Binabaan ba naman ako? Hmp. Merylle talaga.
Pero...
Ano naman kaya yung nakalimutan ni Caloy at parang napaka-lungkot ng boses ni Merylle? Nakalimutan niya kaya na monthsary nila ngayon?! Anak ng gulay! Sila na pala?! Hindi man lang nila sinasabi sa akin! Nakakatampo sila, ah! Parang hindi nila ako bestfriend. Hmp!
Hay! Buti pa sila, puma-pagibig!
Eh ako, pumepeke lang.
Ang unfair naman ng buhay.
***
[Saavedra Medical Clinic]
"Aray ko po!"
"Waaaa!"
"Huhuhuhu!"
"May dugo!"
"Papa!"
"Mama!"
"Lord!"
"Okay. You're done," sabi no’ng babaeng nag-murder ng mukha ko.
Tumayo ako at pumunta kay Shibama nang umiiyak. Ang sakit kasi!
"Shibs! Huhuhu! Bakit nila ginawa ‘yon sa mukha ko?!"
"Gaga! That's called treating pimples!"
"Treating?! Eh feeling ko nga lumaki lalo pimples ko eh! Ang pula lalo ng mukha ko!"
"Girl, ganyan talaga! Ikaw kasi eh, sabi ko sa’yo weekly ka dapat pumunta, ‘di ba? Ayan tuloy, tinubuan ka ng mga s**o! P’wede ka nang maging taho!"
"Normal lang naman ‘yon ‘no! Hindi naman ako perfect! Baka kasi magkakaroon na ako! Nagkaka-pimples kasi ako kapag malapit na ako magkaro’n eh!"
Inikutan ako ng mata ni Shibama sabay ngisi. "Wushu! Baka naman kasi masyado kang inlove!"
"Hay! ‘Eto na naman ba tayo, Shibs?"
"Ayiee. Miss mo siya agad?"
"Ewan ko sa’yo."
"Yikee."
"Shibs!" pigil ko sa kanya.
"Okay. Okay. I'll stop. Kinikilig kasi ako eh!"
"’Lika na nga! Umuwi na tayo!"
"No! Itrea-treat pa ang skin mo!" pagtutol ni Shibama.
"Hindi pa tapos? Eh ang hapdi na nga ng mukha ko, eh. At wala na akong pimples!"
"Pero madami kang peklat! Peklatin ka, girl, peklatin! Taho na nga yang mukha mo, taho pa yung binti mo! P’wede ring s**o't gulaman! Sa’n ka ba kasi nagsususuot?!"
"Grabe naman. Ang sakit mo naman makapagsalita, Shibs! Huhu. Sumosobra ka na ha! Porke’t gwapo kang bakla ka!"
"’Wag ka ngang maarte, girl! Kailangan mo ito! At excuse me, hindi ako gwapo! Maganda ako! Maganda tayo!"
Bumuntong-hininga ako.
"Bakit? Kasi almost perfect na ang skin ni Janina? Dapat gano’n din ako? Sorry naman. Hindi naman kasi ako siya, eh. I am not perfect!" Tignan mo, napapa-English na ako ng wala sa oras! Hanep!
"It's not about Janina!"
"It's not about Janina!" ginaya ko siya pati boses niya. Pati na rin expression niya. Wahaha.
"Aba aba! Gumaganyan ka na girl, ah!"
"Umuwi na kasi tayo eh!"
"No! Kailangan mo ayusin ang skin mo! Kasi ikaw ang magiging Ms. ECB! At si Sky ang magiging Mr. ECB! Kayo ang representatives ng school niyo sa darating na Philippine Campus King & Queen pageant! Kakalabanin niyo ang iba't ibang schools! Kaya need mo maging maganda, girl! You need to win!"
Napatigil ako sa narinig.
Ano daw?
"A-a-ano?!"
Teka lang. Parang masyado akong maraming nalaman. Ano raw? Representative ako? Tapos si Sky ang partner? Pageant? Win? Waaaa!
"Yup! Tumawag ang ECB sa akin para paghandain na raw kita! Exciting, ‘di ba? Tapos Skynna loveteam pa ang lalaban! Sure win!"
"Maghunos dili ka!" kinilabutan ako sa sinabi niya! Gumawa ba naman ng loveteam?! Anak ng tokwa!
"Skynna! Skynna!" At talagang inulit ulit pa! Tsk!
Totoo ba talaga ito? Ano ba itong napasukan ko?! ‘Kala ko okay na ang lahat. May dadating at dadating pa rin pala na gugulatin ka! At oo, gulat na gulat ako!
"Oh, Diyos ko."
"Don't you worry, dear! Kaya nga tayo nasa skin clinic eh! Aayusin ka namin. Gagawin ka naming perfect! Tapos mahaba-haba pa ang oras para makapag-practice kayo ni Sky! The day before sembreak pa ang competition!"
"P-practice?!"
"Oo! Duh! May talent portion kaya do’n! Hindi ka naman pababayaan ni Sky, girl!"
"T-talent Portion?!"
"Yup! Stop repeating nga, girl! Para kang sirang plaka, eh!"
Oh no!
"Omg," nasabi ko ito nang nakatulala. Nasasanay na nga yata ako maging Janina. Kaso itong pageant? Lagot na. Wala akong experience sa mga ganito! Bokya ako rito!
"Exciting, ‘di ba?"
Tumango nalang ako.
Exciting daw, eh.
Hayaan niyo siya.
"Pero Shibs, kailan naman magpra-practice?"
Ngumiti siya bago nagpamewang. "Tomorrow!"
"Bukas?!"
"Yup!"
"Bukas na talaga?!"
"Paulit-ulit, girl?"
"..."
Nag-pout nalang ako. Nakakainis. Parang wala lang sa kanya ‘yon. Sabagay, ako naman yung mapapasubo at hindi siya eh.
Hindi naman daw ako pababayaan ni Sky?
Kung alam lang niya na hindi kami nagpapansinan…
Waaa! Paano na?
I'm dead. So dead. Double dead.
Pero ‘di nga?
Bukas na?!
Waaa!
***
• SKY JAMES ANDERSON •
[Vengeance Room]
It has been weeks since I last talked to Ynna.
Yes, I am spacing out a little because she has a tendency to be really lovely. And I don't want myself to be falling on to her trap.
I never want to make the same mistake Dave did. I know that I also have a mission to make her fall in love with me but what if Erick's right? What if I was the one to fall? It's very clear that she won't be there to catch me. She's a b’tch for crying out loud. I won't let that happen.
If I need to space out while making my Farrah jealous, I will do it.
But what the hell?
"Totoo, bro! Ikaw at si Ynna ang napili bilang Mr. & Ms. ECB! At rehearsals niyo na mamaya! Rehearsal room 21 daw kayo!" Erick brought up the news.
"Bro! Tadhana na yata ang gumagawa ng paraan! Hahahaha! Wooo!" Dwight cheered.
"Shut it," I said, annoyed.
"Ano kayang magiging talent niyo? Dapat yung nakakakilig," Erick suggested.
"Kakanta si Ynna tapos sasayaw si Sky! Duh!" Dwight again.
"Mas maganda sana kung same sila ng talent. Kumanta ka nalang kaya, Sky? Basta kilig! Hahahaha!" Erick again.
"Yeah, whatever."
Our conversation stopped when we heard someone knocking on our room.
"Come in," I said.
"Sky, pumunta na raw po kayo sa rehearsal room. Nando’n na rin po si Ynna,” someone said.
"Okay."
"Woooo!" teased Dwight and Erick.
"This is it!"
"This is the moment! Hahaha!"
"Go, bro!"
"Tsk," I said as I left the black room.
Let's see how this one will go.
.
.
.
© mharizt