• FARRAH MAE ALONZO •
"I love you, Dave," I said after he kissed me.
Kaya lang naman niya ako hinalikan kasi nakita niyang dumaan si Ynna at Sky. Hinahalikan lang naman niya ako kapag nakikita niya si Ynna, eh. He never kissed me kapag kaming dalawa lang. Kaya nga gusto ko na lumalapit lagi kay Ynna para halikan man lang ako ng lalaking mahal ko.
Oo, tanga ako. Tanga ako dahil mahal na mahal ko si Dave na kahit kailan ay hindi naman ako minahal. Pero tanga rin naman siya. Nagpapakatanga ako sa kanya habang siya naman ay nagpapakatanga kay Ynna. Kaya siguro kami naging magkarelasyon dahil pareho kaming tanga.
Well, Dave's hoping na magseselos kasi si Ynna after our kiss. But he was wrong, kasi hindi man lang lumingon sa gawi namin si Ynna at Sky na kasalukuyang naglalakad papuntang parking lot.
Naawa ako bigla kay Dave. Kung ako nalang kasi sana ang minahal niya eh ‘di sana wala kaming problema ngayon. Bakit ba kasi lahat nalang ng tao, mapa lalaki o babae, gustong gusto si Ynna? Ano bang meron siya na wala ako? I hate her. I really do.
Kakausapin ko pa sana si Dave pero paglingon ko ay bigla nalang siyang nawala sa tabi ko. Nakita ko siyang naglalakad nang papalayo sa akin. Pupunta na yata siya sa class niya since it's already past 6 PM.
Puro night classes kasi ang mga kinukuha niya para mabantayan daw niya si Ynna sa umaga. Sobrang tanga lang talaga niya. Eh ni isang bahid nga ng selos ay wala pa akong nakikita sa mukha ni Ynna eh.
I wonder kung talagang nahuhulog na kaya si Ynna kay Sky? Hindi man lang niya kasi tinitignan si Dave, eh. Ang alam ko ay mahal na mahal nila ni Dave ang isa't-isa noon. Pero for some reason ay nag-break sila. I don't know what exactly the reason is kasi hindi naman sinasabi sa akin ni Dave everytime I'm trying to ask him.
May chismosa ring nakapagsabi sa akin na ginagamit lang daw ni Sky si Ynna para pagselosin ako. I must be happy, but f’ck, minsan talaga nagseselos na ako.
They are very effective. I hate it. Alam ko namang ginagamit lang talaga ni Sky si Ynna at ako talaga ang mahal niya dahil nakikita ko pa rin na nagnanakaw siya ng tingin sa akin from time to time. Pero yung mga efforts ni Sky kay Ynna are something that he never did to me noong kami pa.
Minahal ko naman si Sky. Pero as a friend nga lang. Because it's really Dave that I’m in love with ever since. Nagtatampo lang talaga siguro ako kay Sky kasi parang mas special ang treatment niya d’yan kay Ynna kaysa sa akin. Eh 'di ba ako ang mahal niya? Dapat ako ang mas special. Pft.
"Fars! ‘Di ka pa ba uuwi?" said Jenna, my teammate. She’s one of Centuria's best volleyball players.
"Ah yeah, uuwi na din ako."
"Okay! Bye!"
"Bye!"
Naglakad na akong papuntang parking lot kung saan naghihintay sa akin ang driver ko. Dito sa ECB, bago ka pa man makarating sa parking lot ay madadaanan mo muna yung garden.
Nang napadaan na ako sa garden ay may narinig akong mga chismis at bulung-bulungan.
"Nagkiss si Sky at Ynna!"
"Ang sweet!"
"Grabe! Pero ang wild!"
"Pero sh’t! Bagay sila!"
"True! Sana sila nalang forever!"
I was alarmed with what I heard kaya naman bigla akong napalingon at naglakad papunta kung saan maraming taong nagkukumpulan at parang kilig na kilig.
And there I saw it.
F’ck!
They are both lying on the grass, kissing.
And Ynna was on top of Sky.
After ilang seconds ay tumayo na si Ynna but Sky pulled her and kissed her again.
Torrid, this time.
Napatalikod ako bigla sa sobrang galit. Sa sobrang inis. Nakakainis si Ynna! Ang landi!
Tumakbo ako papuntang kotse ko at inutusan ang driver na dalhin ako sa pinakamalapit na bar. Habang tumatakbo naman ay may naramdaman akong tubig sa aking mga pisngi. What the f’ck? Why was I crying?!
Nagseselos ba ako? Mahal ko na ba si Sky?
No.
I know and I’m sure that si Dave ang gusto ko from the beginning palang. And I am going to do everything to make him fall in love with me.
And si Sky? Hindi siya p’wedeng mapunta kay Ynna.
Dahil may alas ako laban kay Ynna and for sure hindi pa ‘yon sinasabi ni Sky sa kanya.
Pero pwedeng mapawalang bisa ang alas ko kapag tuluyan silang nainlove sa isa't isa. Kaya hindi ako papayag na mangyari ‘yon. Akin lang si Sky. At lalo na si Dave.
At bukod pa sa alas na hawak ko ay gusto ko ring pahirapan si Ynna. Gusto ko siyang nakikitang magdusa. Gusto ko siyang makitang umiiyak. Gusto ko siyang mawala sa mundong ito.
I hate you so much, Ynna.
You’ll be dead.
***
• ALYNNA MARIE PAREDES •
[Buffet]
Nandito ako ngayon at naghihintay na naman ng mga hipon. Bakit kasi ang tagal tagal nila mag-refill ng mga hipon? Huhu. Malapit na akong mabusog, eh. Hindi p’wedeng matapos itong buffet experience ko na ito nang wala akong nalalamon na hipon!
Nakakainis kasi kanina no’ng kaka-refill lang no’ng mga hipon, s’yempre pumila ako agad. Tuwang-tuwa pa ko no’ng ako yung naging pangalawa sa pila kasi ibig sabihin ay hindi ako mauubusan.
Pero ayon nga, yung kalbong matakaw na puputok na yata yung damit sa sobrang sikip yung nauna sa akin sa pila. At nilagay niya lahat sa plato niya yung kakalagay lang na hipon ng waiter. Wala tuloy natira sa akin. Kaya ngayon, naghihintay pa rin ako dito hangang sa may bago na namang refill.
Medyo naiilang din kasi akong lumapit at kausapin si Sky, eh. Sa totoo lang, pagkatapos no’ng nangyari sa amin kanina sa ECB garden ay hindi ko pa siya kinakausap. Hindi rin naman niya ako kinakausap kaya bakit ko siya kakausapin, 'di ba?
[Flashback]
"I've been dying to do that to you."
Natulala ako sa sinabi niya. Pero sa loob ko ay natuwa talaga ako. Hindi ko rin alam kung bakit.
Tumayo ako ng mabilis at dali-daling pinagpag ang mga dahon na dumikit sa damit ko. Gano’n din si Sky.
Hindi na niya ako kinausap pero hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan niya ako papunta sa kotse niya. Sa mga sandaling iyon ay parang nalimutan ko na masakit pala ang paa ko at mataas pala ang heels ko. Hindi ko lang talaga maintindahan ang mga nararamdaman ko.
Habang nasa biyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Nakatingin lang ako sa bintana at siya naman ay seryosong nagdra-drive lang.
Ang awkward.
Nang nakarating kami dito sa Buffet ay may kinuha muna si Sky sa likod ng kotse niya bago niya ako pinagbuksan ng pinto.
"Here. Wear this. Alam kong nahihirapan ka sa heels."
May extra pala siyang binili na flats.
So balak pala talaga niya akong pagtripan kanina sa seven inches na heels?! Tsk! Kakainis talaga!
Pero s’yempre, tinaggap ko agad yung flats. Laking ginhawa niyan sa akin ‘no! Lalo na at magbu-buffet kami. Baka hindi ako makaikot ng maayos kung naka-heels ako. Baka hindi ko pa masulit.
[Flashback ends]
Kaya ngayon ay naka-flats ako! Weee! Kaya malaya akong nakapag-ikot at malaya ko ring nahihintay ang mga hipon!
At speaking of hipon! Ito na siya!
Napangiti ako nang nakita ko ang waiter na may dala-dalang bagong set ng hipon sa tray. Nang inilapag niya ito sa harapan ko kung saan ako naghihintay ay dali-dali kong kinuha ang lahat ng laman nito. Che!
Kung kayang gawin ng matabang kalbong mapupunit na ang t-shirt sa kasikipan na kunin lahat ng serving ng hipon kanina, kaya ko rin! Tutal wala rin namang nakasunod sa akin kaya mas masama pa rin siya!
Pagbalik ko sa mesa namin ni Sky ay nilagay ko agad ang mga hipon sa ihawan namin at nilagyan ko pa ng mga pinaghalo-halo kong sauce. Ang saya saya ko lang.
Nang tumingin ako sa gawi ni Sky ay nakita kong nakatitig lang siya sa akin.
Hinayaan ko nalang siya at sinimulang lutuin lahat ng hipon na kinuha ko.
Nang naluto na ay nilagay ko lahat sa plato ko. Oo, matakaw talaga ako. Tinignan ko ulit si Sky at nakita ko na namang nakatitig lang siya sa akin! Waaa! Ano bang problema nito?!
Hala? Hindi kaya nahahalata na niya na hindi ako si Janina?
Waaa! Hindi p’wede!
"Sky, gusto mo ng hipon?" Ngiting-ngiti ako na inalok sa kanya ang mga hipon sa plato ko. Labag talaga sa loob kong mag-share kasi ako ang naghintay doon pero alang-alang sa pagtigil niya sa kakatitig, isha-share ko nalang!
Umiling lang siya tapos ipinagpatuloy lang niya ang pagtititig sa akin habang ako naman ay nagsimula nang magbalat ng hipon.
Medyo naiilang tuloy akong magbalat. Bakit kasi nakatingin siya?! No’ng una namang kain namin dito, hindi naman niya ako ako tinignan eh!
Binagalan ko nalang ang pagbabalat ko ng hipon at nagkunwaring sosyal na nandidiri habang binabalatan ito. No choice.
"Bakit ka bumagal sa pagbabalat?" Naka-smirk na siya.
Umiwas ako ng tingin. "W-wala lang."
"Naiilang ka sa mga titig ko."
Luh? Mind reader?!
"H-hindi ah!"
"Nagbu-buckle ka."
"Hindi nga eh!" Nagiinit na naman ang mga pisngi ko.
"Awkward ba?"
"Hindi nga!" sumigaw na ako. Kainis eh!
Tumawa lang siya at inilapit niya ng kaunti ang sarili niya sa akin.
"Bakit hindi mo ako kinakausap?" tanong niya.
"B-bakit naman kita kakausapin? Eh hindi mo nga rin ako kinakausap eh!"
"Hindi ka pa rin ba makaget-over sa halikan natin kanina?"
Halos maubo ako sa tanong niya.
"A-anong pinagsasabi mo?! Tumigil ka nga!"
Halikan talaga?! Eh siya lang naman ‘yon! Lakas niya kasi mangtrip!
"Namumula ka."
"Maanghang yung hipon!" pagsisinungaling ko. Ang tamis kaya no’ng hipon.
"Kinikilig ka." Naka-smirk na naman siya. Grr!
"Hindi!"
"Gusto mong ulitin natin?" Naging madilim ang tingin niya.
Waaaa! Katakot!
"Sky!" Nilakihan ko ang mga mata ko. Nangaasar na siya ng sobra! Napipikon na ako!
"Chill. Hahaha. Ikaw kasi, masyado kang matakaw."
"Wala kang pakialam!"
"’Tsaka hindi kita type ‘no."
Ouch.
"Natahimik ka?" tanong niya.
Oo nga naman. Bakit ba ako nagpapaapekto sa mga sinabi niya? Hindi ko rin naman siya type eh. Kapal ng mukha niya! Ninakaw niya ng first kiss ko. Sobrang importante pa naman sa akin no’n. ‘Tsaka ang alam ko wala sa kontrata namin ‘yon ah! Ang nasa kontrata lang namin ay sa cheeks lang!
"Hoy! Wala sa kontrata natin na p’wede mo akong halikan sa lips ah?"
Natahimik siya ng panandalian bago siya nakasagot.
"Pero nasa kontrata natin na p’wede kong dagdagan ang rules dahil ako ang masusunod sa relasyon na ito." Nag-smirk na naman siya. Kakabwisit!
"Bwisit!" sinabi ko ng malakas.
"Pikon!"
"Che!"
"Bakit ka biglang nagalit no’ng sinabi kong hindi kita type?" Nakangiti na naman siya ng nakakaloko! Waaa! Sasabog na ako sa inis!
"Hindi ako nagagalit!" pasigaw ang pagsagot ko.
Tumawa lang siya at naglabas ng isang bagong magazine na nakaplastic pa. Halatang kakabili lang nito at hindi pa nabubuksan. Ang akala ko ay ordinaryong magazine lang kaya hindi ko masyado tinignan pero no’ng napadaan ang mata ko roon ay nagulat ako.
"Anak ng! Bastos ka Sky!"
"Anong bastos? This is a men’s magazine."
Tinignan ko lang siya. Grabe! Nakatitig siya do’n sa babae na halos nakalabas na lahat ng kaluluwa. Naka-smirk pa siya habang hinahawakan ang parte ng magazine kung saan naroon ang mga private parts ng babae!
"Manyak ka!"
"Ganito." Tinuro niya ang babae sa cover ng magazine bago niya tinignan ang mga mata ko. "Ganito... ang mga type ko."
"Mga malalaman. Mga makukurba. Masasabaw. Makikinis. At may mga s*x appeal." pagdadagdag pa niya. "Kaya hindi kita magiging type kahit kailan dahil lampayatot ka, peklatin, at masyadong simple. Para kang hipon. No wonder favorite mo ‘yan," pagdagdag pa niya ulit.
Nakakainsulto na siya ah! Para siyang si Shibama!
Sinabihan ba naman akong hipon?! ‘Di ba ang ibig sabihin no’n ay pangit ang mukha at maganda lang ang katawan? Tapos sinabihan din niya akong lampayatot? Ibig sabihin pangit lahat sa akin simula mukha hanggang dulo ng mga daliri ko sa paa?! Aba't demonyo talaga ‘tong si Sky! Ang sama!
"Kaya kung nangangarap ka na maging type kita, simulan mo nang ayusin ang sarili mo. Maging ganito ka." Nag-smirk ulit siya sabay turo ulit niya sa babae sa magazine.
"Wala akong paki kung ‘di mo ako type! At hindi ako hipon!"
"Okay, sabi mo eh. Buti pa si Farrah, masabaw."
"Hoy! Bruho! ‘Wag mo nga ako kinukumpara do’n!"
"Selos ka?"
"Bahala ka na nga!"
Tumayo ako para mag-walk out pero umupo ako ulit para ubusin yung mga natitira kong hipon. Sayang e. Hehe.
Nakakainis talaga si Sky! Ang sama niya! Mapanglait! Kala mo gwapo! Oo! Gwapo nga naman siya! Pero kahit na! Makapagdiin siya na lampayatot ako? Grrr!
"Tara na." Inalok niya sa akin ang kamay niya pero tinabig ko ito at sa halip, kinuha ko ang magazine na may masabaw na babae sa cover.
"Oh? Anong gagawin mo d’yan? Panglalaki yan!" sabi niya.
Tinago ko sa bag ko yung magazine at nagdiretso na papasok sa kotse niya. Bahala siya! Bastos! Manyak! Kadiri! Siguradong sa loob ng magazine na ito ay mas marami pang kabastusan ang makikita niya kaya inalayo ko na ito sa kanya para hindi na niya makita ang mga kabastusan! Masyado na siyang nagiging makasalanan!
***
Pagpasok ko sa condo ay sumalubong agad sa akin ang isang mala-Adonis na lalaki at biglang niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko siya pabalik at isiniksik ang ulo ko sa kili-kili niya.
Na-miss ko ito ng sobra! Bakit ba kasi ngayon lang siya nagpakita? Napaiyak ako habang yakap-yakap ko pa rin siya. Siya ang pinakagwapong lalaki sa mundo! Mahal na mahal ko siya!
“Papa!” iyak ko. “I miss you!”
"Miss na miss na rin kita anak!" Binuhat niya ako at ipinaikot-ikot sa sala. Parang nasa movie lang kami. Yung tipong eksena kung kailan magkikita na ulit yung magkasintahan? Wahaha.
"Hep hep, tama na yan. Kakain na tayo," si Caloy.
"Caloy! Miss na rin kita! Ngayon lang tayo ulit nagkita!" Niyakap ko si Caloy at niyakap din niya akong pabalik. "Miss na din kita, Ynna."
"Si Shibama nga pala?" pagtatanong ko.
"Ayon, umalis daw muna sandali kasi magkikita daw sila ng boyfriend niya."
Nanlaki ang mata ko. "May boyfriend si Shibama?!"
"’Yon ang sabi niya kanina. Baka maghahanap palang. Hahaha!” sagot ni Caloy.
"Oo nga. Panigurado maghahanap palang ‘yon. Hahaha!" dagdag ko.
Nagkwentuhan lang kami ni Papa at Caloy tungkol sa mga bagay-bagay at mga pagbabago sa Bohol. Buti nalang ay wala rin si Shibama dahil siguradong magiging out of place lang siya.
Sobrang saya ko lang dahil nakasama ko na ulit si Papa at si Caloy. Ginamit na rin ni Papa sa wakas yung open ticket na bigay sa kanya ni Janina. Parang nawala lahat ng inis na naramdaman ko kanina kay Sky. Yung tungkol naman kay Sky at sa kontrata namin, hindi ko muna sinabi sa kanila. Kasi siguradong magugulat sila kapag nalaman nilang may kontrata na naman ako.
Sapat na siguro na si Shibama nalang muna ang may alam ng lahat. Ayoko kasing magaala pa sa akin si Papa at si Caloy. Gusto kong isipin nila na okay lang ako.
Naisip ko naman bigla yung sinasabi ni Sky na masasabaw ang mga type niya. ‘Yon din daw ang mga type ng halos karamihan ng mga lalaki. Kaya raw walang nagkakagusto sa akin kasi hindi naman daw ako masabaw.
Kaya naman kahit busog na busog ako mula sa early buffet dinner namin ni Sky ay kumuha pa din ako ng malabundok na kanin at nilagay ‘yon sa plato ko. Kailangan ko pa siguro talagang kumain ng mas marami para maging masabaw na rin ako balang araw.
Habang kinakain ko naman ang kanin ko ay nakita kong parang nakatulala lang sa akin si Papa at si Caloy. Tinignan ko sila at nakita ko ang mga bibig nila na nakanganga. Problema nila?
"Bngakeht poh?" tanong ko habang punung-puno pa rin ng kanin ang bibig ko.
"A-anak, buntis ka ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Papa. At aksidenteng nabugahan ko pa ng kanin ang mukha niya. Oops!
"Ha? Hindo ‘no! Papa naman!”
Nilinis niya muna ang sarili niya. "Grabe ka naman anak! Makabuga!"
"Sorry na, Pa. Ikaw kasi eh. Nanggugulat ka! Fresh from Manila naman ‘yang kanin na nabuga ko. Welcome to Manila raw sabi ng mga kanin. Hehe!"
"Eh bakit naman kasi ang dami mong kinakain? Alam naming matakaw ka pero mas lalo yatang lumala ngayon?" pagsingit ni Caloy.
"Gushto khoh kngasi…" Nilunok ko muna yung mga natirang kanin. "...maging" kinuha ko yung magazine na inagaw ko kay Sky kanina at pinakita sa kanila "...masabaw."
"Kaya kailangan kong kumain ng marami." Ginaya ko pa yung posing no’ng babae sa magazine na nakataas yung dalawang kili-kili at nakatingin sa malayo.
Nagtawanan lang sila. Bakit nila ako pinagtatawanan?!
"Bakit kayo tumatawa?!"
"Anak, na-miss talaga kita!" Kinurot ni papa ang pisngi ko.
"Hahaha! BFF talaga kita!" Kinurot naman ni Caloy yung isa ko pang pisngi.
"Sinabihan kasi akong lampayatot. Kaya ipapakita ko sa kanya na kaya ko ring maging masabaw!" pag-amin ko.
"Sino ang nagsabi anak?"
Napakamot ako ng ulo. "Ah.. Papa.. wala. Kaibigan ko lang."
"Lalaki ba ‘yan, anak?" tanong ni papa.
Waaa! Paano niya nahulaan?
"Ha? Hindi! Hindi! Bakla siya Papa. Hehe."
Tama! Kunwari si Shibama nalang! Tutal sinabihan din naman ako ni Shibama ng gano’n eh!
"Buti naman. Kala ko lalaki eh. Bubugbugin ko na sana,” sabi pa ni Caloy.
"War freak ka!" sabi ko sabay turo sa kanya.
"Joke lang,” sagot niya.
"Walang taong perpekto anak. Lahat tayo ay may mga kapintasan. Pero imbis na ibahin mo ito, tanggapin mo nalang. Dahil oras na matanggap mo ang kapintasan mo, d’yan ka magiging tunay na maganda," sabi ni Papa.
"At saka ‘wag mong iisipin ang mga pamimintas sa’yo ng iba. Naiinggit lang sila sa’yo o kaya naman ay nagpapapansin lang," dagdag pa ni Caloy.
"Maganda ka sa sarili mong paraan, anak,” si Papa ulit.
Ngumiti ako sa kanila.
"Maganda ako," ulit ko.
"Maganda ka, Ynna. At perpekto ka para sa akin,” sambit pa ni Caloy.
Nagulat ako sa sinabi ni Caloy at alam kong gano’n din si Papa dahil nakita kong biglang nanlaki ang mata ni Papa na para bang kakainin niya si Caloy.
"Joke lang! Whew! Kayo naman. ‘Tsaka bakit? Perpekto naman talaga ni Ynna ah! At maganda! Walang malisya!" Tinaas ni Caloy ang dalawang kamay niya.
"May gusto ka ba kay Ynna?" seryosong tanong ni Papa.
"W-wala po," kinakabahang sagot ni Caloy.
Katahimikan.
"Hahaha! Caloy talaga! Joke lang din!" pagbasag ni papa sa katahimikan.
"Hahaha!" Nagtawanan nalang kaming tatlo.
Mahal na mahal ko talaga ang dalawang lalaking ito. Hinding-hindi ko sila ipagpapalit sa kahit ano pa mang bagay sa mundo. Buti pa kay Papa at Caloy, maganda ako at perpekto ako para sa kanila.
Eh si Sky? Gusto pa ng masasabaw! Siya na ang may requirements! Bahala siya! Magsama sila ng masabaw niyang Farrah! Hindi rin naman ako umaasa na magugustuhan ako ni Sky eh.
'Hindi nga ba?' singit ng maliit ng boses sa utak ko.
Hindi nga!
.
.
.
© mharizt