Night's POV:
Pasipol sipol 'kong sinundan si Summer. Malayo layo na rin kami sa insidente kanina at nasabi 'ko na rin sa mga kapwa 'ko pulis na rumesponde roon.
Hindi 'ko na sakop ang gulo roon at mas mahalaga sa akin ngayon na ma ihatid 'ko si Summer ng ligtas. Mahirap na baka mamaya ay madukot pa siya ng sindikato at isama siya sa mga binebentang babae. Iyon pa naman ang marami dito kaya ako pinatapon ni Majin Boo sa lugar na 'to.
"Saan ka ba uuwi?" Tanong 'ko kay Summer ng mapansin na malayo na rin kami sa mga tao at medyo liblib na itong lugar.
Mukhang wala naman ditong hotel or condo na pwede niyang tuluyan, wala rin namang mala rest house na pwedeng pag mamay ari nila.
Knowing that she's Summer Blood-Stone, she came from a wealthy family all over the world. Kung mayaman si Erin, ano pa kaya si Summer? Mahihiya na ata ang pamilya namin sa yaman nila.
Napahinto naman ako sa paglalakad ng huminto si Summer, napalinga pa ako sa paligid kung may bahay man lang na pwedeng matutuluyan pero mukhang wala.
"Su--"
"Bakit nakasunod ka pa rin? I told you na kaya 'kong umuwi ng mag isa." And finally! Magpapa-lechon ako dahil nag salita na rin siya matapos ng mahaba haba naming paglalakad, yet she sounds irritated.
"Concern lang naman ako, kaya sinundan kita." Totoo naman na concern ako, mahirap na at baka mapahamak siya.
Ikaka-sira ng ulo 'ko pag may nangyaring masama sa kaniya.
"Hindi 'ko kailangan ng concern mo kaya makaka alis ka na."
Seryoso ang mata niyang nakatingin sa akin kaya napa-kamot ako sa batok 'ko at pilit na ngumiti kahit na saktan ako sa pag trato niya sa akin.
"Alam mo, maraming dumudukot ng babae sa lugar na 'to kaya mas mabuting kasama mo ako."
"And who told you that I need you?" Napa awang ang labi 'ko sa sinabi ni Summer.
Alam 'ko naman noon na harsh na talaga siyang mag salita at may pagka-prangka talaga pero hindi 'ko akalain na pati ako ay ita-trato niya ng ganito.
"Parang wala naman tayong pinag samahan niyan." Pilit akong tumawa sa kaniya pero mas tumalim ang mga tingin nito sa akin at hindi 'ko mabasa kung ano ang saloobin niya.
Yeah, I used on it. Naging girlfriend 'ko siya noon na puno talaga ng kawalan ng emosyon ang mga mata niya pero never niya naman akong tinignan ng masama na akala mo'y gusto niya akong gilitan ng leeg.
"Sa---"
"For the last time, Night. Itigil mo na ang ginagawa mo. Hindi ako tanga para hindi mapansin 'yang pag papansin mo. Hindi mo ba nakikita nag mumukha ka lang tanga."
Her words stabbed my heart for a million times. Parang may kung anong dumurog sa puso 'ko, ang sakit! Tang ina! Nakakagago na sa tagal ng panahon ito ang maririnig 'ko mula sa kaniya.
"Hindi ako mukhang tanga, tanga naman talaga ako." nakangisi 'kong sagot kay Summer pero ang totoo durog na durog ako sa mga sinabi niya.
Minsan lang talaga siya mag salita pero 'yung minsan na 'yun tatak talaga sa akin at mag iiwan ng marka.
"Alam mo naman pala, bakit para ka pa ring asong sunod ng sunod?"
Then it hit me so hard!
"Tang ina 'ko naman pala! Sakit mo mag salita, hindi ka ba na inform na 'yung tangang asong sunod ng sunod sa'yo ay 'yung gagong mahal na mahal ka pa rin?"
Napakasakit talaga mag salita ni Summer, alam 'ko 'yun pero tang ina! Mas masakit pala talaga pag narinig mo mula sa taong mahal mo na sabihan niyang para kang asong buntot ng buntot.
Gusto 'ko mag wala at magpakawala ng malutong na mura para sa kaniya pero tang ina 'ko talaga, hindi 'ko siya kayang murahin. Gago 'ko! Hayop!
"Alam 'ko pero hindi na kita mahal kaya tumigil ka na." Natatawa akong na iinis sa sinabi niya.
Napahilot na lang ako sa sintido 'ko. f**k! Sa tagal ng panahon, ngayon lang kami ulit nag ka-usap tungkol sa nakaraan namin at tang ina! Hindi niya na ako mahal, ang sakit marinig sa kaniya.
Ang bobo mo, Night! Iniwan ka nga niya noon, kaya ano pang ina asahan mo? Malamang hindi ka na talaga niya mahal.
"Ang tanong minahal mo ba talaga ako noon? Kasi kung itrato mo 'ko, daig 'ko pa 'yung asong askal kung itaboy mo. Sam, 'yung totoo? Ano bang ginawa 'kong mali sa'yo at mukhang ikaw pa ang galit sa nangyari?"
Wala akong ma alala na may ginawa akong mali para ganituhin niya ako. Kung tutuusin ako dapat itong na gagalit dahil siya itong ng iwan, siya itong biglang nag bago.
Bigla na naman siyang na tahimik at tulad ng dati wala na namang emosyon ang mga mata niya. Ako na naman ang mag a-adjust at huhulaan kung ano ang nararamdaman niya.
"Sa pagkaka-alala 'ko kasi dalawang bagay lang ang mali na nagawa 'ko simula ng maging tayo." Napangisi ako sa inis. Maliit na bagay lang ang nagawa 'kong mali noon at kahit anong pag iisip gawin 'ko, hindi iyon dahilan para iwan niya ako.
"Una, nag cutting classes ako para sa dota pero isang beses lang 'yun dahil na takot ako na magalit ka. Pangalawa at huli--- hindi ako nakarating sa libing ng kuya mo pero tang ina 'ko, nandun ako gabi gabi para makiramay. Kaya sabihin mo sa akin, Sam, saan ako nag kamali?"
I just want to make things clear, ilang taon na kaming ganito, walang kibuan,walang Night na nag e-exist sa paningin niya at walang closure lahat. Bigla na lang nangyari, na isang araw pag gising 'ko, ayaw niya na akong makita, ayaw niya na akong maka usap at tuluyan niya na 'kong inalis sa buhay niya.
"Hindi mo kailangan mag ka-mali para lang sabihin 'ko sa'yo na hindi na kita mahal."
Napapikit ako ng mariin at parang tangang na tawa sa sinabi niya, nakaka-gago! Ang sakit na malaman na kahit na ano pa lang gawin 'ko, hindi niya na talaga ako mahal.
"Ok, fine. Kung anong gusto mo, sige-- gawin natin. Tutal matagal mo na akong binura sa buhay mo, ititigil 'ko na rin ang kahibangan 'ko."
Isinuksok 'ko sa mag kabilang bulsa ng pantalon 'ko ang mga kamay 'ko at tipid na ngumiti sa kaniya.
"Paano-- ingat ka na lang sa pag uwi mo."
Tumalikod na ako at nag simulang maglakad palayo sa kaniya. Siguro kailangan 'ko na lang tanggapin, na matagal na kaming tapos at kahit kailan hindi na ako ang lalaking mag papangiti sa kaniya.
---
"Hoy Gabi, papakamatay ka bang gago ka?"
Gagong Troy na 'to, kung makasigaw akala mo bakla ang sira ulo. Bigla bigla na lang sumusulpot sa harap 'ko, wala namang itlog ang gago.
"Gago ka, hindi pa ako bingi kaya huwag kang sumigaw at pwede ba, mahal 'ko buhay 'ko bakit ako magpapakamatay?"
Wala na naman siguro sa katinuan itong si Troy kaya walang magawang matino at tumatambay dito sa bar.
"Ang tanong mahal ka ba ng buhay mo?" Kunot noo akong napatingin kay Troy at mukhang seryoso na naman siya. Masama ata ang tama ng isang ito, kadalasan pag seryoso mukha niya, walang sense ang sinasabi.
Classmate 'ko siya sa mga law subjects 'ko noong college kaya nga kilala 'ko na liko ng bituka ni Troy. Kung baliw si Xavier, si Troy naman sira ulong uto uto.
"Sabi mo mahal mo buhay mo, eh diba si Summer ang buhay mo, kaya ang tanong mahal ka ba ng buhay mo?" Pagkasabing pagkasabi ni Troy nun ay mabilis 'ko itong dinagukan.
"Gago!"
Gagong Troy, talkshit ang puta! Wala talaga siyang kwentang kaibigan, alam na nga niyang broken hearted ako, binabara pa niya 'ko.
"Tang ina mo, Night. Ako na nga itong nakikiramay sa puso mong sawi, ako pa sinasaktan mo."
"Huwag mo na 'ko damayan, nang iinsulto ka lang naman. Nakakainit ka lalo ng ulo." Sabay lagok 'ko sa ini-inom 'kong alak.
Ilang araw na simula ng magka usap kami ni Summer at hanggang ngayon, dinidibdib 'ko pa rin ang mga sinabi niya. Oo, ako na sensitive. Ako naman talaga itong mahina sa aming dalawa, dahil siya, kaya niyang mabuhay na wala ako pero ako? taragis! Nawawala lahat ng lakas 'ko, maisip 'ko pa lang na hindi niya 'ko mahal, at hindi niya talaga ako mahal.
Hayop sa sakit!
"Tss! Tss! Tss! Ok lang 'yan, Night, ang mahalaga naging malinaw na sa'yo ang lahat. Diba 'yun lang din naman ang hinihintay mo? Closure? Ayan na oh, binigay na ni Summer, ikaw na lang ang bahala kung tutuloy ka pa sa kakahabol sa kaniya o mag m-move on na."
Seryosong sabi ni Troy habang nag sasalin ng alak sa baso niya at talagang may pataas taas pa siya ng balikat na akala mo expert sa love.
"Nasasabi mo 'yan dahil hindi ka pa nag mahal pero pag na ramdaman mo, kakapit kapa rin kahit alam mong masakit, 'yung tipong mapapamura ka na lang kasi wala kang choice kung hindi mahalin 'yung taong, hindi ka naman mahal."
Napapa-heart to heart talk tuloy ako kay Troy pero ayos na rin ito kesa naman, mag isa 'kong pinapasan ang nararamdaman 'ko. Nakakagaan din pala talaga ng pakiramdam pag may napag sasabihan ka at hindi naman nakakabawas sa p*********i namin ang ganitong usapan, lalo na at sa tunay na kaibigan mo naman sinasabi.
Tumawa naman ang uto na akala mo nababalis na--mali, matagal na pala siyang baliw.
"Hindi 'ko sinabing mag move on ka, ang sabi 'ko choice mo 'yun. Bobo ka talaga kaya panay kopya mo sa akin nung undergrad." tawa ng tawa ang gago kay binato 'ko siya ng chips pero hindi pa rin siya natigil sa kakatawa.
"Wala ka talagang kwenta."
Malupet naming sikreto ni Troy ang pangongopya 'ko sa college, sa kaniya talaga ako kumokopya nung college lalo na pag exam sa law, kaya 'ko nga nakilala iyang u***g 'yan dahil seatmate kami sa mga law subjects 'ko at talagang masasabi 'kong matalino siya, huwag lang sasapian ng masamang espiritu dahil daig niya pa ang baliw sa mental.
"Payong kaibigan lang--" Bigla na naman sumeryoso si Troy, daig niya pa may multi personality sa bilis mag palit ng mood, sabagay babae nga sa kaniya, minuto lang iba na naman, mood pa kaya niya? Brief kaya nag papalit ang gago? Baka mamaya babasagin na ang suot na brief ni Troy ah, f**k! Baho siguro nun.
"Huwag mong sukuan, nasaktan ka na rin naman, sulitin mo na. Nag paka tanga ka ng uto ka, bakit susuko ka pa?"
"Tss! Diba ang sabi nila, pag nag mukha kang tanga ng una at pangalawang beses huwag mo ng pangatluhan? Eh bakit iba ata 'yang advice mo?" Tignan nga natin kung gaano katalino ang gung-gong.
"Dahil sabi mo nga, nag mahal ka, kaya gagawin at titiisin mo lahat para sa kaniya. Simpleng logic, di mo gets? Walang matigas na tinapay sa ma-init na kape. Tanga ka talaga!" Tawa na naman ng tawa ang sira ulo.
Mamatay ka sana kakatawa. Pero teka? Ano 'yung sinabi niya?
Walang matigas na tinapay sa ma init na kape..
Tss! May suggestion naman pa lang matino si Troy. Tutal na saktan na rin naman ako, ano bang masama kung susubukan 'ko ulit, malay mo this time, effective na.
Subukan na rin nating tignan kung totoo nga ba ang kasabihan.
Let's see if Summer will resist the glamour of Night Lexus Cordova.
_____
SNS Account:
FB Account: Ash Sandejas
Twitter: CreepyPervy
Wattpad: CreepyPervy