Summer's POV: "Ano? Hinayaan mo mabuhay 'yung babaeng 'yun? Paano kung ikanta ka niya? Paano kung sabihin niya ang nalalaman niya? Sam, pwede mo iyon ikapahamak at gamitin sayo ng mga kalaban natin." "Alam 'ko ang ginagawa 'ko, Max. Isa pa may usapan na kami. Mananahimik siya." Kanina pa kami pa ulit ulit ni Maxus sa usapan na ito at halatang napipikon na siya sa akin. "Sam, bakit ba ayaw mong patayin 'yung Raine na 'yun? Dahil ba sa kaibigan siya ni Night?" Natigilan ako sa naging tanong ni Maxus at sa hindi 'ko pag sagot ay siyang pag ngisi niya na puno ng inis. "I knew it, dahil kay Night, tama ba? Hindi iyon problema, Sam. Kung hindi mo kaya ako ang gagawa." "No!" Agad 'kong pigil sa kaniya na akmang aalis na siya. Sinamaan 'ko ng tingin sa Maxus. Huwag niyang gagalawin si Rain

