• ALYNNA MARIE PAREDES •
"Nagkiss na kayo ‘no?" tanong ni Shibama habang ginagawa ang kilay ko.
Woah! Manghuhula ba siya o talagang mga mind reader lang ang mga tao rito sa Maynila?
Papaano naman kaya nalaman ni Shibama na nag-kiss na kami ni Sky? Nando’n ba siya no’ng naganap ‘yon? Waaa! Nakakakilabot naman!
"Hindi ‘no!" pagsagot ko. Salubong ang kilay ko para mukhang totoo.
"Eh bakit namumula ka girl? Hihihi."
Tinignan ko siya ng masama bago sumagot. "Meztisa ako!"
"Hahaha! Pero hindi nga? Anong base na ba kayo?" kilig na kilig na tanong niya.
Base?
"Ha? Anong base?"
"Ano nga? Share naman d’yan, girl!"
"Anong base nga?!"
"Hindi mo talaga alam? Are you a noob?!"
"Bakit kita tatanungin kung alam ko, 'di ba?"
"Fine, noob! 1st base kapag nahalikan ka na niya. 2nd base kapag mga mamon mo na ang nahalikan o nahawakan niya. 3rd base kapag isinuko mo na ang Corregidor. Homerun kapag isinuko mo na ang Bataan!" Kumekembot pa siya habang sinasabi niya. Hala?
"Waaa! Tumahimik ka nga! Baka marinig ka ni Papa! Bastos ka, Shibs! Magsama kayo ni Sky!"
"Tsh! ‘Di na ako maririnig ng Papa mo kasi busy ‘yon mag-impake. Male-late na kaya siya sa flight niya pabalik."
Oo nga pala. Babalik na si Papa sa Bohol ngayon. Nakakalungkot lang isipin na aalis na siya agad.
Kaya ako inaayusan ni Shibama ngayon kasi ihahatid namin siPapa sa airport. Hindi rin kasi siya p’wedeng magtagal dito kasi may trabaho siya sa amin. Kapag nagtagal siya rito ay baka maging mas mahirap na kami sa daga.
Si Caloy naman, ayon, pumasok na naman ng pagkaaga-aga sa trabaho niya.
"So ano ngang base? Hihihi!" pagputol ni Shibama sa mga iniisip ko.
"Wala nga!”
"Weh!"
"Eh ikaw? Bakit wala ka kahapon? Kasama mo raw boyfriend mo? May boyfriend ka na ba? O naghahanap ka palang? Ano? Ha?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya.
Napatahimik siya sa mga tanong ko. Huli! Nag-blush ang bruha! Nag-smile pa at biglang kuminang yung mga mata. Anak ng pasas. Inlove ang beki.
"’Wag mo ngang iniiba ang topic! Kinikilig ako eh! Dapat ikaw yung kinikilig, not me!" sabi niya ng may halong landi.
"Hahaha! Sino nga ‘yang bagong Papa mo? Dali na," pilit ko pa.
"No! Sabihin mo muna kung pang-ilang base na kayo ni Sky!"
"Hindi! Sa’yo muna!"
"Sa’yo nga!"
"Sa’yo na kasi, girl!"
“Sa’yo na sabi, eh!”
"Dali na, girl!"
Natigil nalang kami ni Shibama nang may doorbell sa unit namin.
Sino naman kaya ang bibisita sa amin ngayon? Ito ang unang Sabado na may nag-doorbell sa amin simula pa no’ng tumira ako rito. Si Sky kasi ay Monday hanggang Friday lang nandito para ihatid sundo ako sa mga klase ko kaya imposibleng siya ‘yan.
"Sino kaya ‘yon?" tanong ko kay Shibama.
"No idea akey!"
"Ah! Baka yung mystery boyfriend mo?"
Umirap si Shibama. "Of course not!"
"Weh?" Tinaas-taas ko ang kilay ko.
Tumakbo ako papunta sa pintuan ng kwarto ko para malaman kung sino ang nag-doorbell pero hinabol ako ni Shibama at hinila niya ang baywang ko palayo at dahil do’n, una siyang nakalabas. Macho eh! Malakas siya kasi hindi naman talaga siya tunay na babae eh. Lalaki pa rin siya kaya mas malakas talaga siya! Madaya!
Paglabas ko ay aasarin ko pa sana si Shibama pero nagulat ako sa reaksyon ng mukha niya. Mukha siyang gulat na gulat sa nakita niya.
Sinundan ko ang direksyon kung saan nakatulala si Shibama at...
Juskopo.
Nakaupo sa sofa ay si Sky Anderson at si Peter Paredes.
Patay kang bata ka. Anong gagawin ko? Baka sabihin ni Sky kay Papa na boyfriend ko siya! Baka malaman niya na Papa ko si Papa. Waaa! Ano bang pinaguusapan nila at bakit seryoso ang mga mukha nila?!
"Shibs! Anong gagawin natin?" bulong ko.
"I don't know too!"
Nagkatinginan nalang kami ni Shibama. Hindi talaga namin alam ang gagawin.
"Nand’yan na pala ang pamangkin ko," sabi ni Papa sabay lapit sa akin. "Binibisita ka raw ng boyfriend mo."
Pamangkin?!
Boyfriend?!
Lagot na!
"Ah... Eh..."
Waaa! Anong sasabihin ko? Sky naman eh! Bakit ka ba kasi nandito?!
Hinawakan ni Papa ang kamay ko at pinaupo katabi ni Sky. Waaa! Lupa! Kainin mo na ako, parang awa mo na!
"Bagay na bagay nga kayo,” panimula ni Papa.
"Really? Thanks tito,” sagot pa ni Sky.
Tito?!
"Saan nga pala kayo pupunta?"
"We're going to have a date."
Date?!
"Nice. Aalis na rin ako dahil may flight pa ako. Pero Sky iho, kakausapin ko lang sandali si Ynna, ha?"
Hala! Ayan na nga! Huhu. Patay ako.
"Sure tito," magalang na sagot ni Sky.
Bumilis bigla ang t***k ng puso ko nang papalapit na si Papa papunta sa kinatatayuan ko at ni Shibama.
Tinignan ko si Shibama para manghingi ng tulong at payo pero wala na siya sa tabi ko! Nakita kong nasa pinto na siya banda at nag-titiptoe pa para hindi namin malaman ang pagalis niya! Kainis talaga!
Tinatakasan niya ako sa mga ganitong sitwasyon! Hudas kang bakla ka! Humanda ka sa akin!
"P-pa..." mahina kong sambit. "Magpapaliwanag ako."
"Wala nang oras, anak. Aalis na ako," seryoso si Papa.
"Pa, ‘wag ka magalit. Magpapaliwanag ako."
"Anak, hindi ako nagagalit. Oo, nagtatampo ako sa’yo kasi na sa’yo naman ang lahat ng oras para sabihin mo sa akin kagabi ang lahat nang tungkol dito pero hindi mo ginawa. Pero pinagkakatiwalaan kita at alam kong may sapat na dahilan ka kung bakit mo nagawa ito. Alam mo rin naman na may kontrata ka pa, ‘di ba?" Tumango ako.
"Malaki ka na anak. Kaya alam kong alam mo na ang tama at mali. Basta kung may maging problema ay tatawagan mo lang ang Papa mo, ha?" Tumango ulit ako.
Napaluha ako kay Papa. Grabe. Ang laki talaga ng tiwala sa akin ng lalaking ito. Kahit pa pagsinungalingan ko siya ng ilang beses ay pilit pa rin niya akong iniintindi.
Ang swerte ko talaga sa kanya. Sayang at aalis na siya kaya hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na makausap pa siya at ipaliwanag ng husto sa kanya ang lahat.
Inayos na ni Papa ang maleta niya at pumunta na sa may pinto. Sumunod naman sa kanya si Sky at tinulungan siya sa mga iba pa niyang gamit. Pinunasan ko naman agad ang luha ko at sumunod na rin sa paglabas ng condo.
Nang nakalabas na kami ng condo ay tumawag ng taxi si Sky na sasakyan ni Papa papuntang airport. Sayang at hindi ko na maihahatid si Papa. Ano ba na naman kasi itong pakulo na date ni Sky eh. Mas lalong lumiit tuloy ang oras naming mag-ama.
Pipilitin ko pa sana si Papa na 'di na ako makikipag-date at ihahatid ko nalang siya sa airport pero siya na mismo ang nagsabi na siya nalang mag-isa ang babalik. Sumama nalang daw ako sa 'date'. Hmp.
Pero bago pa man sumakay si Papa sa kadarating lang na taxi at tuluyang umalis papunta sa airport ay may binulong siya sa tainga ko na tila ikinagulat ng buong sistema ko.
"Pero anak, gusto ko ang lalaking ‘yan para sa’yo. Ramdam ko na mahal ka niya."
Anak ng tokwa.
***
"Hoy!" Kinurot ko ang tigiliran ni Sky habang nagda-drive siya. "Anong pinagusapan niyo ng pap-este-tito ko?"
"It's for me to know and for you not to care." Nag-smirk pa siya.
"Tsk! Eh bakit ka ba kasi pumunta sa bahay ng Sabado? Ang ganda rin ng timing mo eh! Kung kailan pa talaga may ihahatid kami sa airport!"
"We have a date..."
"Ha? Kala ko ba hindi mo ako typ—"
"...on a mission,” pagtuloy niya.
"’Di ko gets! Ano?"
"We have a mission date. Farrah's going out with Dave today. Gagawin mo ang trabaho mo. Ang pagselosin si Farrah."
Ouch. Trabaho ko.
"Pero you'll have fun," bumawi pa. Tsk.
"Fun? Fun ba ang pagselosin ang ibang tao? Fun ba na manira ng date ng ibang tao? Ang sama mo talaga!" pagrereklamo ko.
"Just shut up."
***
[Skating Rink]
"Wow! Magske-skating tayo?!" sabi ko habang nakatingin sa napakalaking skating rink.
"Yes."
"Weee!"
Mabilis kong sinuot ang mga skating shoes na pina-renta sa amin.
"Marunong ka ba?" tanong niya.
"Hindi hahaha!" masaya kong sagot.
"It's not that easy."
"Madali lang ‘yan. Tara na!" excited kong sabi habang hinihila ko si Sky papunta sa rink.
Pagpasok ko palang sa rink ay naramdaman ko agad yung lamig.
Waaa! Ang lamig pala dito!
Tapos naka-sleeveless dress pa ako tulad ng mga laging pinapasuot sa akin ni Shibama. Hindi naman kasi sinabi agad ni Sky na mag-a-ice skating pala kami. Tsk! Hitsura ko tuloy ngayon, nanginginig! Yung bibig ko bumubukas-sara sa sobrang lamig!
Pagtingin ko kay Sky ay nakita ko na siyang nagske-skate papunta sa kalagitnaan ng rink. Iniwan ba naman ako! Nandito lang ako sa gilid nakatayo. Hmp.
Sinubukan ko siyang gayahin pero… waaaa! Nadapa ako!
Ang hirap pala mag-skate! Mukha kasing madali lang kanina eh!
Gumapang ulit ako papunta sa gilid. Mahirap na dahil baka madapa ako ulit. Bukod sa masakit at malamig ‘yon ay baka makita pa nila ang panty ko kasi nga nakadress lang ako. Buti nga yung pagkakadapa ko kanina ay yung tipong conservative na pagkakadapa nga lang eh.
Hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko. Ayoko namang maging habang-buhay lang nandito sa gilid ng rink kaya naman ay umatungal nalang ako. Bahala siya kung mapahiya kami.
"Sky! Huhuhu!" pag-iyak ko.
Tumingin lang siya sa akin pero hindi lumapit! Bruho talaga!
Ayaw mo, ah! Isa pa!
"Sky! Ang sama sama mo!”
Aba't hindi na tumitingin. Isa pa!
"Sky Anderson! Wala kang silbing boyfriend!”
Nagtinginan ang mga tao sa direksyon ko. Malamang kilala nila si Sky. Sikat kasi siya eh. Oh kaya naman baka hinahanap nila kung sino yung walang silbing boyfriend. Bwahaha.
Nakita ko nalang na papalapit na si Sky sa akin. Hahaha! Nanalo ako! Siguradong napahiya siya sa mga tao.
"What the hell?" sabi niya.
"Eh, turuan mo kasi ako. Ang hirap pala," pag-amin ko.
"No. D’yan ka lang sa gilid."
"Ang sama mo! Dali na!"
"No."
"Dali nga!"
"I said no."
“Dali na—”
Naputol ang bangayan namin ni Sky nang may biglang nagsalita.
"Oh hey, nandito din pala kayo," si Dave.
"Magske-skates din pala kayo. Bakit parang nage-LQ?" tanong ni Farrah sabay dikit sa katawan ni Dave.
Nasa gilid kami ng pasukan ng rink kaya naman kitang-kita namin ang bawat bagong pumapasok sa rink para mag-ice skate.
"No. We're not quarrelling. I'm actually teaching her how to skate. Right, baby?" sabi ni Sky sabay kindat sa akin.
"Ugh. Yeah," sabi ko nalang. Kunwari sosyal. Improving na kaya ako. Start na ng 'trabaho ko' eh.
"Come on, baby."
Hinawakan ni Sky ang dalawa kong kamay at marahan niya akong dinala sa gitna ng rink. Natatakot talaga ako dahil wala na akong hahawakan kung hindi si Sky lang pero wala na rin akong magagawa kung hindi magtiwala.
Nakakainis lang kasi kanina iniwan niya ako sa gilid at wala man lang siyang balak tulungan ako pero ngayong dumating na si Farrah ay grabe kung makaalalay sa akin. May pa-sweet pang effect. Kainis!
Kung sabagay, kaya nga lang naman pala kami nandito para gawin ang mission namin at ‘yon ay ang pagselosin si Farrah.
"Fall for me," bulong niya sa tainga ko.
"Ano?"
Aba! Pagkatapos niyang magpanggap, ngayon gusto naman niyang ma-inlove ako sa kanya?! Ano siya, sineswerte?!
"Fall for me. Farrah's looking."
Ah. ‘Yon pala.
"P-paano?"
Hindi na niya ako sinagot. Hindi ko na napansin kung paano niya ginawa pero nakita ko nalang ang sarili ko na nakapaibabaw na naman kay Sky. Kasabay no’n ay ang pagwalk-out ni Farrah at Dave sa skating rink.
Bakit kaya sila nagwalk-out?
Siguro ang akala nila ay matutunaw ang buong skating rink dahil sa init ng pagmamahalan namin ni Sky.
Charot lang. Hahaha.
***
[Restaurant]
Ang buong akala ko ay nagtatapos na ang lahat sa mission namin sa skating rink pero mali pala ako.
May restaurant pa pala. At pagkatapos no’n ay magpa-practice pa raw kami sa paparating na pageant kasi wala pa kaming matinong practice na nagagawa.
Nandito kami ngayon sa isang Chinese restaurant na hindi ko man lang mabasa ang pangalan kasi nga Chinese. Ang alam ko lang ay masarap ang mga pagkain dito. Lalo yung yung mga siomai nila. Hehe. Parang ‘pag nginuya ay buhay sila sa bibig ko. Ang galing.
"Baby, siomai pa?" alok si Sky habang nakatutok sa bibig ko ang isa pang siomai at akmang isusubo na naman niya sa akin. Sinubo ko nalang din kahit busog na busog na talaga ako. Masarap kasi eh ‘tsaka minsan lang ito. Sulitin!
Oo, hindi pa talaga nagtatapos ang mission namin dahil nandito rin sa restaurant sina Farrah at Dave. Sadyang sinundan sila ni Sky kahit sa mismong kakainan nila para lang pagselosin si Farrah. Bulag sa pagibig ang loko.
Kaya ito kami ngayon, sweet na sweet sa isa't isa. Maya't maya ay nagpaparinig pa si Sky kung gaano kasarap ang siomai lalo na raw kapag ako ang kasama niya. Yucks lang.
Ang akala ko ay classy si Sky pero may pagka-jeje rin pala. Ano naman kaya yung koneksyon ng siomai sa akin?
Pero s’yempre, hindi rin nagpapatalo si Dave at Farrah.
[Flashback]
Dave to Farrah:
"Babe, Meralco ka ba?"
"Huh? Why babe?"
"Kapag ngumiti ka kasi, may spark!"
Ang corny. Pero s’yempre, hindi lalo nagpatalo si Sky. Mukhang nag-search siya, eh.
Sky to Ynna:
"Baby, punta tayong cemetery later?"
"Anak ng? Bakit naman? Huwag mo sabihing ililibing mo na ako?" takot kong sinabi.
"Dalawin natin yung puso kong patay na patay sa’yo."
Luh? Hahaha.
At may isa pa yata siyang na-search!
"Baby, may butas ba yang puso mo?"
"Ha?! Wala akong sakit sa puso ‘no! Healthy ako!"
"Tsk. Natrap kasi ako. And I can't find my way out."
Hahaha. Pambihira.
“‘Wag mo nang uulitin ‘yan ah,” bulong ko kay Sky.
[End of Flashback]
Oh, ‘di ba? Kadiri. Bakit kaya hinayaan ako ni Lord na makapasok sa ganito ka-corny na sitwasyon?
"Sky, CR lang ako," sabi ko.
"Samahan na kita baby."
"D’yan ka nalang. Tsk. Wala naman tayong mission sa CR, eh. Ihian kita d’yan eh," bulong ko sa kanya.
"Tsk. Fine."
Pagpasok ko sa CR ay dali-dali akong umihi. Parang gripo ang lumabas! Hahaha. Tuwang-tuwa kasi talaga ako tuwing may nagre-refill sa botomless lemonade ko, eh. Kaya inuubos ko agad. ‘Tsaka s’yempre para maging sulit na rin.
Whew!
Dami kong naihi! Nakakakilig. Hihi. Nakakakilig yung feeling kapag umiihi, 'di ba?
"You b***h!" sigaw ng isang babae pagkalabas na pagkalabas ko ng cubicle.
Sino pa ba?
Si Farrah.
Problema no’n?
"Farrah? Ano na naman ba ang problema?" tanong ko. Nawala ang ngiti sa mukha ko.
"Ikaw! Mangaagaw ka! Bwisit ka!" sigaw niya sabay sabunot na naman sa akin.
Pareho ito sa eksena namin ni Farrah noon sa girl's locker room ng ECB gym. Sinasabunutan niya ako at ako naman ay walang laban at umiiyak. Hindi naman talaga dapat ako iiyak kaso ewan ko ba at hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagpatak tuwing sinasaktan ako ni Farrah.
Ang akala ko ay naubos ko na ang tubig sa katawan ko sa pag-ihi ko kanina pero hindi pa rin pala.
Siguro dahil alam ko sa kalooban ko na wala naman talaga akong laban sa kanya. At alam ko rin sa sarili ko na kung malaman man ito ni Sky, si Farrah pa rin ang kakampihan niya.
Dapat nga siguro ay maging masaya ako dahil umeepekto na talaga ang mga mission na ginagawa namin ni Sky. Nagseselos na talaga si Farrah. Kapag naging girlfriend na ulit ni Sky si Farrah ay awtomatiko nang matatapos ang kontrata ko. Makakalaya na ako kay Sky at makakapagaral na nang matiwasay.
Pero nakakainis kasi hindi ko talaga mapigilang maging malungkot. Malungkot dahil sa kabila nang imahe na ipinapanggap ko ngayon ay inaapi pa rin ako. Malungkot dahil wala akong karapatan manglaban. At malungkot dahil kung magkakabalikan man sila ni Sky ay maiiwan akong mag-isa. Este, maiiwan si Janina mag-isa.
"Tigilan mo nga ako!" pagsigaw ko sabay takbo paalis sa CR.
Pagkaalis ko sa CR ay pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang buhok kong sinabunutan ni Farrah.
"Duwag!" rinig kong sigaw ni Farrah no’ng pagkalabas ko sa CR.
Pumunta ako sa table namin ni Sky at nagsimulang ligpitin na ang mga gamit ko.
"Baby, what happened? Why are you crying?" pa-sweet na tanong ni Sky. Alam kasi niyang nakatingin pa si Dave.
"Tigilan na natin 'to. Gusto ko nang umuwi," bulong ko sa kanya para hindi marinig ng iba.
"What happened?"
"Wala nga."
"Magpa-practice pa tayo. May competition tayo, remember?"
"Next time na."
"May nangyari ba? Sabihin mo sa akin."
"Wala."
"Kailangan nating mag-practice."
"Wala akong gana."
At tuluyan ko nang iniwan si Sky. Sinubukan niya akong habulin pero mabilis akong nakasakay ng taxi papalayo sa kanya.
Ayoko na.
Ilang minuto lang pagkasakay ko ay biglang nag-ring ang telepono ko.
Tumatawag siya.
"Ano ba Sky?! Pwede ba? Wala nga akong gana!"
[Ano nga kasing nangyari? Bakit mo ako iniwan? You know what, dinala kita sa date na 'to to have fun habang ginagawa natin ang mission natin! And now you're acting like this? What the hell, Ynna!]
"Hindi mo ako maiintindihan!" pagsigaw ko.
[Then explain it to me!]
"Sky, salamat nalang sa skating at sa Chinese restaurant experience. Seryoso ito, I had fun."
At binaba ko na ang tawag.
© mharizt