Summer's POV: "Nag iisip ka ba? Sumugod ka roon ng mag isa? Anong gusto mo, mag pakamatay din tulad ng mga kapatid mo?" Halata ang galit at inis sa tono ng pananalita ni Maxus and I just give him my usual look. "Kung namatay man ako, na sigurado 'ko na lang na ako ang nakapatay sa mga pumatay sa magulang at kapatid 'ko." Seryosong baling 'ko kay Maxus na kinasabunot nito sa sarili niya. "f**k that, Summer! Gaano ka kasigurado na tama ang impormasyong nakuha mo? Binibitag ka lang ng mga kalaban mo, para mapag bagsak na ng tuluyan ang pamilya niyo. Naisip mo ba 'yun?" Nakuha 'ko naman kung anong gustong puntuhin ni Max at aaminin 'ko, hindi ako sigurado na ang lalaking 'yun talaga ang pumatay sa magulang 'ko. But Damn! Ilang taon na akong nag hahanap ng hustisya para sa kanila pero

