Maxus's POV: "Maxus, hindi mo ako mapapatay." Mapang inis na sabi ni Keanne kahit pa ang mukha nito ay naliligo na sa sarili niyang dugo. At dahil na iinis at napapangitan ako sa pag mumukha niya ay muli 'ko itong sinuntok sa mukha habang nakasuot pa rin sa mga daliri 'ko ang brass knuckle para siguradong mabubura ang pag mumukha niya. "Ngayon, sabihin mo sa akin. Sino ang na sa likod ng mga tattoo na 'yan?" Sabay tingin 'ko sa buhay na buhay nitong tattoo. Napangisi siyang dumura ng dugo at hinampas ang ulo niya sa akin. "Bwisit!" Hindi 'ko napigilan na tadyakan ito dahilan para bumagsak ito sa sahig kasama ang bangko kung saam ito nakatali. Inis 'ko pa siyang kimuwelyuhan at matalim na tinitigan sa mga mata. Bukod sa na aasiwa ako sa pag mumukha niya, talagang nakakagago ang mga

