Chapter 16

1840 Words
• ALYNNA MARIE PAREDES • Pagkatapos ng halos tatlompung minuto ng paghihintay at pakikipag-usap kay nurse Arlene ay dumating na si Sky na may dalang kahon ng... sapatos? Anak ng adobo. Bumili ba siya ng sapatos? Ang buong akala ko ay pupunta lang siya sa condo namin at hihingi kay Shibama ng isa sa mga wedge kong extra. Pero mukhang hindi ‘yon ang ginawa niya. Kaya naman pala ang tagal niyang makabalik. Galing pa pala siya sa mall! "Here.” Inabot niya sa akin ang kahon ng sapatos. Tinanggap ko ‘yon at nagpasalamat bago ko siya tinignan. "Bakit ka pa bumili? Sana kumuha ka nalang sa condo." "Just wear it," paguutos niya. Siya na ang bossy. Nakita ko naman si Nurse Arlene na nakangiti sa gilid ng clinic at parang kinikilig pa. Ewan ko ba pero talagang naiinis kasi ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Siguro kasi masyado kasi siyang nanghihimasok sa sitwasyon namin na wala naman siyang ka alam alam. Oh baka siguro magkakaroon na talaga ako kaya sumusungit ako. Binuksan ko nalang ang box... ...at ikinagulat ko ang aking nakita. Omg. "H-heels?!" halos tumaas ang boses ko sa gulat sa nakita. Tumango lang si Sky. Wala man lang siyang pakialam sa sinabi ko. "H-heels?!" paguulit ko pa. Nilakihan ko ang mga mata ko. "What? Just wear it," naiirita na ang tono ni Sky. Teka, nagulat lang naman talaga ako. Pero maganda naman yung heels. Sobrang ganda nga eh. Halatang mamahalin. Ang eleganteng tignan. Magkano kaya ang bili ni Sky dito? Paniguradong umabot sa libo ang presyo nito. Pero hindi ‘yon yung problema ko, eh. Ang problema ko ay hindi kasi talaga ako marunong mag-heels. Kaya nga wedge yung laging pinapasuot sa akin ni Shibama, eh. Kasi kung hindi ko napuputol ang heels ay ang buto ko naman ang napuputol ko. Ilang beses din ako nahulog no’ng training noon tuwing pinapag-heels ako ni Shibama. At saka feeling ko, nirarayuma ako kapag nagheeheels ako eh. Pero paano na ngayon? Wala naman yata akong magagawa. Mukhang kailangan ko na namang pangatawanan ang pagiging Janina ko. Alangan namang hindi marunong si Janina mag-heels, ‘di ba? Siguradong mahuhuli na ako ni Sky kung sakali. Hmm. Eh kung sabihin ko kayang may rayuma si Janina? Waaa! Hindi rin p’wede. Mahuhuli ako pag gano’n. Susuotin ko nalang ba? Ito na ba yung tinatawag nila na tiis ganda? "Ilang inches ito?" tanong ko. "Seven," walang emosyon na sinabi ni Sky. Napanganga ako. "Anak ng sopas. Bakit mo naman naisipan bigyan ako ng seven inches na heels?" Tinignan niya ako ng maigi. "Eh ‘yan naman ang mga gusto mo, 'di ba?" Nagulat ako sa tanong ni Sky. Oo nga naman. Iyan ang dapat na mga gusto ko. Tsk. "O-Oo! Oo! Ito ang gusto ko." Ngumiti ako ng peke. "Salamat Sky, ha. Hehe.” Tipid lang siyang ngumiti. Muntik na ako do’n ah. Sinuot ko nalang ng dahan-dahan ang heels na bigay niya. Ang ganda talaga. Kulay pula ito at velvet ang tela. Napakanipis din ng heels nito na para bang konting galaw lang ay mapuputol na agad. Closed shoes siya tapos may strap na naka diagonal. Basta, ang ganda lang talaga. Kaso ang taas taas lang din talaga. Pero paano kaya nalaman ni Sky ang size ng paa ko? Eh hindi ko naman sinasabi sa kanya? Ang galing naman niyang manghula kasi saktong sakto talaga sa paa ko. "Ayan, nasuot ko na." "Good. It fits you." Nakangiti na siya ngayon. Kailangan ko lang pala suotin yung bigay niya para lang mapangiti siya. Parang bata naman itong si Sky. Pero nakakatuwa naman siya. Ang cute niya kasi. Mababaw lang din pala ang kaligayahan niya. "Thank you," sabi ko ulit habang nakangiti. "You're welcome. Let’s go." "Eh? Saan naman tayo pupunta?" May pupuntahan pala kami? Parang wala naman yata akong maalala. Hindi yata ako na-inform. "We'll eat." "Na naman?!" Kakakain ko lang kanina sa cafeteria, eh. Nilibre pa nga niya ko, 'di ba? "Kunwari ka pa, gusto mo rin naman. Kilala na kita. Hindi ka makakatanggi sa pagkain. ‘Tsaka magdi-dinner na rin naman. It’s almost five." Hmp! Kainis siya, ah. Oo medyo gutom na rin naman ako ulit. Matagal-tagal na rin pala kami dito sa clinic. Medyo kanina na rin pala kasi yung libre niya sa akin sa cafeteria. "Oo na. Gutom na rin ako," pag amin ko. Bukod kasi sa gutom ay gusto ko na rin umalis dito kasi ba naman, kanina pa sulyap ng sulyap at ngiti ng ngiti si Nurse Arlene sa amin ni Sky. Nakakainis na ewan. Hay! "I knew it. Come on," nakangiti niyang sabi. "O-okay." Dahan-dahan akong tumayo. Nako, ito na nga ba ang kinakatakot ko. Sobrang tangkad ko! Eh halos magkapantay na yata kami ni Sky sa sobrang taas ng heels ko eh. 5'4 lang ako tapos nadagdagan ng 7 inches eh ‘di 5'11 na ako ngayon. Parang kapre na ang dating ko eh! Hinila ni Sky ang kamay ko pero dali-dali ko 'tong hinigit pabalik para mabitawan ako ni Sky. "What the hell?" reklamo niya. "Ah...eh..." Itinanaas ni Sky ang kanyang magkasalubong na kilay. Pinapakita niya na hinihintay niya ang susunod kong sasabihin. Halatang naiinis na rin siya ng kaunti. Napaka-ikli talaga ng pasensya nito! "Eh... kasi..." Ano ka ba naman, Ynna! Mag-isip ka nga ng dahilan! Isip isip isip! Ano bang magandang sabihin? "What?!" inis na sabi ni Sky ulit. Waaa! Ano ba kasing sasabihin ko? "Ah... eh..." "What now?" Tumaas na ngayon ang boses niya. Hala! Nakakatakot. "I'm just..." simula ko. "You're just...?" "I'm just... enjoying." "Enjoying what?" "Ah... enjoying the steps. Hehehe." Anak ng bulalo, Ynna. Sana lumusot ka! Lusot please! "You like the heels that much?" Nag-smirk siya. "Ah, oo. Hehehe! Ang ganda. Woo! Kaya parang ayoko pa kasi ilakad. Kasi baka masira! Hehe!" Tama! Sana nalusot ko ‘yon! "Nah. What's the use of it if you're not going to walk with it? Come on." Hinila na naman niya ang kamay ko at at this time, mas mahigpit ang hawak niya kaya naman imposible nang mahigit ko pa ito pabalik. "Teka, Sky! Ikaw nalang ang kumain. H-hindi pa pala ako nagugutom." Huminto ako. Hindi ko yata talaga kaya ito. "No." Nagsimula na ulit maglakad ni Sky habang hawak niya ang kamay ko. "Sky, paano mo nalaman ang size ng paa ko?" Huminto ulit ako sa paglalakad. Hindi ko talaga keri maglakad nang ganito ang sapatos. Nananakit na agad ang muscles ko sa binti. Konting lakad pa at baka pulikatin ako. "I estimated it,” simpleng sagot lang niya. Naglakad na siya ulit habang hila hila ako. Aray ko po! Huhu. Bakit ba parang biglang naging malayo yung parking lot? Nasa ECB garden palang kami! Eh ang laki laki nito! Mukhang mahabang lakaran pa! Waaa! Ang hirap namang maging Janina! Yung lakad ko ngayon ay gumegewang-gewang at nanginginig pa yung paa ko. Para akong sumasayaw na lasing. Parang nagba-balance din sa circus ang dating ko nito. Kitang-kita na rin na galit na galit yung mga muscles sa legs ko. Nagsilabasan na yung mga mangga sa paa ko! "Could you walk a little faster? I'm hungry. I have a reservation at the same buffet restaurant we ate at before." Namilog ang mga mata ko. "Wow! Doon ulit?" Napahinto ako ro’n. Kung kanina ay humihinto ako dahil sinasadya ko, ngayon napahinto talaga ako sa saya dahil sa international buffet pala ulit kami pupunta! Parang biglang nawala yung sakit na iniinda ko no’ng narinig ko yung pangalan ng restaurant! Naalala ko kasi bigla kung gaano kasarap yung mga niluto kong hipon eh! "Yup!" Nag-smile siya. "Eh paano ka naman nagkareservation doon?" "Kanina, no’ng bumili ako ng heels mo," simple niyang sagot. Kaya pala ang tagal niyang dumating. Hinila niya ako ulit at naglakad ng mas mabilis. At ako naman, sinubukan kong maglakad din nang mas mabilis sa abot ng aking makakaya... ...pero sabi ko na nga ba, hindi ko talaga kaya. Kasi iba ang nangyari... Tumagilid ang heels ko kaya naman na out of balance na ako at tuluyan na akong nahulog. Inihanda ko na ang sarili ko sa muling paghahalikan namin ng sahig pero imbis na matigas na sahig ang makasalubong ko ay iba ang naramdaman ko. Sinalo na naman ako ni Sky. Pero hindi ang mga kamay niya ang sumalo sa akin ngayon. Kung hindi ang lips niya... ...na nakadikit sa lips ko. Juskopo. Nanlaki ang mga mata ko sa mabilis na pangyayari. At kitang-kita ko rin na nanlaki din ang mga mata niya sa gulat. Parang nagpapalakihan kami ng mga mata habang magkalapat ang mga labi namin! Ni isa ay wala rin ang kumilos sa amin! Halos limang segundo din yata kami sa gano’ng posisyon. Nasa taas niya ako. Pinapaibabawan ko si Sky sa garden ng ECB kung saan maraming taong nakakakita sa aksidenteng nangyari sa amin. Pero wala akong makitang ibang tao. Ang nakikita ko lang ay si Sky na sobrang lapit sa mukha ko. Nang natauhan ako ay bigla akong lumayo sa kanya at pilit na tumayo. Hinawakan ko rin ang labi ko at pilit na ikinakalma ang dibdib kong nagwawala. Pero bago pa man ako tuluyang makatayo ay hinila niya ang aking kamay kaya naman napaupo ako bigla sa damuhan. Pareho na kaming nakaupo ngayon sa damuhan ng garden, magkatinginan. Tatanungin ko pa sana siya kung bakit niya ‘yon ginawa, pero sobrang bilis ng mga sumunod na nangyari. Bago ko pa malaman ay hinila na niya ang likod ko sa pamamagitan ng kanyang kanang kamay at inilapit ito sa kanya. Pagkatapos ay hinawakan naman niya ang pisngi ko gamit ang kanyang kaliwang kamay at... Hinalikan niya ako ulit. Ang halik na ito ay ibang-iba sa kaninang aksidenteng halik na naganap sa amin. Ngayon kasi, gumagalaw na ang labi ni Sky. Ako naman, hindi ko alam ang gagawin ko. Parang poste lang ako rito. Hindi rin naman kasi ako marunong humalik. At ito kasi ang unang beses kong mahalikan. Pero sa hindi malamang dahilan ay napapikit na rin ako at parang nakakasabay na rin ako sa ginagawa ni Sky. Hindi ko rin namalayan na napahawak na ako sa dibdib ni Sky at medyo nagusot ko pa yata ang damit niya. Bago lang naman talaga sa akin ang lahat ng nangyayari. Wala akong experience sa mga ganitong bagay. Isa lang ang alam ko... Si Sky Anderson ang first kiss ko. At sa garden pa ng ECB! Public place pa kaya naman siguradong pinagchi-chismisan na kami ngayon ng mga estudyante. Alam kong dapat ay magalit ako o kaya naman ay mainis ako dahil maaaring makasira ito sa pinangangalagaan kong imahe ni Janina. Pero nakakapagtaka dahil kabaligtaran ang nararamdaman ko. Alam kong dapat kong tigilan ang pakiramdam na ito. Alam kong mali ang lahat ng ito. Maling mali. Pero hindi ko mapigilang makaramdam ng tuwa nang kumalas si Sky sa pagkakadikit ng mga labi namin at nilapit niya sa tainga ko ang kanyang bibig at bumulong ng... "I've been dying to do that to you." English ‘yon pero gets ko ‘yon. . . . © mharizt
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD