Night's POV:
"Bakit ba hindi mo na lang hayaan iyang anak mo ang mag empake ng mga gamit niya."
Halatang inis na si Dad habang pinapanood si Mommy na nag eempake ng mga gamit 'ko. Nang gigil 'ko naman inatake ang tore ng kalaban. Hanep! Ang bobobo naman ng mga kasama 'ko sa ML.
"UI!" sigaw 'ko ng marinig 'kong sabihin ng operator ang 'the enemy has been slain' buti na lang at magilas akong umatake kaya MVP pa ako. Panis sila sa akin!
"Hayaan mo na, Elixus. Matagal na naman kasing mawawala ang anak natin." nakangiting sabi ni mom na lalong kinasibangot ni dad.
"Kaya ayaw lumayas ng u***g 'yan dahil masyado mong bine-baby."
"Dad, pag umalis ako ma-mimiss mo ako." Nakangiti 'kong sabi kay Dad at lumapit ako kay mom na nag lalagay ng mga bimpo sa bag.
"Huwag ka mag papakapawis doon, Night. Ayan marami na akong nilagay na bimpo at panyo."
Nag aalalang sabi ni mom. Oh diba? Alagang alaga nila ako? Ganiyan ako kamahal ng mommy 'ko kaya naman ayokong umalis dito sa bahay ee.
"Tss! Tumatanda ka na, Night. Bumukod ka na. Hindi 'yung palagi kang nakasuksok dito sa bahay. Hindi mo gayahin si Light."
"Tss! Bakit 'ko naman gagayahin 'yun. Bumili mg condo para sa bisaklat niyang girlfriend tapos umuuwi sa bahay ni Erin. Ano ako tanga? Mag aaksaya ng pera para sa babae? Pwede naman sila sa tabi tabi o kaya sa CR na lang. Makakaraos din naman kami."
Si Daddy talaga masyadong magastos. At least dito sa bahay libre ako lahat tapos alaga pa ako ni mommy. Hindi na ako ma momoblema sa mga gawain.
"Ayan ang sinasabi 'ko. Lahat na lang ina asa mo rito sa bahay. Paano ka niyan mag aasawa kung batugan ka."
"Elixus, hayaan mo na. Si Night na nga lang ang baby 'ko. Basta anak huwag ka muna mag aasawa huh? Hayaan mo na si Light at matagal naman na iyon na hibang sa babae niya."
Kita niyo na? Masyado akong pinag tatanggol ni mommy kay daddy. Masyado kasing strict si Dad at si Mom lang ang kakampi 'ko rito. Si Light kasi paborito 'yun ni Dad kaso sablay talaga siya nung iniwan niya kami para kay Sundrea at nag aral siya sa ibang bansa. Grabe kaya ang naging tampo ni mommy nun kay Light kaya ayaw na ayaw nila kay Sundrea. Buti na lang talaga at mas mabait at mas gwapo ako sa kakambal 'ko kaya ako rin ang sumunod sa mga yapak ni Daddy bilang isang pulis.
Retired na nga lang si Dad dahil sa pang ambush ng mga kalaban nito kay mommy noon. Natakot si Dad na baka sa susunod ay mapahamak na kami tuluyan kaya nag retiro na siya at sa negosyo na lang siya naging abala.
"Tss! Hindi na baby 'yan kita mo ngang marunong ng gumawa ng bata 'yang anak mo."
Kahilig kumontra ni Dad akala mo ay hindi nag daan sa pagiging binata. Hindi na lang siya mag pasalamat at pinapalaganap 'ko ang maganda naming lahi.
"Saan ka ba naka destino ngayon? Bakit ba ang damit mong damit?" Tanong nito na kinasandal 'ko sa headboard ng kama.
"Ipinatapon nila ako sa Olonggapo. May pinapa survey silang bentahan ng mga babae."
Sakto maraming babae roon kaya mag e-enjoy ako habang na sa Olonggapo. Magaganda kaya mga chikkas nila roon?
"Akala 'ko ba ikaw ang may hawak sa murder case noong isang gabi?" tanong ulit ni Daddy.
"Tss! Alam mo naman si Majin Boo. Kapag usapang murder at assassination inililipat niya sa iba. Lagi niya na lang akong dinadala sa mga babae. Natutukso tuloy ako." Kibit balikat 'ko na sagot kay Daddy.
Iyon kasing senior 'ko na kamukha ni Majin Boo ay lagi akong ina assign sa prostitution, ayaw nila sa akin ipahawak ang murder case na lagi namang case unsolved. Tss! Kung ibinigay nila sa akin iyon edi sana matagal ng na resolba ang mga p*****n sa lugar.
Kaya ito ako ngayon. Mag isa at malungkot na bumabiyahe papuntang Olonggapo. Hindi man lang tuloy ako nakapag bitbit ng makakapag painit ng malalamig 'kong gabi dahil kailangan 'ko mag undercover.
Nakarating naman ako agad sa pupuntahan 'ko at mula sa tinutuluyan 'ko ay tinatanaw 'ko 'yung mga matatandang babae na may mapulang lipstick at halatang nag r-recruit sila ng mga babaeng mukhang walang kamuwang muwang sa mundo.
"Tss! Magkano kaya bentahan nila sa mga baguhan?" Mukha kasing menor de edad pa 'yung isa. Sigurado mahal iyon dahil mukhang virgin pa. Kawawang bata.
Nag patuloy lang ako sa pag oobserba ng halos mapatalon ako sa gulat ng makita 'ko si Summer. Teka anong ginagawa niya rito? Nag babakasyon ba siya? Tss! Si Summer mag babakasyon? Wala na nga ata siyang ibang alam gawin kung hindi ibuhos ang lahat ng oras at panahon niya sa negosyo nila. Ini isip 'ko nga minsan kung iyon ba ang dahilan kung bakit niya na lang ako iniwan ng walang kahit na anong dahilan.
Hanggang ngayon hindi 'ko pa rin matanggap na wala na kami kahit ilang taon naman na ang lumipas. I really want to win her back pero daig 'ko ang may nakakahawang sakit kung maka iwas siya sa akin. Akala mo rin ay mas malamig pa sa yelo kung pakitunguhan niya ako. Wala naman akong ginawang mali noon para itrato niya ako na parang wala kaming pinag samahan.
Nakaramdam lang ako lalo ng inis kapag muli 'kong na iisip na para akong basurang itinapon ni Summer. Hindi pa naman niya ako natitikman para mag sawa na siya sa akin agad. Tss! That was insane! Ang daming babae ang nag lalaway sa akin pero iisang babae pa rin ang laman ng isip at puso 'ko.
Sa huli ay na walan ako ng gana mag surveillance sa lugar. Gusto 'ko muna mag palamig para hindi 'ko na ma alala kung paano ako binalewala ng taong pinapahalagahan 'ko.
Marami namang bar dito at hindi ako nabigo na mag libang. Maraming babae ang pasulyap sulya sa akin at parang kinikiliti 'ko na agad ang mga p********e nila kung makatawa sila sa tuwing tumitingin sila sa akin. Syempre ayoko naman sayangin 'yung pagkakataon kaya todo ngiti at kindat ako sa kanila.
Typical girl. Mga babaeng nakakita lang ng gwapo, bibigay na agad. Kinindatan at nginitian mo lang bubuka na agad. Tss! Ibang iba si Summer sa kanila. Halos kainin 'ko ang lupa noong nililigawan 'ko pa lang iyon tapos na sayang lang lahat ng effort 'ko ng dahil sa hindi 'ko malaman na dahilan. f**k! Bakit ba hindi na naman siya ma alis sa isip 'ko.
At lintik! Anong ginagawa niya rito. Sinundan 'ko ito ng tingin ng dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bar na tila may hinahanap at mukhang hindi naman niya ako napapansin.
Gago ka ba Night? Mukhang hindi ka na nga nag e-exist sa mundo niya simula pa noon. Hindi naman kasi kami nalayo sa isa't isa dahil iyon kay Erin. Iyon nga lang, sa tuwing mag kikita kami, lahat ng taong kasama namin ay kinaka usap niya maliban sa akin. Kung siguro kaming dalawa lang ay mapapanisan kami ng laway. Kung may best award lang talaga na ibibigay sa pagiging sobrang tahimik siguradong ipaparamgal iyon sa kaniya.
Tss! But still, she's the one that I loved. Kahit hanggang sa tingin na lang ako.
"Hi. Mag isa ka lang ba?" Napako naman ang atensyon 'ko sa isang babae na lumapit sa akin. Mapula ang lipstick nito at parang naka drawing lang ang kilay niya pero sobrang ikli ng suot niyang damit na kulang na lang ay makita 'ko na ang buong kaluluwa niya.
Oh well! Kahit ano pang itsura niya may butas pa rin naman ito. Baka ito na ang hinulog mg langit sa gabing ito para mawala sa isio 'ko si Summer.
"Yes. Nakakalungkot nga ang mag isa." Malungkot 'kong sabi sa babae na agad naman nitong pinaniwalaan. Sabi 'ko sa inyo, masyado akong gwapo at magaling umarte para maging artista.
"Pwede naman kitang samahan. Malay mo, mapasaya pa kita." Lihim akong napangisi sa sinabi nito. Kahit saan talaga mapunta ang gwapo, hindi mawawalan ng babae.
She offer me a drink at malandi nitong hinawakan ang binti 'ko. See? Babae pa ngayon ang unang dumadamoves.
I was about to caress her legs ng bigla 'ko na lang marinig ang pag putok ng baril na mabilis kinatili ng mga tao at nag takbuhan palabas. Gayun din ang kasama 'kong babae na yumakap pa sa akin.
"f**k! Si Summer!" Mabilis 'kong itunulak ang babae at nag palinga linga sa paligid ng ma alala na nandito rin sa loob si Summer.
Damn! Baka kung anong mangyari sa kaniya. Nasaan na ba siya?
Sa ikalawang pagkakataon ay muli 'kong narinig ang pag putok ng baril. Lintik! Nasaan ka ba Sam?
I look around and I found her walking on the middle. Seryoso ang mukha nito at walang bakas ng takot akong nakikita kahit pa muling nag paputok ang kung sino man.
"Summer!" Tawag 'ko sa pangalan nito at mukhang nagulat siya ng makita niya ako. Napalingon ako sa lalaking may hawak ng baril na siyang nag papaputok. Itinutok nito ang baril kay Summer kaya mabilis 'kong binunot ang baril 'ko at kinalabit ang gatilyo nito na nag pabagsak rito ng tamaan ito agad sa ulo.
"Sam!" Nag aalala akong lumapit kay Summer at sinuri pa kung may sugat ito. Damn! Hindi 'ko mapapatawad ang sarili 'ko sa oras na mapahamak o magkagalos man lang si Summer ng wala akong ginagawa.
Ano pang silbi at kaya 'kong protektahan ang iba kung ang taong mahal 'ko mismo ay mapapahamak.
"What the hell are yoy doing here?" malamig ang tono nitong tanong sa akin na kinatipid ng ngiti 'ko.
"Is that the way you say thank you?" Isang malamig na tingin lang ang nakuha 'kong sagot sa kaniya na kulang na lang ay mag yelo ang buong pagkatao 'ko.
"Fine! Nandito ako para mag enjoy." sabay tingin 'ko sa babaeng kasama 'ko kanina at mukhang naintindihan niya naman ang ibig sabihin 'ko.
"Tss!" Iyon lang ang naging sagot niya at tinalikuran na ako nito. Sabi 'ko na nga ba, isang 'Tss!' lang ang makukuha 'kong sagot sa kaniya.
Pero ano bang ginagawa niya rito? Kilala 'ko siya, hindi siya 'yung tipo ng tao na pupunta sa isang bar para uminom o magkaroon ng social life. Kung may mas malala pang term sa aloof, anti-social, introvert, self-centered at narcissistic si Summer na iyon.
"Sam!" Hindi ito huminto sa paglalakad. Tss! Ganiyan na talaga niya ako itrato. Wala na ngang thank you sa pag ligtas 'ko sa kaniya tapos hindi niya pa ako kakausapin.
Tss! Ano bang bago sa kaniya. Hinila 'ko ang braso nito pero mabilis niya iyong nabawi.
"Ihahatid na kita. Delikado na. Kita mo naman an--"
"May paa ako, kaya 'kong umuwing mag isa." Walang emosyon na naman nitong sagot at walang sabi sabing tinalikuran akong muli.
"Tss! Hindi 'ko naman sinabing wala kang paa. Bahala ka. Kapag may mga gumago sa'yo diyan. Huwag kang mag susumbong sa akin."
"Tss!" As if naman na may paki alam siya sa'yo Night at asa ka namang mag susumbong siya sa'yo. Bakit? Sino nga ba ako para pag sumbungan niya? Wala naman akong lugar sa buhay si Summer.
I am just a non-existing ex-boyfriend of Summer Blood-Stone.
_____
SNS Account:
FB Account: Ash Sandejas
Twitter: CreepyPervy
Wattpad: CreepyPervy